Kabanata 27

2486 Words
KABANATA 27 Ilang sandaling lakaran, napahinto ako nang makaramdam ng gutom. Leche talaga. Sana pala kumain na lang muna ako sa bahay nina Gene bago tumulak papunta rito. Inisip ko pa kasing baka hinihintay na ako ng ungas na iyon. And I wanted to make a good impression on the first day of our lessons. Iyon pala magdo-drawing lang siya. Dinoor-zoned pa ako noong kapatid niya. Hindi ko inalintana iyong hilab ng aking tiyan at pinagmasdan na lang muna ang kapaligiran. Sinulyapan ko iyong dojo nina Kyo. Napagtanto kong malayo-layo na rin pala ang aking nilakad nang nagmistulang maliit na bahay na lang iyon mula rito. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa aking mga tuhod. Ramdam ko ang panghihina ng mga ito. Dinungaw ko ang aking pang lalakarin bago marating iyong back gate ng farm. Hindi na ganoon kalayo pero malayo pa rin. Medyo masakit na rin sa balat ang sinag ng araw. I took my phone out from the back pocket of my pants. Mag-aalas dies na rin pala. Muli kong iginala ang paningin sa paligid. I was hoping I could find a tree para makasilong sandali. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang may namataan akong isang maingay na grupong patungo sa aking kinatatayuan. Nagmamaneho ng mga motor iyong dalawa sa kanila. Iyong isa ay may dalawang sakay. Habang tatlo naman doon sa isa pa. "Uy, si Ian!" "Oo nga, si Ian!" "Ian, bata!" Namilog ang mga mata nang makilala iyong limang maiingay. "Kumusta?" Bati noong Jepoy. "Ah... okay lang. Kayo?" Napasulyap ako sa mga bitbit nilang timba, "Saan ang punta niyo?" "Punta kami sa Cambuhawe Springs. Maliligo." Ngising-asong sagot nito. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Ba't naglalakad ka lang? Ang init o!" Tanong naman noong Kulas. "H-ha? Ah... ano... namamasyal," sagot ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihing galing ako sa dojo ng mga Cross at baka itanong pa nila kung anong ginagawa ko roon. Pinagmasdan nila ang ayos ko bago nagtinginan sa isa't isa na tila hindi kumbinsido. Napatingin naman akong bigla sa suot ko. I was wearing ripped pants, a simple white shirt and chucks. Hindi naman siguro ito kahina-hinala. Panandalian silang nagbulung-bulungan. Pagkalipas ng ilang sandali, sabay-sabay naman silang napatingin sa akin at nakangising aso. Bahagya akong napaatras sa pinaoakita nilang ekspresyon. Parang may masama pa yata itong binabalak sa akin. Napapitlag ako nang bigla akong hinawakan noong Mikoy. Nasa pagitan siya nina Kulas at Nonoy. "Sama ka na lang sa amin!" Bulalas nito. "Sige na!" Magkasabay na sabi pa ni Kaloy at Nonoy. "Oo nga, Ian. Tara! Ligo tayo!" Dugtong pa ni Jepoy sabay usog sa harap para magkaroon pa ng maliit na mauupuan sa pinakadulo ng motorsiklo. "H-ha? Eh... wala akong dalang damit panligo," Pagdadahilan ko. Hindi ako pwedeng maligo kasama nila. Alangan namang mag-panty lang ako roon. Eh di malalaman nilang babae pala ako. "May extra ako ritong shorts at tshirt. Tara!" Tugon naman ni Kulas na nasa kabila. "A-ah..." May pag-aalala kong tinignan iyong maliit na espasyo sa dulo, "Magkakasya ba tayo diyan?" "Kasya iyan! Halika na!" Sagot ni Kaloy na siyang nagmamaneho ng aangkasan ko. "Nauna na iyong iba doon. Baka maubusan tayo ng barbecue!" Dagdag ni Nonoy. Pagkarinig ko pa lang sa salitang barbecue, namuo na agad ang laway sa loob ng bunganga ko. Mabilis akong umupo sa pinakadulo at kumapit sa balikat ni Jepoy. "O? Ano pang hinihintay natin? Pasko? Tara na!" Masiglang sabi ko na tinugunan naman nila nang maingay na kantyawan at tawanan bago mabilis na pinatakbo ang mga motorsiklo. Papasok pa lang kami sa entrance, dinig ko na ang agos ng tubig at hiyawan ng mga tao sa loob. Saglit kaming huminto sa tapat ng gate