Kabanata 22

1550 Words
KABANATA 22 Nanlaki ang mga mata ko nang padabog nitong isinara ang mga bintana at umalis. Mabilis kong dinungaw si Himamura at nakita ko siyang nakatanaw pa rin. His eyes were sad when he slightly gave me a bow bago tinungo iyong daanang tinutukoy ni Gene. Galit at asar ang bumulusok sa dibdib ko nang harapin ko si Gene. Pero nawala lang bigla nang makitang sinasapak na ito ng misis niya. "That was the rudest behaviour I have ever seen!" Sigaw ni Mimi sa mister niya. "But you saw it, right? He was trying to steal my beautiful daughter!" He accused while pointing his finger to where Himamura gone off to, "As her loving father, I had to do somethi— Aray, Mi!" "He was only trying to help her get inside! Kailangan mo na bang magpa-check up ng mata?!" Hindi na umimik pa si Gene sa argumento ng asawa at nakabusangot itong nakatingin sa kabilang banda. "First thing tomorrow, you're going to go to that person's house and say sorry, alright?!" "What?!" Nanlalaki ang mga mata ni Gene sa ipinapagawa ng asawa. "You heard me," simpleng sagot lang nito sabay flick ng kanyang buhok at lumapit na sa akin. "I can't do that! I'm a Beta for goodness' sake!" "And I'm your wife!" Agad na itinikom ni Gene ang kanyang bibig at hindi na umangal pa. Matapos noon, ako naman ang binalingan nito. Hinawakan niya ang aking mukha at tinignan nang mabuti. Pagkatapos, ang katawan ko naman ang tinapunan ng pansin na parang may hinahanap na kung ano. Sinundan ko lang iyon ng tingin habang ipinagtataka kung anong meron. "Anong hinahanap mo, Mimi?" I asked. "Tinitignan ko lang kung nagalusan ka ba dahi sa pagkakahulog mo sa puno. Even if you say you're strong for that simple fall, babae ka pa rin. You should take good care of your body." Gusto ko sanang umalma pero nang makita ko si Gene na nakanguso pa rin sa isang tabi ay hinayaan ko na lang siya. An angry Mimi is not to be reckoned with. Patuloy pa rin siya sa pagtingin as I uncomfortably stood there and waited for her to finish. What is she doing here by the way? Hindi ba't tapos na ang party? She should not be here. Ipinagbabawal iyon ng mga matatanda. "No scratches. Good." Sabi nito nang matapos na rin siya after a few minutes. "Why are you still here, Mimi? Hindi ba't bawal ang mga asawa sa loob ng main house pagkatapos ng party?" Then an idea struck me. "Was it because of me? Did you choose to stay because you're worried about me? Because of what I did back then?" Please, I don't want to cause them any more troubles. Agad namang lumingon si Gene sa aming direksyon at mabilis na lumapit. "No, Princess. That's not it." Sabi nito. Nagkatinginan muna silang dalawa bago ako binalingan ni Mimi. Ngumiti ito kasabay ng pagkuha niya sa aking mga kamay at ikinulong sa kanyang mga palad. "We have some news for you na sigurado kaming ikatutuwa mo." Napatingin ako saglit sa nakangiti na ngayong Gene. Tumango siya na tila nagsasabing pakinggan ko ang mga sasabihin ng kanyang asawa. Ganoon nga ang aking ginawa. "What is it?" "The elders have decided to adjust some rules." Pag-uumpisa nito. Napakurap ako sa sinabi niya. Changing some rules at an unprecedented time rarely happens. What could have made them do this? Muling sumulyap si Mimi sa kanyang asawa at ito naman ang nagsalita. "Pumayag silang you'd sleep over our house during weeknights—" Hindi pa tapos si Gene sa pagsabi ay namilog na ang mga mata ko sa ibinalita nito. "For real?!" Hindi ko napigilang bulalas ko. Nang masayang tumango si Gene ay kakaibang saya ang dumaloy sa buong pagkatao ko. "But!" He paused as I stayed still to prepare myself for the worst, "You'd still have to come here during the day to continue your studies and trainings—" Hindi ko na siya pinatapos. Yumakap na lang ako sa kanya nang mahigpit. "Thank you, Gene." I could feel my tears forming on the sides of my eyes pero agad ko iyong pinalis. "You're welcome, Princess." Nakita ko si Mimi na nagpupunas ng mga luha sa kanyang mata pero nakangiti kaming pinagmamasdan. "Let's go, Aya. Kailangan pa nating ayusin iyong mga dadalhin mo sa bahay," anito matapos lumapit sa amin ni Gene. Kumalas agad ako pagkarinig ko noon. "I'm going to start sleeping in your house like right now? Like tonight? Really??" Inextend ni Mimi ang kanyang braso at marahang hinawakan ang aking pisngi. Mamasa-masa pa ang gilid ng mga mata nito sa pagluha kanina. "Yes, Aya. Starting tonight, doon ka na matutulog sa bahay natin." "Kasama ka sa pamilya natin, my beautiful daughter, kaya bahay mo na rin iyon. Don't ever try to separate yourself again from our family, Ayana. I won't ever allow that. You understand?" Medyo pagalit na sabi ni Gene pero may lambing din itong kasama. Tumango na lang ako dahil pakiramdam ko kapag sasagot ako, tuluyan ng bibigay ang mga luha ko. I can't cry in front of them. Baka akalain nilang malungkot akong sasama sa kanila. "Let's go?" Tanong ni Mimi na tuwid na ngayong nakatayo at pinupunasan na naman ang gilid ng kanyang mga mata. Sumunod naman si Gene sa kanya at inialay ang braso nito para kapitan ng asawa. I can't believe this. I'm really going to stay at Gene's house every night! No more lonely nights for me! "I... I'm going ahead of you guys, alright? Aayusin ko lang nang madalian ang mga gamit tapos susunod na ako sa inyo sa sasakyan," buong galak kong sabi bago ko tinakbo ang distansya ng mga pinto. "Dahan-dahan lang, my beautiful daughter at baka madapa ka—" Kinain lang ng distansiya ang mga huling sinabi ni Gene dahil patakbo ko ng tinatahak ang daanan patungo sa aking silid. Napapahinto ang bawat butler na nadadaanan ko at tinitignan ako nang masama. Bawal kasi ang tumatakbo sa hallways. But who cares about that now? Aalis ako ngayong gabi and for the rest of my nights I won't be staying here! How cool is that? Mabilis kong pinasok ang aking silid at kaagad na hinagilap ang aking trolley bag. Binuksan ko kaagad iyon at dali-daling inilagay iyong mga damit ko. Konti lang naman ang dala ko mula US kaya hindi ako mahihirapan sa pag-empake. "Yosh! Kailangan ko na lang magbihis para makaalis na kami," hindi talaga ako makapaniwalang nangyayari sa akin ngayon ito. Ang daming magagandang nangyari ngayong araw despite the bad ones. First, I made friends. And now, this? Wow! I wondered kung nagsisimula na bang magbago ang takbo ng kapalaran ko? Papahubad na ako sa suot ko nang may biglang nagsalita. "Spare me the nightmares, oh cursed one." Si Kyo. Mabilis kong isinara ang kakabukas ko lang na pang-itaas. "Anong ginagawa mo rito?" Malamig kong tanong rito. He let out a scoff before releasing a smirk. "Excited to finally get out of the cage?" May panunuya ang bawat titig nito sa akin. If there's something I've learned from my bullying experience was that one way to win a fight is to dodge one. Kaya hindi na lang ako umimik at nakipagtagisan na lang sa pagtitig sa kanya. I tried using Reign's eye technique but for some reason, it didn't give the same results for me. Mas lalo lang itong nagpakawala ng mas mapanuyang ekspresyon. "Perhaps the elders were too embarrassed to let you sleep in here that's why they agreed to let Gene take you in instead?" Hindi pa rin ako kumibo. Wala akong pakialam sa mga rason nila. Mas mahalaga sa akin na doon ako kina Gene matutulog tuwing gabi. Nang hindi pa rin ako umiimik ay nagbago bigla ang disposisyon nito. Inilang hakbang niya lang ako bago marahas na hinigit ang aking braso. "Just because they let you stay in here doesn't mean you're welcome," utas nito. Marahas ko ring binawi mula sa kanya ang braso ko. Nagtiim bagang ako habang tinatapunan siya ng matatalim na titig. "Don't you think I knew that already? Hindi ako bobo para hindi maramdaman ang pagkamuhi niyo sa akin," I said through gritted teeth. His smirk returned instantly at my reply. "Mabuti naman kung ganoon. I swear I'm gonna make your life miserable in here. So miserable you'd beg the elders to just kill you off." He sniggered. Napakunot ang noo ko sa huli nitong sinabi. "There's nothing you could do to make me beg them to end my life." Matapang kong sabi. "Oh, we'll see. We shall see." Tumango-tango pa ito habang humahakbang paalis. Pero bago pa man ito tuluyang makalabas ay huminto pa ito saglit sa may pinto at bahagya akong nilingon. Nandoon pa rin ang mapanuyang ngisi nito sa mukha. "Too bad that the fall didn't cause you much damage, right?" Sinasabi niya bang siya iyong nakamasid sa amin sa labas kanina? "Maybe next time, it'll be from a higher place." Napakuyom ako ng aking palad sa kanyang pagbabanta. "See you around, oh cursed one," anito bago isinara ang pinto. Did he think I'd be scared by his threats? Didn't he get the memo that I've been through hell and back? Nothing could scare me anymore. Not him. Not anyone. Right, Rekka?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD