CHAPTER 18 " PASADO"

2046 Words
YOHANNA Habang lumilipas ang araw ay nag focus lang din ako sa Pag aaral. Dahil nga malapit na ang graduation ay Kumuha ako ng Exam sa Mga School na gusto kong pasukan. Kinonsider ko rin naman ang gusto ni Mommy nag take din ako ng exam sa ibang course. Wala muna akong sinabihan, Hindi ko parin naman sigurado na makakapasa ba ako o ano, pero pwede din naman ako kumuha muna ng ibang course din saka ako mag te train sa pag pupulis. Medyo madalang kaming magkita ni Ae ngayon dahil meron din syang project sa North. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nya pag nalaman nya kumuha ako ng exam sa PMA. Isang gabi at nasa labas ako ng terrace ng lapitan ako ni Daddy. "Anak, kumusta bat parang ang lalim ata ng iniisip mo? Tanong ni dad, nilingon ko namna ito saka ako umupo. "Dad? Ahm..Pano po kung gusto ko mag pulis? Kailangan po ba na yun agad amg course ko? "Hmm..pwede anak, pero pwede rin naman na may iba kang course tapos saka ka mag train sa pag pupulis. Bakit anak? "Ahm..kasi Dad, Alam nyo po na gusto ko po maging katulad nyo. Pero gusto ko din po i consider si Mommy. "Hmm.. Ganon ba anak? Pwede karin nman muna kumuha ng Bachelor's degree then saka mo ituloy ang pag pasok sa pulis. "Hmm..Sige po Daddy, Salamat po." "Sigurado ka na ba anak na gusto mo mag pulis? Bui na ba ang loob mo?" "Yes po Dad, Gusto ko ping sumunod sa Yapak ninyo, Para kahit mag retiro kayo, may maiiwang Escobar pa rin na maglilingkod sa bayan." Saad ko na bahagyang ngumiti kay dad. "Good luck anak, basta kung aning Plano mo, andito lang kami ng Mommy mo okay." "Thank you po Daddy." Anya ko kay dad saka ako yumakap sa kanya. Isang araw ay nagkita kami ni Ae sa isang Mall. Kasama ko si Grae ngunit naglaro muna ito sa time zone habang nag uusap kami ni Ae. "B, heto ang Kape mo, kumusta ka? Na miss kita." "Ikaw din love, na miss ko." Saad ko ngunit bakas sa akin na tila merojnakong dinadala. "B, may problema ba? Pansin kong kanina ka pa tahimik, Ok ka lang ba? "Ahm..Wala naman B, Ok lang ako." Saad ko saka tumingin sa Malayo." "No, You're not." Saad nya saka sumimsim ng kape at tulad koy sa malayo rin nakatingin. "Kanina pa tayo magkasama pero pakiramdam ko may iba kang iniisip, pwede mo namang sabihin sa akin." Napatingin ako sa kanya at ramdam ko na namumula na ang mukha nya, kapag ganyan sya ay alam kong medyo naiinis na sya. "I'm sorry Love, Kasi..ano.. Ahm..Graduating na ako diba. Nagsimula na akong Kumuha ng exam sa ibat ibang Eskwelahan., Ahm..Alam mo naman na gusto ko mag pulis diba?" "Yes Tapos?" "Ahm..Kumuha ako ng Exam sa PMA Love, gusto ko kasi na doon sana mag aral kung makakapasa ako." Sa sinabi kong iyon ay napatingin sya sa akin. "Alam ba yan ni Tita Evren? Bat kailangang Doon? Pwede ka naman na kumuha ng course sa iba diba." "Oo nga pero kung sakali lang naman na makakapasa ako." "Paano pag nakapasa ka, E di Doon ka mag i stay, Di kita mapupuntahan, di kita basta bastang madadalaw." Sa sinabi nyang iyon ay natahimik ako. Saka naka Kondisyon ba ang katawan mo? Di kaba nanonood ng balita? Paano kung matulad ka sa mga kadete na napatay sa loob dahil grabe ang ginawa ha.?" "Bakit yan kasi ang iniisip mo?" "Bakit hindi e sa may nangyaring ganon." "Eh Bakit Nagagalit ka sa akin?" Saad ko na unti unti ng umiiyak. Napansin ko naman na tila nag lie low sya. "Hindi ako nagagalit B, nag aalala lang ako. Pwede ka naman kasi kumuha muna ng ibang kurso then saka ka mag pulis. O gusto mo ba talaga maging Kadete? " tanong nya saka ako niyakap. "Sorry na Okay? Dinako galit B, pero sana pag isipan mo muna." Saad nya saka ako niyakap.Sa ganitong paraan ay kumalma ako kahit papano. Matapos namin mag usap ay Tinawag na namin si Grae saka kami sabay na umuwi. Hindi rin lang naman talaga PMA ang pinasahan ko, at bukod din sa Pag Pu pulis ang isa sa gusto ko ay maging Nurse. Para pag Tanda nila Daddy Kahit papano ay makatulong ako sa kanila. At isa pa Pwede parin naman ako maging Police kahit na NURSING graduate ako if ever, as long as Bachelor's Degree Holder . Nang makarating kami sa bahay ay di narin sya nagtagal. Bumusina na lamang sya hudyat ng pagbati kay Mom and Dad. Saka umalis lulan ng kanyang sasakyan. 3RD PERSON POV Mabilis pa na lumipas ang mga Araw at linggo hangang sa sumapit ang Pagtatapos ni Yohanna. Nagtapos ito ngeron ding karangalan kaya labis ang tuwa ng mag asawang Yohan at Evren. Naghanda lamang sila ng simpleng salo salo dahil iyon lamang ang request ng dalaga. Syempre mga Kapamilya at Malalapit na kaibigan ang pangunahiny bisita. Nagpunta rin ang mga Ka klase na malapiy kay Yohanna. Ngunit wala niyon si Ae dahil 1 linggo na itong wala sa dahilang may Pinuntahan na naman itong Protekto sa Davao. Binati naman sya ng Nobyo sa Phone noong umaga at wala naman silang problema pagdating nila sa mga schedule dahil nauunawaan naman nila ang isat isa. Makalipas ang araw ng Graduation ay nagpaalam si Yohanna na pupunta sa isang ka klase at saglit lamang sya doon dahil may kukunin lamang. Pero ang totoo ay naghihintay sila ng resulta ng exam sa mga eskwelahan na balak nilang pasukan. Hangang sa lumabas ang resulta ng exam sa PMA di makapanila si Yohanna na pasado sya. Halos maluha sya sa tuwa na makakapasok sya doon. Agad syang nagpaalam sa kanyang mga kaibigan para ibalita sa kanyang mga magulang. Nang mga oras ma iyon ay naghahapunan na ang Pamilya Escobar. Humahagibis at hinihingal pa na tumatakbo ang dalaga, nasa labas pa lamang ito ay rinig na ang boses nito. "Daddy Mommy" sigaw ng dalaga. "Oh anak bat ka sumisigaw, May problema ba? Saka bat ka tumatakbo ha.? Tanong ni Evren sa dalaga Mommy...Daddy ..Ang saya ko po" "Bakit anak? Anong nangyari" tanong ko rito habang sinusubuan ang bunso nyang kapatid. "Ano yon anak at napakasaya mo? Sunod namang tanong ni Yohan. "Momm...Daddy. NAKAPASA PO AKO SA PMA, Matutupad na po ang pangarap kong Sumunod sa Yapak nyo Dad" masayang wika ng dalaga. Tila napawi naman ng bahagya ang ngiti ni Evren, hindi naman sa hindi sya masaya para sa anak nya, kundi hindi lang nya maisip na pinursue pala talaga mg anak ang pagpasok at pag take ng exam sa PMA. "Congrats Ate "..Bati sa kanya ng mga Kapatid Nakatingin naman kay Evren si Yohan saka tumango at sya naman ang bumati rito. "Congrats Anak, masaya kami dahil pasado ka, pero sure ka na ba anak? "Sure na po ako Dad, alam nyo naman po na matagal ko na po itong pangarap, Di po ba mommy?" Wika ni Yohanna saka tumingin sa Ina. Tumango lamang ito saka ngumiti ng Bahagya saka nag excuse sa kanila. Nasa kusina si Evren at naririnig ang usapan ng kanyang mag aama. "Daddy, Bakit parang hindi po masaya ang Mommy na pasado ako sa PMA."tanong ni Yohan sa Daddy nya na tila malungkot. "Hindi naman sa ganon anak, I'm sure na proud ang mommy mo, siguro ay di lang nya maisip na itutuloy mo, Alam mo naman na sobrang mahal ka ng Mommy mo, dalawang babae lang kayo ni Addie at ikaw pa ang panganay namin. Unawain mo na lamang ang Mommy mo anak, pero sigurado ako na proud sya sayo Anak. "Salamat po Daddy" "Wag kang mag alala anak at Kakausapin ko ang mommy mo, Wala namang di nakukuha sa maayos na pakiusap kaya wag kana malungkot anak." Saad ni yohan sa panganay na dalaga. "Thank you po ulit Dad" saad ni Yohanna sa Daddy nya saka yumakap dito. EVREN POV Hindi ko napagilan na mapaiyak kapag naiisip ko na iiwan kami ni Yohanna kung sakaling payagan ko syang mag PMA, Nasa kawarto na ako at hihiga na sana ng Biglang bumukas ang pinto, walang iba kundi si Yohanna. "Mommy, Can we talk po? Magalang na tanong ng aming anak, sino ba naman ako para tangihan ang anak ko, ako ang ina nya kung may mas dapat maging masaya para sa tagumpay nang anak ako yon dapat, at kung sakaling masaktan sya ako ang mas nakakaramdam dahil ina nya ako, at ayokong maramdaman yon ng panganay ko, at kahit sino pa sa mga anak ko. "Yes Anak, " "Mommy tungkol po ito sa Pag pasok ko Sa PMA.. I'm sorry po kung masakit po para sa inyo ang pagpasok ko roon, pero mommy yun po kasi ang gusto ko, naroon po ang puso ko, gusto ko pong sundan ang yapak ni Daddy. I'm sorry ma, kung na disappointed po kayo sa akin dahil di ko po pinagpatuloy ang kurso na sana ay gusto nyong kunin ko." Wika ni Yohanna saka tumingin sa akin, Baka sa kanyang mata ang Luhang tila malapit nang mahulog ngunit pinipigilan lamang. "Congrats Anak, wala naman akong magagawa eh, kung yan talaga ang nasa puso mo at pangarap mo, Wala akong karapatan para tutulan ka, kung yon ang magpapasaya sayo anak, ikaw ang bahala." Saad ko rito at hindi na napigilan na tumulo ang luha. Niyakap nya ako at Ganon din naman ako sa kanya. "Thank you po Mommy, at naunawaan nyo po ako" "Basta anak, mangako ka sa amin ng Daddy mo na palagi kang mag iingat roon, Alagaan mo ang sarili mo, Wala ako roon para palagi kang i check. "Opo mommy palagi ko po iyon tatandaan. "Mahal na Mahal kita anak, Di ko kakayanin kung may mangyayaring masama sayo. "Pangako po Mommy, pag bubutihij ko po, Hwag po kayong mag alala sa akin" saad pa nito. "Sige na anak, Mag pahinga ka na, baka mapuyat ka pa. " Wika ko rito. "Goodnight po Mommy, I love you" "I love you More anak, Goodnight" saad ko pa saka sya hinalikan at yumakap naman sya sa akin. Pagkalabas nya ay Nahiga na ako, Nakatagilid ako at di maiwasang tumulo ang aking luha, Naiisip ko palang na aalis ang panganay namin at lalayo sa amin ay para akong kulang. Nakatagilid lamang ako at patuloy sa pag iyak 18 years kong kasama si Yohanna mula Sanggol sya, ngayon lamang kami maghihiwalay ng matagal at malalayo kung sakali. Nasa ganong moment ako ng naramdaman kong lumundo amg kama. Hindi ko na kailangang Hulaan, Dahil alam ko na kung sino iyon. Walang iba kundi ang aking asawang si Yohan. Lumapit sya sa akin at Hinaplos ang aking Buhok. Hinalikan nya ako sa ulo kaya lalo akong napaiyak. Di ko na natiis kaya humarap ako sa kanya. Niyakap nya naman ako at isinandal sa kanyang malapad na Dibdib. "Shhhhh .. Don't Cry mommy tahan na, Hindi makakabuti sayo ang pag iyak. "Hindi ..Hindi ko lang kasi mapigilan Daddy, Alam mo naman 18 years kong kasama ang Anak natin, First time kong malalayo sa kanya tapos matagal pa." "Alam ko Mommy, pero alam mo naman na determinado at pursigido ang anak natin. "Alam ko naman yon Daddy, pero...Nalulungkot ako,..Walang titingin sa kanya don, Walang magpapaalala sa kanya, walang mag aalaga sa kanya roon, pano kung Magkasakit sya, sinong mag aalaga sa kanya" saad ko pa habang umiiyak. "Hmm ..Mommy relax, alam mong madiskarte ang anak natin, bata pa lang yan nararamdaman ko nang sya ang susunod sa yapak ko at di nga ako nagkamali. Yohanna is a Strong independent woman mommy, Alam kong kakayanin nya iyon dahil mahal nya at nasa puso nya ang pag pupulis." Saad ni Yohan na Na nananatiling nakayakap sa akin. "Pero sana Daddy mag bago pa ang Desisyon nya, pero kung iyon talaga ang para sa kanya, wala akong magagawa." "Tama Mommy, Isipin nalang natin na kung para sa kanya, para sa kanya talaga ang pag p PMA pero kung hindi, Hindi, sinabi ko rin na pwede naman syang kumuha muna ng ibang kurso saka sya mag pulis pero wala eh, kaya Hayaan na muna natin ang Bata a gusto nya, Kung para talaga sa kanya, eh para sa kanya, Kung hindi Ukol, Di Bubukol."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD