"Hahahahaha," sumandal si tatay Robert and he crossed his arms over his chest. "Alam mo, I really like your attitude Joe... at hindi ko mawari kung bakit ako kumalma gayong matabas ang dila mo!" Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumutulo ang mga luha sa mata ni Enzo at pasimple niya itong pinupunasan. "Okay, I will forget about this!" sambit ni tatay. "Anyway, sariwa pa rin sa aking alaala ang nangyari nitong nakaraan Joe, and as a token of appreciation I invited you to eat in a five start hotel. Pasensya na kung kumain na ako, the waiters should be on their way para maideliver ang mga pagkain ninyong dalawa but while waiting, I'd like to know you more... something about your personal life!" Tinitigan ko si tatay sa kanyang mga mata at ramdam ko ang pagiging kalmado niya ng tanungi

