"Andrea, mayroon sana akong gustong sabihin sayo kaya lang natatakot kasi ako sa magiging reaksyon mo!" Bigla namang nag iba ng topic si Andrea. "Uy siya nga pala, kaya kita niyayang sabay na umuwi kasi mayroong bagong bukas na restaurant. Malapit lang yun dito at masasarap ang pagkain!" Napahawak ako bigla sa aking bulsa. Saktong pamasahe lang kasi ang dala ko kaya maituturing ko ang araw na ito bilang petsa de peligro. Ma pride pa naman akong lalaki at ayaw ko na babae ang gumagastos kapag lumalabas kami kahit pa sila ang nagyayaya. Yung allowance ko kay Enzo, hindi ko na nagawang ipaalala kasi nahihiya rin ako. Mabuti na lamang at magaling akong magsinungaling kaya naman ay tumanggi muna ako at idinahilang masakit ang aking tiyan. "Pasensya ka na, medyo maselan kasi ang tiyan ko ng

