Chapter 4

2630 Words
"PAGPASENSYAHAN mo na ang Senyorito mo, Iko ha? May pagkastrikto kasi iyon pero mabait namang bata." Ani Lola Sima sa akin. Siya ang humihingi ng paumanhin imbes na ang dapat gumagawa ay ang salabahe kong amo. Sinigawan na naman kasi ako ni Senyorito dahil ang tagal ko raw iakyat ng pagkain niya. Tatlong minuto pa lang naman akong nakababa at inihahanda pa lang ito nang bumaba siya't sinigawan ako sa kusina. Mabuti at si Lola Sima lang ang nandito. Wala si Nanay dahil nasa palengke. Ikatlong araw ko na sa bagong trabaho at mabuti na lang at nakakayanan ko pa kahit walang oras na hindi ako napapagalitan ni Senyorito. Isinasaisip ko na lamang na kailangan ko ang trabahong ito para sa darating na pasukan ay may pangmatrikula ako. Dalawang buwan lang naman akong magtitiis dahil babalik din ang Senyorito sa Maynila para ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Ano kaya ang pakiramdam na makapag-aral ng kolehiyo? Sa estado kasi ng buhay namin ay alam kong hindi namin kakayanan iyon kaya nagpupursige talaga akong manguna sa klase. Malaki kasi ang prebilihiyo at may garantiyan na makakapagkolehiyo. "Okay lang po. Sige po, ihahatid ko na ito sa itaas." Paalam ko kay lola at kinuha na ang tray ng pagkain. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ng matanda pero hindi ko na iyon pinansin pa. Alam kong naaawa siya sa sitwasyon ko at wala siyang magawa kung 'di ang humingi lang sa akin ng pasensya. Naabutan ko ang Senyorito na prenteng nakahiga sa kanyang kama at nanonood ng sports channel sa telebisyon. Swimming competition ang pinapanood niya. Dito ay napatunayan ko nga na isa siyang swimming athlete. Tahimik kong nilapag sa mesa sa tabi ng kama niya ang tray. Paniguradong mamaya ay hindi na naman niya mauubos ang pagkain. Ewan ko ba sa kanya kung bakit parati siyang nagpapakuha ng pagkain pero kaunti lang naman ang kinakain niya. Ganoon ba talaga ang mga mayayaman at walang pakialam sa pagkaing nasasayang nila? Maraming pamilyang Pilipino ang hindi nakakain ng maayos tatlong beses sa isang araw kaya hindi dapat sila nag-aaksaya ng pagkain. Nang tuluyang mailapag ang tray ay tinungo ko na ang banyo. Hindi pa kasi ako tapos na maglinis doon. Dalawa hanggang tatlong oras o mahigit pa akong nanatili sa kwarto ng Senyorito dahil sa dami ng ginagawa ko. Sa pagtutupi pa lang ng sabog niyang kabinet ay natatagalan na ako. Dagdagan pa ang mga nagkalat na kagamitan at maruming sahig. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon. Marahil gusto niya lang akong pahirapan. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon na babawian niya ako sa ginawa kong pagtuhod sa kanya. Hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi ni Lola Sima na masinop siya sa kwarto niya at mabait. Wala akong nakikita ganoon sa kanya. Salabahe siyang tao. Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng basang dingdig ng shower area nang pumasok siya sa banyo at walang anu-ano'y ibinaba ang harap ng short. Mabilis akong napatalikod dahil sa pagkagulat. Muntik ko ng makita ang hindi dapat makita. Wala man lang siyang pakialam. Alam naman niyang may ibang tao sa banyo at basta-basta na lang papasok ng walang pasabi. Hindi ako makaimik at nanatiling tuod sa kinatatayuan. Kalaunay narinig ko na lang ang pag-flush ng kubeta ibig sabihin ay tapos na siya. Doon na ako nakakilos at ipinagpatuloy ang pagpupunas kahit nanghihina ang kamay ko. Hindi pa rin kasi ako tuluyang nakakabawi sa pagkagulat lalo pa't hindi pa siya lumalabas. "You're acting as if you're a girl. Kunwari ka pa e gusto mo din 'tong makita." Saad niya. May panunudyo sa kanyang boses. Hindi ako umimik at ipinagsawalang bahala ang sinabi niya kahit gusto ko nang maglupasay dahil sa labis na pagkailang. "Tangna! Ang arte, panget naman!" Bulyaw niya at narinig ko na lamang ang pagbalibag ng pinto. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sa kabila nito ay nakaramdam din ako ng inis. Napakawalang-modo talagang lalaki. Arogante na nga, bastos pa! Mabuti sana kung gusto kong makita ang pinakakatago niya. Hindi ako katulad ng iniisip niya. Kahit bakla ako, hindi ganoon. Hindi ako katulad ni Genevi. Sa kabila ng nararamdamang inis ay binilisan ko na lamang ang paglilinis ng banyo. Ito na lang din naman ang huling gagawin ko. Pagkatapos nito ay maglalaba na ako ng mga damit niya. Ayaw kasi niyang ipalaba sa ibang katulong dahil wala na raw siyang tiwala. Atsaka ang kada katulong ng magkakapatid ay siya ring tagalaba ng mga damit nito. May tiwala naman ang Donya sa mga katulong ng dalawa pa niyang anak dahil na rin sa matatanda na ang mga ito. Iyong dating naka-assign talaga kay Senyorito bago si Genevi ay umalis na. Bago lumabas ng banyo ay humugot muna ako ng malalim na hininga. Wala ang senyorito pagkalabas ko subalit nakaandar pa rin ang T.V. Bitbit ang labahan ay lumabas na ako ng kwarto niya. Mamaya ko na lang babalikan ang pinagkainan niya dahil mukhang kaunti pa lang ang nababawas. Saktong pagpihit ko sa doorknob ay bumukas ang pinto. Napaatras ako at nabitawan ang basket. Gumawa ito ng ingay at natapon ang mga laman nito. Awtomatikong napatingin ako sa mukha ni Senyorito na siyang nagbukas ng pinto. Bumalatay sa mukha niya ang galit tulad na nga ng inaasahan ko. "Hindi ka ba talaga marunong mag-ingat ha?! Kahit kailan napakatanga mo talaga!" Napapikit ako at nagmamadaling kinuha ang mga nagkalat na damit at inilagay ito pabalik sa basket. Pero hindi pa ako natatapos sa ginagawa ay sinipa niya na ang basket kaya tumalipon ito at nagkalat muli ang mga laman. Nasira din ito. Nagulat ako sa ginawa niya. Tuloy hindi ako nakakakilos sa kinaluluhuran at tumakas na lamang ang luha sa mga mata ko. Hindi naman umimik ang senyorito at nanatili lang sa kinalalagyan niya. Sa tingin ko ay nagulat din siya sa ginawa niya. Walang nagsalita sa amin sa loob ng ilang segundo. Pinigil ko ang sarili na makalikha ng boses mula sa pag-iyak ko. Wala talagang kasing-sama ang ugali niya. Parang hindi ko na ata kaya pang pakiharapan siya. Mas pipiliin ko na lang ang magtiis sa tubuhan dahil balat ko lang ang nasasaktan at hindi ang buong pagkatao ko. Mas masakit pa ang mga ginagawa at pinasasabi ni Senyorito kaysa sa ibilad ko ang sarili sa ilalim ng sikat ng araw at kati na dulot ng mga tubo. Pero paano si nanay? Paano ang pag-aaral ko kung aalis ako? "I'm sorry." Narinig kong wika niya. Kahit mahina ang pagkakasabi niya nito ay hindi naman ito nakawala sa pandinig ko. "Y-You should be careful next time nang hindi ka nakakagawa ng katangahan." Saad ni Senyorito at muling isinara ang pinto. Hindi siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Doon naman ako tuluyang napahagulhol. Hindi ko na talaga kaya. BALAK KO na sanang sabihin kay nanay na hindi na ako magtatrabaho nang hindi ko naituloy dahil sa ipinaalam niya. Nakapag-advance daw siya ng dalawang buwang sahod dahil naningil na raw si Aling Tonya. Nahabag ako para kay Nanay. Hindi pa nga siya nakakaisang buwan sa mansyon ay dalawang buwan pa siyang hindi makakatanggap ng sahod. Nagkautang kasi kami dahil sa pagkakasakit noon ni Aiko. Mahina ang puso ng kapatid ko at noong inatake ito ay malaki ang naging gastos namin sa hospital. Marami kaming napag-utangan. Mabuti na lang ay nabayaran namin ang iba sa kanila at huli na itong kay Aling Tonya. Kaso ang ale ay naniningil na agad. Nangako ito sa amin na sa susunod na limang buwan pa niya kami sisingilin sa balanse. Pero wala raw nagawa si nanay dahil kinailangan nito ang pera dahil nakulong daw ang anak nitong nasa Maynila. Nahuling nagtutulak ng ilegal na gamot. Naawa talaga ako kay nanay lalo pa't wala siyang sasahurin kaya kailangan ko nga talagang magtiis na pakisamahan si Senyorito Yvo. May binibili pa naman kaming gamot na maintenance ni Aiko kaya wala rin talaga akong ibang pagpipilian. Kakarampot