para magbayad ng entrance. Dudukot na sana ako ng pera sa aking bulsa nang pinigilan ako ni Jepoy. Suminyas ito na manahimik ako bago hinarap iyong nangongolekta ng bayad. "Ate, galing po kami sa loob. Lumabas lang kami saglit para kuhanin itong mga gamit namin." Si Kulas iyong nagsabi noon. "Eh, nasaan na iyong kalahati ng tickets niyo kung ganoon?" Naghalukipkip pa iyong bantay habang isa-isa kaming minamataan. "Naiwan po namin sa loob, Ate. Kung gusto niyo po, tawagin niyo po iyong isa naming kasama na nasa loob para dalhin dito iyong mga tickets namin," matapang na sagot ni Kulas pero hindi pa rin kumbinsido iyong naniningil. Tumulong na rin sina Jepoy sa pagkumbinse rito na nagsasabi nga sila ng totoo pero pinipilit pa rin noong bantay na ilabas nila iyong kalahati ng tickets nila. "Maniwala po kayo, galing na po kami rito kanina. Nandoon iyong mga kasama namin oh!" Sabay turo pa ni Nonoy sa loob. Sandaling nilingon iyon ng bantay. Nang muli itong humarap ay tumango-tango lang ito na parang nakukumbinse na. "Sa susunod, dadalhin niyo iyong mga tickets niyo sa tuwing lalabas kayo para hindi na maulit ang ganito." "Opo. Sorry po." Paumanhin ni Kulas. But the expression on his face wasn't apologetic at all. Sinasabi ko na, nagsisinungaling itong mga ito. Gusto lang makapasok ng libre. Papaalis na sana kami roon nang nabaling ang mata noong bantay sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin bago kumunot ang noo. "Sandali!" "Patay!" Bulong ni Jepoy. But instead of stopping, mas binilisan pa ni Kaloy iyong pagmamaneho noong motorsiklo. Panandaliang humabol iyong bantay pero huminto rin at bumalik sa may gate nang may mga sasakyan ng bumubusina. "Ayos!" Sigaw nitong dalawang kasama ko. Nagawa pa nilang mag-high five sa posisyon namin. Biglang iniharap ni Jepoy sa akin ang kaliwang palad niya. Pinagmasdan ko lang iyon at nagtaka kung anong gusto nitong mangyari. "Apir, bata!" Napakurap ako sa inusal nito. He wanted me to give him a high-five, right? Napakagat ako sa aking labi bago ko siya pinagbigyan. "Ang galing natin!" Tawa pa ng mga ito habang ako nama'y nakatanaw pa rin sa kamay kong kaka-apir lang. Ang sarap pala sa pakiramdam na welcome ka sa samahan nila. Ilang sandali pa ay tumigil na rin kami. Naghihintay na sa parking area sina Kulas na bumubungisngis sa tagumpay ng ginawa nila. Nagsibabaan na kami at panay pa rin ang kwento nila sa nangyari sa amin. Nakipag-apiran pa iyong tatlo sa akin na buong kagalakan ko namang tinanggap. Matapos noon ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa mga springs. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Katulad ng mga resorts sa syudad, maraming nakapalibot na loungers sa gilid ng mga springs. Mayroon ding mga cottages at mga island bars. Hindi masyadong maraming tao ngayon dahil kabubukas pa lang nito kaya kitang-kita mo kung gaano kalawak at kalaki ng buong resort. Naalala ko sa kwento ni Milo kanina, mayroong tatlong bahagi ang Cambuhawe Springs: ang public, private at VIP areas. Iyong public ay bukas para sa lahat. Entrance fee lang ang kailangan mong bayaran. Babayaran mo naman iyong buong spring kung private iyong pipiliin mo. Samantalang iyong VIP area ay exclusive for the families of Cross Empire. "Ian, ang bagal mo!" Napapitlag ako sa sigaw ni Jepoy. Doon ko lang napansin iyong nakabukod na malaking spring sa harapan namin. Flowing iyong tubig noon patungo sa isang batis. May dalawang maiikling slides patungo sa tubig. Marami-rami na rin ang mga taong naliligo roon. "Bihis ka muna roon!" Tugon sa akin ni Kulas sabay abot ng mga damit nito habang tinuturo iyong direksyon ng mga comfort rooms. Tumango lang ako at walang imik na tinungo iyong mga palikuran. Mabilis lang akong nagbihis. Medyo maluwang iyong t-shirt na pinahiram ni Kulas. Mabuti na lang at hindi malaki iyong shorts niya kung hindi baka malaglag ito mamaya at makita pa nila ang hindi dapat nilang makita. Nakapaa na lang ako nang bumalik sa pool area. I was watching some kids who were happily chasing one another at the sides when I saw him got out of the water. Namilog ang mga mata ko when I realized that he was just in his boxer shorts and all his manly muscles were in full view. "King!" Nagkaroon ako ng dahilan para mag-iwas ng tingin at bumaling na ang sa direksyon ng tumatawag. Ganoon na lang ang bigla ko nang makita sina Jepoy na ganoon na lang rin ang suot. Kaagad nilang nilapitan ang hari nilang ginugulo ang sariling buhok. Hagikhikan naman ng mga babae sa gilid ng pool ang sumunod matapos noon. Nakita ko pang kininditan ni Reign ang mga iyon kaya mas lalo pang lumakas ang mga tili nito. Umirap na ako saka tumuloy sa isang lamesang pinagtambakan ng mga pagkain. May mga ngohiong, siomai, barbecue at pusu ang nakahain doon. Napalunok ako sa nakita. Tumingin-tingin pa ako sa paligid nang matagpuan ng mata ko si Nonoy na dumadampot na ng isang stick ng barbecue. "Kain lang," nakangising sabi nito bago bumalik sa kung saan. Hindi ko na hinintay pang may mag-anyaya sa aking kumain. Kumuha na ako ng isang paper plate at dumampot na ng makakain. "Himalang hindi mo yata trip mahulog ngayon?" Nabilaukan ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. "O, tubig!" Sabay abot niya sa pinag-inumang bottled water. Kinuha ko na agad iyon at uminom doon. Pagkatapos noon ay matalim ko siyang tinitigan. "Kailangan bang manggulat ka? Kitang kumakain iyong tao, e," asik ko rito na kaagad namang nagtaas ng dalawang kamay. "Hindi ko naman sinasadyang mabilaukan ka sa gulat ko. Nagulat rin nga ako nang makitang pumapapak ka sa mga pagkain na iyan," nakangising tugon nito. "Malamang kasi gutom iyong tao, hindi ba?" Pamimilosopo ko sabay subo ng isang siomai bago isinunod iyong pusu. "Sus! Hindi mo na lang amining nasarapan ka kagabi—" Pareho kaming natigilan sa huli nitong sinabi. Nakabitin pa sa ere iyong isusubo kong ngohiong. Napatingin ako sa mga tauhan niyang nagpipigil sa pagtawa. Malamang sa malamang ay narinig nila iyong kabalbalang sinabi nitong hari nila. Ibinaba ko iyong hawak kong ngohiong at itinaas ko ang dalawa kong kamao. "Suntukan na lang kaya tayo, gusto mo—" Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla niyang ipinasak sa bunganga ko iyong kinagatan kong ngohiong. "Kumain ka na lang, Ian. Gutom lang iyan," sabi pa nito bago dumampot ng kapareho at agad na isinubo sa bibig. Ibinaba ko iyong mga kamao ko habang nginunguya iyong pagkaing nasa bibig ko. Bwesit talaga itong haring ito. Wala bang nakapagsabi sa kanyang hindi dapat ginagalit ang taong gutom? Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy na lang iyong pagkain. Ganoon rin naman ang ginawa nito. I was halfway through my last barbecue nang muli siyang nagsalita. "Kung hindi lang sinabi nina Jepoy na isinama ka nila mula sa farm, iisipin ko na talagang sinusundan mo ako." Kumunot naman kaagad ang noo ko. Seriously, wala na ba itong planong magsalita ng matino? Pipilosopohin ko na sana nang naunahan ako nito. "Anong ginagawa mo roon? Sabi ni Jepoy, malapit sa gate two ng manggahan ka nila nadaanan. Wala masyadong dumadayo roon kaya nakakapagtaka namang nandoon ka sa mga oras na iyon." Napalunok ako sa mga sinabi nito. Akala ko nakatakas na ako sa mga tanong nina Jepoy kanina. Hindi ko naman inakalang tatanungin rin ako nitong hari nila. "A-ah... p-pumapasyal lang..." Pagsisinungaling ko rito. "Hmmm.... Maniniwala na ba ako niyan?" Naghalukipkip ito nang hinaharap ako. Hinuhuli niya ang aking paningin pero panay lang ang ilag ko rito. "Hindi ka naman yata naglalayas, ano?" Natigilan ako sa kanyang konklusyon. Saan galing iyon? "Tumalon ka mula sa iyong silid kagabi. Tapos natagpuan ka nina Kulas kanina sa malayong parte ng manggahan. Ngayon, parang gutom ka buong buhay mo kung lumamon ng pagkain. Kahit nga iyong tinatawag mong parang bulate kagabi, hindi mo pinatawad." Mabilis ko namang sinulyapan iyong pinagkainan ko. And true enough, nakita ko roon iyong stick na tinuhugan noong parang bulate. Napangiwi ako sa natanto. "Sabihin mo nga, minamaltrato ka rin ba ng pamilya mo?" Nawala iyong pandidiri ko at napalitan ng pagkabigla nang ang tanong niya. Ano raw? Okay, wait. Kung iko-consider ko lahat ng nabanggit niyang kalagayan ko sa tuwing nagkikita kami, in his point of view, lumalabas na para ngang minamaltrato ako sa amin at ngayon ay naglalayas ako! Hindi ako agad nakapagsalita. I was too overwhelmed with how the events were turning out in his mind. Iniling ko na lang ang ulo ko bilang pagsagot. Ipinilig nito ang kanyang ulo sa kabilang banda bago nagpangalumbaba habang hindi inaalis ang titig sa akin. His emeralds seemed analyzing if I was telling him the truth or not. "Sigurado ka?" Bago ko pa siya masagot, bigla akong hinigit ni Kulas papunta sa pool. "Ligo na!" Ang huli kong narinig bago ako bumagsak sa malamig na tubig. "Water bomb!" Dinig kong sigaw ni Reign nang makaahon na ako. Nagsigawan naman ang mga kasamahan niya at mabilis na nagsitalunan sa tubig.Ilang sandali pa ay napuno na ng tawanan, kantyawan at hiyawan namin ang buong pool. Panay pa ang saboy ng tubig nina Jepoy sa akin. Sinabayan ko naman sila sa kulitan nila at ganoon din ang ginawa ko kay Reign. Bahagya pa siyang nagulat sa aking ginawa pero dumampot ito ng isang water gun at pinagbabaril ako. Tawa lang kami ng tawa habang naglalaro sa pool. Sa dami namin, hindi maiwasang umalingawngaw sa buong resort ang mga boses namin. Nagsisitinginan na ang ibang mga tao sa gawi namin pero sige pa rin kami sa aming kulitan. "O, si Ian naman!" Sigaw ni Reign sabay turo sa aking gawi matapos ihagis si Nonoy sa tubig. Kaagad namang nagsitunguhan ang lahat ng tauhan nito sa aking direksyon. "Hoy... huwag ako! Huwag ako!" Sabi ko pero tawang-tawa pa rin sa binabalak nilang gawin. Sa huli ay nagpatianod na lang ako sa kanila nang simulan nila akong buhatin. Aliw na aliw ako sa mga pangyayari. "Ready?!" Narinig kong sigaw ng hari. "Isa..." Dinuyan-duyan pa ako ng mga kumag habang nagbibilang ang mga ito. "Dalawa..." Hindi pa umaabot sa pangatlong bilang ay binitawan na ako ng mga ito. Nilunok ko na lang ang tili ko at hinintay ang paghampas ng katawan sa tubig. Nang makaahon akong muli ay sinalubong naman ako ng hiyawan nila. Nakitawa rin ako habang nakikipagsabuyan ng tubig sa kung sino ang nasa malapit. I've never had so much fun in my life before. I've never had people who were willing to do fun with me. Wala sa sariling hinanap ko ang kinaroroonan ni Reign. Natagpuan ko siyang nakapamaywang sa gilid ng pool, may malapad na ngiti sa mukha at nakadungaw sa akin. Nagtaas siya ng kamay at binigyan ako ng isang thumbs up. Ito na ba iyong tinutukoy mo, Rekka? The other side of life that I've never encountered before? Ito na iyon, hindi ba? Sa sayang nararamdaman ko ngayon, hindi ko mapigilang ngumiti nang malaki. Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay para bigyan siya ng two thumbs up. Saglit siyang natigilan bago muling natawa. Ako naman iyong natigilan habang pinagmamasdan siyang tumatawa. He looked so cool laughing like that. He left me no choice but to follow suit. Rekka,  I think I've found my happy place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD