Nako, mukhang mahaba habang explanation ang gagawin ko nito. Sa buong talambuhay ko, isang beses ko lang nakitang nakabusangot ang nanay ko at ito ay noong hindi ko ibinigay ang sukli niya noong inutusan niya akong pinabili niya ako ng suka. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi? Mukhang napapasarap ka yata sa mansion ng tatay mong inutil tapos babalik ka lang dito kapag sawa ka na!" "Ma!" Bago ko pa man tapusin ang pagsasalita ko, dinakdakan na niya ako. "Wag ka nang umapela, kinausap ako mismo nang lalaki na nagpakilala bilang Enzo. Ang sabi niya, anak ray siya ni Robert. Sagutin mo nga ako, Joe! Matagal mo na ba ang alam na mayroon kang kapatid!" "Nay naman, alam niyo naman pong bago pa lang ako sa company namin!" "Hindi ba't sinabi ko sayo na i-research mo kung sino na lang ang