lang ang sahod sa tubuhan at hindi pa iyon araw-araw. Bahala na si Lord sa 'kin. Alam kong hindi naman Niya ako pababayaan. Nang matapos sa paglalaba ay muli akong umakyat sa kwarto ni Senyorito para kunin ang pinagkainan niya. Kumatok muna ako. Naghintay ako hanggang sa bumukas ito. Sumikdo ang dibdib ko nang bumungad sa akin ang halos nakahubad na katawan ni Senyorito. Lantad ang maganda niyang dibdib at tiyan. Sa ibaba, ay nakasuot siya ng shorts. Naamoy ko naman ang mabangong amoy niya. Bago pa man ako makapagsalita ay umatras siya at mas binuksan ang pinto para bigyan ako ng daan. "Kukunin ko lang po 'yong tray." Mahinang hayag ko at tuluyang pumasok sa loob. Siya ang nagsara ng pinto. Ako naman ay dumeretso sa mesa kung saan kukunin ang sadya. Hahawakan ko na sana ang tray nang magsalita siya. "Pwede bang hanapin mo muna 'yong relo ko? Nakalimutan ko kasi kung saan ko nilagay." Utos niya. "S-Sige Senyorito." Sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya. Palihim akong humugot ng hangin upang pakalmahin ang dibdib ko. Nagsimula akong hanapin ang relo niya. Inuna ko sa cabinet at mga drawer na kung saan naroroon ang mga alahas at ibang mga gamit niya. Wala akong nakitang relos. Sunod sa kanyang damitan. Wala rin doon. Napalingon ako sa kanya dahil pakiramdam ko, hindi pa rin siya kumikilos. At ayon nga ang Senyorito, nakapamulsa habang tinitingnan ako. Mas nakaramdam tuloy ako ng ilang. Noon naman siya parang nabalik sa sarili at tinulungan akong maghanap. "Try to look at the bathroom." Utos naman niya na ikinatalima ko. Wala akong nakitang relo niya sa banyo. Ipinaalam ko agad ito sa kanya nang makalabas ako. "Saan ko kaya nailagay 'yon? Wala naman sigurong kukuha nun dito, right? Tayong dalawa lang ang pumapasok sa kwarto ko." Sambit niya habang naghahanap sa drawer. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Sa paraan ng pananalita niya ay parang pinaparinggan niya ako. Pinagbibintangan ba niya ako sa pagakawala ng relos niya? Mahirap lang ako pero hindi ako nangingialam ng gamit ng iba kahit gaano pa iyon kamahal. Marami akong nakitang mga alahas at pera rito sa kwarto niya pero hindi ako kailanman nagkainteres na pakialaman ang mga ito. "Lumabas po kayo kanina at baka naiwan niyo sa kung saan ang relos niyo Senyorito." Sabi ko na lang para kahit papaano ay madepensahan ko ang sarili ko. Nakaramdam na kasi ako ng takot na baka isisi niya sa akin ang pagkawala ng relos niya. Baka palayasin ako rito at pagbayaran pa nito. Madadamay pa si nanay. "No. Wala akong suot kanina nang lumabas ako ng kwarto." Giit niya.b Gusto ko sanang sabihin na nakita kong suot niya iyon kanina nang lumabas siya pero dahil parang ramdam ko ang inis sa boses niya ay tumahimik na lang ako. Baka mas pagdudahan pa niya ako. Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap. Lahat ata ng parte ng kwarto niya ay nahalungkat na namin. Wala talaga ang relo na sinasabi niya. "Hanapin ko na lang sa labas Senyorito baka may nakakita na ibang katulong." Paalam ko sa kanya. Napaiwas ako ng tingin nang humarap siya sa akin. Hindi pa rin kasi siya nagsusuot ng damit kaya nakalantad pa rin ang magandang katawan niya. "I told you na wala akong dinala kanina paglabas ko. Bakit ba ang hirap ipaintindi 'yon sayo?" Bakas na sa boses niya ang galit. Sana ay tumahimik na lang ako. Nagsalita pa kasi. "Maghanap ka na lang at hindi 'yong dada ka ng dada diyan. Mata ang ginagamit sa paghahanap, hindi bibig." Matigas pa niyang sabi at tumalikod sa akin. Ako naman ay pumunta ulit sa kama niya at doon naghanap. Pumuno muli sa ilong ko ang mabangong higaan ni Senyorito. Dumidikit kasi roon ang pinaghalong amoy ng katawan niya at suot na pabango. Siguro kahit hindi maligo si Senyorito ng ilang araw ay pihadong mabango pa rin siya. Hindi kagaya ni Isko na kahit bagong paligo at magpawisan lang ng kaunti ay amoy araw na kaagad. Kahit anong kapa at halughog ko sa kutson at kama ay wala talaga akong nakikita. Bumalik na lang tuloy ako ng banyo para roon maghanap. Maiintindihan naman siguro ni nanay kung hindi ko siya matutulungan sa pagluluto ng tanghalian. Pumasok lang ako sa banyo pero hindi talaga ako naghanap. Ikatlong beses na akong pumapasok dito pero wala talaga akong nakikitang relos niya. Namalagi lang ako ng ilang minuto rito bago muling nagdesisyong lumabas. Nadatnan ko ang Senyorito na nakaupo na sa kama at tila aburido na. Hindi ba talaga niya natatandaan kung saan niya nilagay ang relos niya? Alam ba niyang naiinis na rin ako sa kanya? Sino kaya sa aming dalawa ngayon ang tanga? "Tell me, ikaw ba ang kumuha ng wrist watch ko? Hindi mawawala iyon kung walang kumuha. Hindi ako burarang tao." Natigilan ako sa paglalakad papunta sa aparador niya. Nakatungong hinarap ko siya kasabay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Sinasabi ko na nga ba't pinagbibintangan niya ako. "Hindi ko po kinuha ang relos niyo Senyorito. Hindi po ako ganoong klaseng tao." Giit ko. "Who knows? Hindi kita kilala. At sino ba naman ang aako sa kasalanang ginawa niya? Para malaman mo, that watch worth your life. Galing pa 'yon sa kaibigan ko at binili niya sa ibang bansa." "Hindi po ako magnanakaw Senyorito." Gusto ko ng umiyak dahil sa sama ng loob pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. "You knew what will happen to you if you will not going to return that watch. Ilabas mo na habang nakapagtitimpi pa ako. Kanina pa ako naiinis dito." Pagmamatigas pa rin niya. "Wala po talaga akong kinuha Senyorito, maniwala po kayo. Mahirap lang po ako pero hindi ako magnanakaw." Hindi dapat ako iiyak. Ipaglalaban ko ang sarili ko. Mangangatwiran ako dahil wala naman akong ginagawang masama. "'Di ba ganyan naman kayong mahihirap? Kapag nakakita kayo ng pagkakaperahan, sinusanggaban niyo na agad kahit alam niyong masama. Ilang beses na nangyari dito sa mansyon ang pagnanakaw na 'yan. May isa pa ngang katulong na nagnakaw ng alahas ni mommy. At alam mong magkano ang halaga nun, kalahating milyon." "Alam po ng Diyos na wala akong ninanakaw sa inyo Senyorito." Hindi ko na alam kung paano ko pa siya paniniwalain. Ganyan na ba talaga ang iniisip ng katulad nila sa katulad naming mahihirap? Magnanakaw? Oportunista? E bakit sila bang mga mayayaman? 'Di ba't ang ilan sa kanila ay mga magnanakaw din? Ginagamit nila ang kapangyarihan para makakumkom ng pera? Gumagawa ng ilegal para mas lalo pang maging mayaman? Magsasalita pa sana si Senyorito nang tumunog ang cellphone niya. Napatingin ako sa shorts niya kung saan galing ang tunog nito. Agad niya itong kinuha at ganoon na lamang ang pagkagulat ko sa nakita. Mabilis lang nakipag-usap ang Senyorito sa katawag at pinatay agad ang cellphone. Humugot ako ng malalim na hininga at nagsalita. "Bakit hindi niyo po kapain ang bulsa ninyo Senyorito. Baka nandiyan ang relos niyo?" Matigas na hayag ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Agad niyang ibinaba ang tingin sa bulsa kung saan nakabakat ang nawawalang gamit niya. Medyo hapit din ang shorts na suot niya at kahit kaunting pagkabakat lang ng relos alam kong iyon ang hinahanap namin kanina pa. Kumilos agad ako nang hindi siya nagsalita. Mabilis kong kinuha ang tray at nilagpasan siya. Narinig ko siyang may inusal. "I-I..." Hindi niya maituloy dahil alam kong guilty siya. Kanina pa kami naghahanap pero nandoon lang pala sa bulsa niya at hindi man lang niya kinapa roon. At sino ang niloko niya? Imposibleng hindi niya alam iyon? Marahil gusto lang talaga niya akong pahirapan o pagtripan? Napailing ako sa isipan. Kailan pa ba ako masasanay sa kanya? "Kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang ako sa ibaba." Mahina kong wika bago lumabas ng silid niya. Napasandig na lang ako sa pader at napaiyak dahil sa labis na sama ng loob sa ginawa niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD