KABANATA 21
Mabilis ang mga pag-angat-baba ng aking mga balikat habang hinahabol ang aking hininga. Inis na inis talaga ako. Ininsulto niya ang lahat ng mga pagsisikap ko matanggap lang sa pamilya.
All this time, he was staring at me, wide-eyed. He tried opening his mouth to say something pero kaagad din naman niya itong itinikom. Naka-igting na ang kanyang panga nang nag-iwas siya ng tingin at tila nag-iisip.
I may have said too much but I have said what I wanted to say and I don't regret any of them for they are the truth. Even the last profanity fits him well!
I took a deep breath to calm myself.
"I knew from the start that my life would be an endless battle for my family's acceptance. It may come off as exaggerated by the norms of this world, but in this empire, you and I both know what this struggle is about. Tanggap ko na iyon, noon pa," bahagya siyang napatingin sa gawi ko still sporting that hurt expression.
"But you?" Another scoff, "Your struggles, as you so pompously call them, are nothing but self-imposed. Ikaw ang naglagay sa sarili mo sa madilim na mundo ng kawalan. You were the one who decided to be nothing more than just a dummy. Heck, if I could just live your life, I'd be happy!" Asik ko pa.
Unti-unti namang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha sa huli kong sinabi. Sa hindi ko matukoy na dahilan ay lumiwanag iyon at napuno ng... pag-asa?
"Would you really?" Nakangiti nitong tanong.
Wha-- What just happened? Bakit parang nag-iba bigla ang ihip ng hangin? Am I missing something here?
Is he taking me for a fool perhaps?
"You'd give your life to me? Bata lang ako, hindi ako tanga. Ha!" Saglit akong napatawa, "Like that's even possible," sabi ko pa sabay irap dito.
"Hmm... Maybe?" May panunuya nitong sabi. Nagkaroon ng konting kompyansa ang mga mata nito. Mas lalo lang tumaas ang kilay ko sa pinakikita nitong asta.
"But not today, my young lady," nakangisi pa nitong tugon, "For now, I'll be more than happy if you could just accept my friendship," dagdag nito sabay abot ng kanyang kamay.
Pinagmasdan ko iyon bago ibinaling ang paningin sa nakangiti pa ring mukha nito. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang itong naging masaya. He must be desperate to get away from his current life then!
I contemplated on his proposal as I stared at him. Wala naman sigurong masama kung kakaibiganin ko siya. Wala rin namang nakasulat sa rules na hindi ko pwedeng kausapin ang mga pamilya ng kaalyado namin, hindi ba?
With that in thought but still with doubts, I slowly extended my hand. Nagulat naman ako na kaagad niya itong hinablot upang kamayan. He must have seen the shock on my face dahil kaagad din naman niya itong pinakawalan at napakamot sa kanyang ulo.
"Uh... pasensiya na. I'm just so overwhelmed na pumayag kang maging kaibigan ko," anito at hindi maitago ang namumula nitong mukha.
Napakunot muli ang aking noo sa hitsura nito.
"Seriously, allergic ka ba sa sakura? Kanina ka pa namumula ah?" Hindi ko mapigilang sabihin.
Napaawang naman ang kanyang bibig nang marinig ang aking puna. Matapos noon ay mabilis niyang tinakpan ang ngayong mas namumulang mukha gamit ang manggas ng kanyang kimono.
"Hoy, magsabi ka kung allergic ka. Parang lumalala na iyan. Nakakahinga ka pa ba nang maayos?" Tanong ko rito sabay lapit sa kanya.
Agad naman siyang napaatras sa paglapit ko na ipinagtaka ko pang lalo.
Lalo akong nababanas sa inaasta nito ngayon. Kani-kanina lang gustong makipagkaibagan. Ngayon naman, parang nandidiri kapag lalapitan.
Hinigit ko ang manggas ng kimono niya para makita ang kalagayan ng kanyang mukha pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
"Ang kulit! Patingin ng mukha mo para makita ko kung gaano kalala ang allergies mo!"
"Huwag na. Hindi naman ito allergies," sagot nito habang nakatakip pa rin ng manggas.
"Eh, kung hindi iyan allergies, ano? Kanina ka pa namumula. May pahiya-hiya ka pang nalalaman. Allergies iyan! Patingin na nga!"
"Huwag na—"
Iyon na ang huli nitong sinabi bago biglang nabali iyong tinutuntungan namin at nahulog kami sa lupa.
"Aray..." Daing ko dahil nakadagan siya ngayon sa akin.
"Sorry... I'll just..." Mabilis siyang humiwalay sa akin.
As he was trying to get up, I thought I saw someone watching us from a darker part of the garden. Hindi ko masyadong makita pero sigurado akong nakamasid ito sa amin.
"Can you stand or does it hurt somewhere?"
Napabaling ako sa nag-aalalang boses ni Himamura. True enough, nariyan na naman iyong tingin niyang punung-puno ng pagsusumamo, the way Gene would look at me. Sometimes, I would hate that look. It made me feel pitiful.
Naka-extend na ang mga kamay niya to help me stand pero pinalis ko iyon kaagad.
"Thanks but I can manage," matigas kong sabi as I heaved myself up.
"Ayana!"
Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw at nakita namin si Gene na nakadungaw sa bintana noong library. Pulang-pula ang mukha nito at tila papatayin sa titig itong si Himamura.
"What on earth are you doing to my beautiful daughter, you—"
Akma na siyang tutungtong sa bintana para makatalon palabas nang pigilan ito ng kanyang asawa na nasa likod niya lang pala.
"Huwag ka ngang padalos-dalos. Let the kid explain himself."
"Kid?! Anong kid ang pinagsasabi mo, Mi?!" Kahit sa layo ko, kita ko pa rin ang nagsisilabasang litid nito sa leeg, "He's a healthy sixteen year old boy! When I was that age, minamanyak na kita— Aray ko—" Daing nito ng sinapak ng kanyang asawa.
"Tumigil ka riyan at baka gusto mong sa sala ka naman matulog ngayong gabi!" Asik ni Mimi sa asawang napakamot na lamang ng kanyang ulo.
Ibinaling ni Mimi ang kanyang atensyon sa amin. Nakatayo na ako ngayon at pinapagpagan ang suot ko pero wala sa kanila ang isipan ko. Hinanap ko iyong aninong nagmamasid sa amin kanina pero wala na iyon doon sa pinagtaguan nito.
"So you were only star gazing, huh?"
Muli akong napatingin sa direksyon nina Mimi na nakadungaw pa rin sa bintana. Si Gene ay nakaismid habang nakatanaw kay Himamura na nagpapaliwanag yata sa kanila.
Sinulyapan ko sa panghuling pagkakataon iyong lugar kung saan nakatayo kanina iyong bultong nagmamasid pero wala talaga.
"Star gazing?! Nakapatong ka sa ibabaw ng anak ko, star gazing?! Halika, Mi, mag-star gazing din tayo!"
Narinig kong asik ni Gene at marahan siyang tinampal ni Mimi na humahagikhik na ngayon. Napailing na lang ako sa mga naririnig. Nakalimutan na yata ni Gene na mga minor de edad pa itong kinakausap niya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Umakyat ako sa puno ng sakura kanina," I said.
Napalingon naman silang lahat sa pwesto ko. Bakas pa rin ng pag-aalala ang mga mata ni Himamura. Umiling ako sa kanya to let him know that it's fine. Ayoko ring mapahamak siya nang dahil sa akin. Magkaibigan na kami, hindi ba? Kung mayroon man akong natutunan mula sa tropa ni Reign, ito iyong sasaluhin mo ang mga kaibigan mo sa oras ng kagipitan.
"Gusto ko kasi makita nang malapitan iyong mga bituin just like I did back in the US. Kaso marupok na pala iyong sanga, kaya ayon. Himamura tried to catch me but maybe I was too heavy for him kaya sa ganoong posisyon niyo kami naabutan," pagkukwento ko. They weren't exactly the whole truth but they will do.
Nakatingin lang sa akin si Gene na tila tinitimbang kung may katotohanan ba sa mga pinagsasasabi ko. Si Himamura naman ay nakaawang lang ang bibig habang tinitignan ako. Hindi siguro makapaniwala na ipinagtanggol ko siya.
Nang wala pa ring kumikibo, I decided to climb back up to the window para makapasok na. Mabilis naman si Himamurang pumunta sa likod ko para matulungan ako.
"Kaya ko na," I told him but he continued assisting me.
Maagap din akong tinulungan ni Gene. Hindi nakawala sa akin ang panlilisik ng kanyang mata sa direksyon ng aking likuran.
"Hindi mo ba narinig, Himamura? Kaya na daw ng anak ko. Let go of her!"
"Tinutulungan ko lang siyang makaakyat, Yuujin," sagot naman nito.
Inirapan ko na lang sila at ipinagpatuloy ang pag-akyat. Nang makapasok na, ie-extend ko na sana ang braso ko para tulungan si Himamura nang biglang humarang si Gene.
"May daanan doon papuntang gate. Doon ka na dumaan at hinihintay ka na ng mga bodyguards mo."