Kabanata 28

2281 Words
KABANATA 28 Bandang alas dos na nang ihatid ako nina Jepoy sa parehong lugar kung saan nila ako natagpuan. Nag-alangan pa silang iwan ako roon kasi, katulad ng sinabi ni Reign kanina, walang masyadong dumadayo sa lugar na iyon. But I insisted and told them that my parents were just near that area. Kahit na may pag-aalangan, pinagbigyan pa rin nila ako. Hinintay ko lang silang makaalis bago ko tinahak ang daan patungo sa dojo. Papalapit pa lang ako sa gate, napansin ko na ang nakapark na van ni Milo. Nang makita ako, agad niyang nilapitan ang master niyang galit na pinagsasabihan iyong dalawa nitong pinsan. Halata ang galit sa mukha ni Kyo habang nakapameywang at nakatingin sa kawalan. Nakadungo naman sa tabi nito ang kanyang kapatid. Nang makita ako ni Gene, napalitan ng ginhawa ang galit nitong ekspresyon. He immediately went to me and did his usual checkings. Pansin ko ang pagkairita sa mukha ni Kyo habang nakatanaw sa amin. Sinimangutan ko siya. Bakit siya maiirita sa akin when it's his fault in the first place na pinapunta niya rito nang ganoon kaaga gayong bukas pa naman pala ang simula ng aming lessons. Dahil sa nangyari, maaga akong inuwi ni Gene. Hanggang sa bahay, panay pa rin ang labas nito ng sama ng loob sa ginawa ng mga pinsan. Panay rin ang paghingi niya ng paumanhin sa akin. Pinagsabihan niya rin akong huwag umalis mag-isa lalo na't hindi ko pa kabisado ang Asteria. He tried asking where I went and what I did the entire time I was gone. I told him about going to the springs but didn't give him any more details about my adventures there. Hindi niya na lang ako kinulit tungkol doon at nagpasalamat na lang na nakabalik akong ligtas sa kanila. Nang sumunod na araw, maaga pa rin akong sinundo ni Milo. This time, pinabaunan na ako ni Mimi ng makakain kung saka-sakaling hindi na naman ako siputin ni Kyo. At ganoon nga ang nangyari. Magdadalawang oras na akong naghihintay sa lounge area ng dojo pero walang Kyo ang nagpakita. "Wala pa rin si Kyo?" I was in the middle of eating my sandwich nang napadaan si Kira. He was wearing his kyuudou attire and holding a bow in one hand. Kaagad kong nilunok iyong kinakain kong sandwich bago marahang umiling. Nag-iwas siya ng tingin at panandaliang ngumuso. Saglit pa niyang binalingan ang bitbit bago ako muling hinarap. "I don't know about guns but if you like, I can show you some kyuudou..." Lumiwanag ang mukha ko sa binanggit nito. "You know... just until Kyo arrives or something. Baka kasi nababagot ka na rito kakahintay," kamot-batok nitong tugon nang hindi nakatingin akin. Well, this is definitely an improvement compared to yesterday. Could it be that he's starting to warm up to me? "I'd love to!" Walang pagdadalawang isip na sabi ko. "Great!" He exclaimed as he showed me a big smile, "But first, you need to change into proper kyuudou attire," dagdag nito habang pinapakita sa akin ang kabuuan ng kanyang ayos, "You'll find one in the lockers. Eubert!" "Yes, Master?" Biglang lapit ng isa sa mga tauhan nito. "Show Lady Ayana where the locker room is. You'll wait for her outside until she's done and then bring her to the kyuudou practice area." Tugon nito sa nakadungong tauhan. "Yes, Master," ang sagot nito bago ako hinarap, "Lady Ayana, this way please," anito habang nakaturo ang kanang kamay sa direksyong pupuntahan. "I'll wait for you at the practice area, then, Ayana," nakangiting usal pa ni Kira bago marahang dumungo at tumuloy na. Sinundan ko naman si Eubert papuntang locker room. Nang makarating na ay namangha ako sa laki nito. The room was filled with several lockers. Malapad ang daanan sa pagitan ng mga ito. May mga shower rooms, saunas at may private pool pa! Sa isang banda, may isang cabinet na punung-puno ng mga kagamitan ng dojo. I found several chest guards and gloves among them. Madali kong nakita ang isang locker na nakapangalan sa akin. Nasa loob nito iyong mga gagamitin kong mga attire. Kinuha ko iyong mga damit na para sa kendo at isinuot iyon. I took one of the chest guards na kasya sa akin. Kumuha na rin ako ng isang glove. I went to the wall-sized mirror to take a last look of my attire. When I thought everything's all set, lumabas na ako at nagpaturo kung nasaan iyong practice area. I was so excited to try shooting some arrows. Nang makarating ako, eksakto namang pinakawalan ni Kira iyong pana. Mabilis iyong umusbong at tumama sa bull's eye noong target. Pumalakpak ako sa pagkamangha. "Oh, you're here!" Nakangiti nitong tugon bago ako nilapitan. "Sorry at medyo natagalan ako. I was figuring out kung papaano isuot itong chest guard. It's actually my first time doing kyuudou," nahihiya kong usal. Saglit siyang huminto at nakapangalumbabang pinagmasdan ang aking suot. "Hmmm... not bad," patango-tango nitong sabi. "Thanks," kamot-batok kong tugon. "Well, then..." Panimula nito as he lowered his face to level with mine, "Ready for your first target?" Napalunok ako habang sinisilip iyong mga targets na nakatayo a few meters away from where we're standing. "I'll try..." I answered in a small voice. "Good!" He exclaimed as he turned to the other direction para kuhanin ang isa pang bow. Iniabot naman niya ito sa akin nang makabalik na. "Here, use this." Tinanggap ko naman iyon at lumapit sa pinaglagyan niya ng mga pana. Nauna na siyang kumuha ng isang pana at walang kahirap-hirap na inilagay sa kanyang bow. Sumunod naman ako at tinularan ang ginawa niya. Medyo nahirapan ako sa paghila ng string pero nagawa ko rin. Hindi lang kasing inat tulad ng pinapakita nito. "Kailangang maayos ang tindig mo. Keep your feet apart and your breathing normal. Subukan mong panatilihin ang ganitong posisyon habang tinitignan ang mata ng target." Sumunod ako sa lahat ng instructions nito at matamang tinignan ang gitna ng target. "Feel the flow of your chi within your body. When you're ready you—" Hindi pa siya natatapos magsalita ay nabitawan ko na ang pana. Matulin iyong lumipad hanggang sa tumama sa pinaka-sentro ng tinatamaan ko. "I... I... I did it!" Masiglang sabi ko rito. Nakaawang ang bibig nito at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa tinamaan kong target. "Kira, I did it!" Sabi ko pa bago nito ibinaling ang atensyon sa akin. "Y-you did! W-wow!" Anito bago muling pinagmasdan iyong target ko. Nakapameywang na ito ngayon at umiling-iling ang ulo. "Are you sure this is your first time or are you an expert already and you're just pulling my leg?" Tanong nitong tila manghang-mangha sa nasaksihan. Tumawa ako sa kanyang sinabi. "This is my first time, Kira. I've never touched anything other than swords," nakangisi kong sagot. Napatango-tango lang ito habang kumukuha ng isa pang pana at inilahad sa akin. "Sige nga. Isa pa nga kung totoong first time mo lang ngayon?" Maligaya ko iyong kinuha at inilagay sa hawak kong bow. Muli kong sinunod iyong mga payo niya bago ko binitawan ang pana. Tulad kanina, matulin rin itong lumipad bago tumama sa gitna ng target, katabi lang noong naunang pana. Pumalakpak sa tabi ko si Kira matapos iyon. "Sugoi! That was amazing, Ayana! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi mong unang pagkakataon mo pa lang itong humawak ng bow." Nagkamot ako ng ulo dahil sa pagkaka-overwhelm sa mga sinabi nito. I'm actually happy that my relationship with Kira is already improving. If kyuudou is what it takes for us to get closer, I'd happily master this art with him! Nakita ko siyang dumukot pa ng panibagong pana at inilahad iyon sa akin. "They say three's a charm," sabi pa nito bago ko iyon tinanggap. Pagkatanggap ko pa lang, ramdam ko ng parang may mali sa pana. Magaspang ito at may kabigatan. Tinignan ko si Kira para sana magsabi kaya lang nakangiti ito ngayon sa akin at tila naghihintay sa ipapakita kong gilas. I can't fail him. Ayokong ma-disappoint siya sa akin ngayon pang nagkakamabutihan na kami. Nahirapan akong ilagay nang maayos ang pana sa bow. Pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Nginitian ko siya nang sa wakas ay nailagay ko na ito nang maayos. Nahirapan naman akong panatilihin ang posisyon ko dahil medyo matulis ang buntot ng pana kaya mahirap hawakan. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili at ituon ang isipan sa target. Kaya lang hindi kinaya ng braso ko ang strain ng strings kaya napaaga ko itong nabitawan. Naramdaman ko ang tulis ng buntot nito nang sumagi iyon sa pisngi ko. Kaagad akong napahawak doon pero nanatili ang mga mata ko sa direksyon ng binitawang pana. Lumipad pa rin iyon tulad noong mga nauna pero sa dingding na ito tumama. "Aww... sayang naman." Napalingon ako sa kaharap nang marinig ang panunutya sa boses nito. Gone was the gentle and shy Kira. Nakahalukipkip na ito ngayon at may mapanuyang ngisi sa labi. "The first two were just beginner's luck... maybe?" He said as he eyed me with disgust. "A... k-kasi..." I tried reasoning out with him but he cut me off with a scoff. "Don't insult my years of kyuudou with your beginner's luck, witch." "I wasn't... I was—" Natigilan ako nang bigla na lang siyang natawa. And it wasn't a happy laugh. "Did you really think it'd be possible for me to get along with the cursed one?" Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. His eyes were filled with something else than just disgust. "Never, Ayana. I will never get along with you," sabi pa nito na may diin sa bawat salita. Bumagsak ang mga balikat ko sa mga binitiwan niyang salita. "But you were smiling at me. I thought—" I tried saying in a small voice pero tinawanan niya lang iyon. "I smile all the time. It's my favourite. It keeps the others thinking that it's safer with me when actually it's the other way around. Just like what you just did." There's no remorse in his voice when he said that. Nagtagis ang panga ko sa kanyang mga sinabi. Ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko pero hindi koi yon inalintana. "But you were nicer than—" "Kyo?" He let out another scoff, "Kyo's just angry. That's his face. Ipinanganak na siyang may ganoong pagmumukha. He's mad at the world. He's mad at life. He's very mad at you. Pero ako?" Lumapit pa siya nang konti hanggang sa magpantay na ang aming mukha. "I. Hate. You. With. Every. Fiber. Of. My. Being." Napasinghap ako sa anghang ng mga binitiwan niyang salita. He hates me. Just like everyone else, he hates me too. Ano pa bang kailangan kong gawin para matanggap lang niya ako? "Find happiness even in the darkest hour of your life..." Alright, Ayana. You can do this. Think positive. Think happy thoughts. Biglang pumasok sa isipan ko iyong tumatawang anyo ni Reign sa spring kahapon. And then I started to feel better. I slowly showed him a smile. Mabilis namang sumimangot ang mukha ni Kira sa nakita. Napaatras ito habang hindi inaalis ang paningin sa akin. "Anong ngini-nigiti mo riyan? Are you mocking me?" Umiling ako without losing that smile on my face. Kahit papaano, mayroon ding akong natutunan mula sa kanya bukod sa kyuudou. That a smile is a very powerful weapon. Madaling itago ang tunay mong nararamdaman at iniisip sa pamamagitan lang ng pagngiti. "Actually, it's the opposite." Mas lalong nadepena ang kunot sa kanyang noo sa aking sinabi. "I like you," walang kurap kong sabi rito. Nanlaki ang mga mata nito at bahagyang napaatras sa kanyang narinig. I took that as a chance to continue. "That's why I'll do everything in my power for you to like me back." Maagap niyang inayos ang ekspresyon ng kanyang mukha bago nagsalita. "Wishful thinking, cursed one. It'll never happen. No one likes you here. Not me. Not Kyo. Not even your own grandfather." Naikuyom ko ang aking kamay sa kanyang mga sinabi pero hindi ko pa rin binitawan ang ngiti sa aking labi. Fake it till you make, Ayana. Fake it. "Well, we will see about that, right? Besides, it's still too early to tell. I'm just twelve, after all," usal ko habang pinagmamasdan ang pamumuo ng iritasyon sa mukha nito. "You—" "Nandito ka lang pala?!" Agad kaming napalingon sa direksyon ng sumigaw. It was Kyo. He's wearing camouflaged pants and a simple round-neck gray shirt. Galit itong nagmartsa patungo sa amin. "Damn it, Kyo! Get your shoes off my floor!" Biglang sigaw ni Kira sabay turo sa combat boots ni Kyo. Seriously, tuturuan niya pa ba ako kung paano gamitin ang baril o didiretso na kami sa giyera? Hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid at itinuon lang ang atensyon sa akin. Marahas nitong hinila ang aking bisig. "Kanina pa kita hinihintay sa labas! Sinong demonyong nagsabi sa iyong pwede kang mag-kyuudou dito habang nakabilad ako sa araw doon kakahintay sa iyo?!" Marahas naman nitong binuntunan ang kapatid na nakahalukipkip lang sa harap namin. "I told you to tell her that I was already waiting outside! Bakit mo siya dinala rito?!" Asik nito sa kapatid. "Just returning you the favour, brother," nakangiting tugon naman ni Kira na ang tinutukoy ay iyong nangyaring panloloko ng kuya nito sa akin kahapon. Naglabas ng mabigat na hininga si Kyo bago padabog na tinalikuran ang kapatid at marahas na tinangay ako palabas doon. Bago pa ako tuluyang makalabas, nakita kong naglabas ng isang mapanuyang ngiti sa Kira habang nakatingin sa akin. "Bring your luck tomorrow, cursed one. You'll need it," anito bago sumirado ang pintuan sa pagitan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD