"Wala naman kaming opisyal na tawagan but sometimes babe lang. Mayroon ka bang ibang suggestions?" "Okay naman ang babe para sa akin kahit na sobrang common. Hoping ako na magtagal kayong dalawa!" "Salamat bro, and hoping din ako na makita mo na ang destiny girl mo. Pag nangyari yan, apat na tayong magde date ha?" "Pramis ko 'yan sayo!" sabi ni Enzo na nakangiting labas ang mga ngipin. Pagkarating namin sa five star hotel sa makati, nalula ako sa ganda ng building. Maraming mga sasakyan ang nakaparada at aminado akong kinabog nila ang Ferrari na sasakyan ni Enzo. Habang naghahanap ng parking lot, napansin niyang nakatingin ako sa mga sasakyan. "Alam mo bro, gustong gusto ko na talagang bumili ng sasakyan. Kita mo naman, nilaos nila ang sasakyan ko na kung tutuusin ay kasabayan lang l

