CHAPTER 19 "BYE FOR NOW"

2103 Words
YOHANNA Excited na ako sa paghahanda ng dadalhin ko sa PMA. Pero kung gaano ako ka excited. Ganon din ang patagong pagluha ni Mommy. Nakatingin lamang sya habang inaayos ang mga gamit ko. Nilapitan ko naman sya at niyakap. "Mommy, Hwag na po kayo malungkot. Mas Malulungkot ako pag ganyan po kayo." Saad ko habang nakayakap sa kanya. "Di ko kasi mapigilan anak. 18 years kita kasama tapos iiwan mo na kami at papasok ka sa loob. Hindi ka namin basta basta madadalaw. "Mom, mabilis lang naman po ang araw, Saka ang alam ko po may Time po na pwede nyo akong dalawin doon." "Basta Anak, Mag iingat ka doon ha, Kapag..Kapag gusto mong umuwi o magpa sundo magsabi ka lang dahil susunduin ka namin ni Daddy mo ha anak." Wika ni Mommy habang umiiyak parin. "Yes po mommy" saad ko na lamang. Matapos koag ayos ng gamit ay iniwan ma ako n Mommy. Hindi pa Alam ni Ae na pasado na ako sa PMA di ko kasi alam kung pano sisimilang sabihin sa kanya. Nalaman nya nga lang dati na nag exam ako pero halos di sya payag pano pa kaya kapag nalaman nyang Pasado na ako at disidido na na pumasok sa PMA. Pero wala akong magagawa kundi ipaalam sa kanya. Kinuha ko ang aking Phone at dinial ang kanyang Numero, Wala kasi sya dahil di pa sya nakakabalik. Huminga muna ako ng malalim saka ko dinial ang kanyang numero. Ilang ring palang ay sinagot nya agad ang tawag. "Hello MY B, Kumusta? Naunahan mo ako ah, ako dapat ang tatawag sayo hehe." Masayang wika nya pa sa kabilang linya. Di ko lalo tuloy alam kung pano sasabihin. "Hi Love, ahm..kumusta ka dyan?" "I'm Good B, malapit na rin matapos ang ginagawa rito, sa susunod na mga araw pwede na ako umuwi dahil Tapos na yung trabaho ko." "Ah..Ganon ba, Ok Love," "Bakit Love? May problema ba?" Tanong nya sa akin. "Ahm..Wala Love, Hintayin ko na lang amg pag uwi mo Love." "B, Tungkol saan po, Sabihin mo na." "Ahm..Love Kasi...Ahm..lumabas na yung result ng Exam sa PMA at...Nakapasa ako." Saad ko saka bumalot ang katahimikan, Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. "So..Papasok ka na sa loob? Paano tayo B? "Pwede mo rin naman akong dalawin kasama nila Mommy kapag pwede bumisita." "Wala akong magagawa, Desisyon mo Yan eh, Parents mo nga hindi nanalo sayo, Ako pa ba.? Saad nya sa kanilang linya. "Teka nga Eh bat ba naiiinis ka, diba alam mo naman na eto yung pangarap ko, bakit parang di ka naman masaya., bakit kasalanan ko pa na pumasa ako." Saad ko na di narin nakatiis. "Wala akong ibig sabihin, Ang sakin lang bakit kailangan na maging Kadete ka pa? Tama naman si Tita Evren eh, pwede ka muna kumuha ng ibang kurso." "Bakit parang di naman kayo masaya para sa akin, Bakit parang lahat kayo against," naiiyak na wika ko sa kabilang linya "Baby, Hindi..Hindi sa ganon, Nag aalala lang kami para sayo. Pero hwag mong isipin ma hindi kami masaya., Please Don't Cry." "Para kasing dinka naman masaya sa achievement ko Love, parang...parang ako lang kasi yung may gusto." Saad ko na halos mautal pa dahil sa pag iyak. "No Baby, hindi ganon yon okay? Masaya ako para sayo, Sa Journey mo, Kaso malungkot din kasi magkaka hiwalay tayo ng matagal." "Mabilis lang naman yon Love, Mahihintay mo naman siguro ako lumabas diba?" "Oo naman Baby, Maghihintay ako..Ma mi miss kita ng sobra kapag andon kana." Pero ganon talaga siguro, Ayoko hadlangan ang pangarap mo Baby, kung Yan ang makapag papasaya sayo sige lang. Basta ipangako mo sa akin na uuwi ka na ligtas." Saad nya sa kabilang linya. Mas lalo naman umagos ang mga luha ko "Salamat Love, Salamat sa pang unawa." Saad ko pa rito. Ilang minuto pa kami nag usap saka ko ibinaba ang telepoo. Habang lumilipas ang mga araw ay pansin kong ang tahimik sa bahay lumapit naman sa akin si Grae saka humiga sa sofa na nakaulo sa akin. "Ate Leigh, Ma mi mis kita, Mag ingat ka roon ha, Hwag mong pababayaan ang sarili mo, Hindi kita maipag tatangol roon." Saad ni Grae. "Hehe Sira, Hindi ako mapapano doon ano, nasa Kampo ako kaya walang mangyayari sa akin sa loob." Saad ko rito. "Di mo Sure, diba nga may Namatay doon na lalaki, ang sabi biktima ng hazing or napag tripan ng isa sa mga leader nila." "Grae, kalma hindi mangyayari sa akin yon." "Basta ate mag iingat ka, mamaya may mainggit sayo tapos pahirapan ka nako." "Hehe Grae, walang mangyayari sa akin doon okay? Basta palagi nyo ipagdarasal si Ate Okay, Kambal Evan Eren halikayong dalwa." Tawag ko sa kambal at sumunod naman ang mga ito. "Evan, Eren, mag. Iingat kayo at magpapakabait ha. Aalis muna si ate matagal akong di makakauwi kaya mag iingat kayo. Alagaan at bantayan nyo ang isat isa. Pati C Mom, Dad at Si Bunsong addie. Pasensya na mga kapatid kailangang pumasok ni Ate sa Loob, pero babalik din naman ako okay. Pag balik ko may Ate na kayong Pulis." "Ingat kapo don ate ha, Love ka po namin." Saad ng kambal saka kami nagyakap na magkakapatid. Bandang hapon ay Di ko inaasahan ang pagdating ni Ae, Wala naman noon si Daddy, tanging si Mommy lamang ang naabutan nya. "Ae, narito ka na pala, kumusta ang work? "Ok naman po tita, napadaan lang po dinala ko lang po itong pasalubong. Padala po ni Mama xena." Saad ni Ae. "Naku salamat Ae, pakisasabi nalang kay Tita xena na salamat. Maiwan ko na muna kayo at May niluluto ako." "Sige po Tita," Sa mga oras noon hindi na napigilan ni Ae na yakapin ako. Nasa kwarto naman ang mga bata at si Mommy ay busy na sa kusina. Wala din naman si Dad kaya pumayag akong yakapin nya. Pagkatapos noon ay nag kwnetuhan kami. Hawak nya ang kamay ko at puro paalala sya sa akin. Daig nya pa si Dad at Mom sa dami ng paalala. Maigi na lamang at nagbitaw na kami ng kamay pagbalik ni Mommy. Pero naabutan kami ni Mom na tila seryoso ang pinag uusapan. "Oh, Bakit natahimik kayo? Parang seryoso ang pinag uusapan nyo.?" Wika ni mama saka iniaabot sa amin ang Meryenda na ginawa nya. "Ahmm.pinaaalalahanan ko po kasi Sya Tita Evren. Disidido na po pala talaga sya ng Pumasok sa PMA." Saad ni Ae. "Hay..Oo Ae, Kahit ako ang dami ko din paalala sa batang Yan. Basta ang bilin ko kung di na kayabi inform kami agad oara susunduin agad namin." "Kaya nga po eh," "Hay naku nakahanap ng Kakampi hehe, Mommy, Kuya Ae, Walang mangyayari sakin doon okay? Magtiwala lang tayo." "Oo na, wala naman na kaming magagawa dahil nag decide ka na." Dagdag pa ni Kuya Ae. Wala na akong problema, Kahit papano ay tangap na nila na sa PMA ako papasok. Hinihintay ko na lamang ang araw ng aking pag alis. Kung kasiyahan iyon dahil unti unti ko na matutupad ang Pangarap ko, ay kalungkutan naman iyon sa aking Pamilya dahil first time ko Mawawalay sa kanila. Hangang sa Dumating ang araw ng aking pag alis. EVREN Sumapit na ang schedule nang pag alis ni Yohanna patungong PMA sa Baguio. May kausap sya sa labas at tila seryoso ang pinag uusapan nila, hindi ko maulinigan kung sino pero tila medyo seryoso, nakita ko pa syang nag punas ng mata. Maya maya ay pinatay nya na ang phone at inayos ang sarili saka pumunta sa amin. Sinakay na namin sa sasakyan ang mga gamit nya, Paalis na sana kami ng Dumating ang Hinihingal na si Ae "Tita Evren , Tito Yohan" saad nito saka hingal na hingal. "Oh, bat hingal na hingal ka? Tumakbo kaba? "Opo tito, Baka po kasi di ko na abutan si Yohanna kung hihintayin ko pa nag sasakyan. Ahm..nais ko lang po sana ito iabot sa kanya" wika nito saka inilabas ang travelling Pillow pati ang paperbag na dala nito. Siguro ay Cookies ang laman nito na pinagawa pa ni Ae kay ate Eris. Tinawag ko naman si Yohanna para makapag paalam rin kay Ae ng personal. Alam kong naging malapit silang magkaibigan at Nakababatang kapatid na ang tingin nito kay Yohanna, kaya sinabi kong magpaalam muna sya sa kanyang Kuya Ae. "Anak, baba ka muna andto ang Kuya Ae mo may bigay sya sayo baba ka muna at magpasalamat. Maya maya ay bumaba naman ito at nag Thank you. "Ingat ka roon Yohanna, Tandaan mo yung mga bilin namin sayo ha. Ingatan mo ang sarili mo, Meduo malayo ang Baguio at di ka namin agad agad mapupuntahan. "Ikaw rin kuya Ae, Mag iingat karin parati, Good luck sa mga Project mo," kapag pwede na dumalaw at dadalaw Sila Mommy pwede ka sumama sa kanila." saad pa nito Hindi ko na alam ang iba pa nilang pinag usapan dahil sumakay na kami sa sasakyan, Hinayaan na muna namin silang mag usap. Maya maya ay pumasok na rin si Yohanna sa sasakyan. Pansin ko na tila malungkot ito at tila may luha pa ngunit ikinubli nya naman iyon. Lumapit pa si Ae kay Yohan at hinabilinan na mag iingat kami sa byahe. Habang nasa byahe kami ay pinangangaralan naman ni Yohanna ang mga kapatid mababait naman itong sumunod sa kanya. Nang makarating kami Sa PMA at ihatid sya roon ay di ko na naman napigil umiyak. Niyakap ko si Yohanna sa huling pagkakataon bago kami umuwi, niyakap nya rin ang mga kapatid nya at ang huli ang Daddy nya. "Dad, Kayo na po muna ang Bahala kay Mommy at sa mga kapatid ko, I'll promise dad, paglabas ko rito, Dalawa na tayong mag Seserbisyo" saad pa ni Yohanna saka muling yumakap sa kanyang ama nya. Noon ko lang din napansin na lumuha si Yohan, habang yakap si Yohanna. Doon ko lamang sila muling dinaluhan at hinaplos ang likod ni Yohan. "Anak, Mag iingat ka sa loob, Kapag may Problema andito lang Si Daddy. Pupuntahan ka namin ni Mommy mo Okay anak.? Mahal na Mahal kita. Alam kong matapang ka at Kakayanin mo dahil alam kong pursigido ka." Saad ni Yohan na naiyak na rin. Maya maya ay Tinawag na sila, Bitbit nya ang kanyang mga gamit saka kumaway papalayo sa amin hangang sa unti unti syang mawala sa aming paningin, Wala paring tigil sa pagluha ang mga mata ko, Kasalukuyang kausap ni Yohan ang Kumpare nya na naka Assign sa PMA, sinabi nito at inaasure na wala kaming dapat ipag alala at titingnan tingnan nito si Yohanna kaya kahit papano ay napanatag ako. YOHAN Inihatid na namin ang Panganay namin sa PMA. Akala ko ay di ako maiiyak pero Hindi pala, dahil di ko napigilan ang pag luha ng ihatid namin sya. Nagkawalay na naman kaming mag ama sa ikalawang pagkakataon. Una ay noong kinidnap sila at mawalay silang mag ina ng ipinagbubuntis pa lamang sya ni Evren at Pangalawa ay ngayon. Alam kong masaya sya sa pag pasok nya sa loob pero ramdam ko na may halo din iyon na lungkot. At Hindi lang para sa aming pamilya nya, parang may Tila isa pang dahilan. Bago kami umalis kanina ay pinuntahan pa sya ni Ae at Nag paalaman sila. Hindi ko alam pero parang iba yung mga Aura nila kanina. Madalas naman si Ae napunta sa Bahay pero iba yung Eksena nila kanina. Parang may Something. Nakita ko pang nagpahid ng luha si Yohanna bago sumakay sa sasakyan. Si Ae naman ay nabakas ko ang lungkot sa mga mata habang lumapit pa sa akin at nagpaalala na mag ingat kami sa byahe. Mabait naman si Ae, Pero siguro naman ay wala silang relasyon dahil alam naman ni Ae ang panuntunan ko, at Si Yohanna alam kong mag sasabi sya sa amin ng Mommy nya kapag may nobyo na sya. Dahil yung mga lumiligaw sa kanya dati ay kinukwento nya pero di nya naman gusto kaya sigurado akong di kami pag lilihiman ng anak ko. Marahil malungkot lamang sila dahil magkapatid na ang turingan nila sa isat isa at tuitor pa ni Yohanna si Ae. Matagal tagal din silang di magkikita kaya siguro ganon na lamang ang reaction nila kanina. Wala naman akong Pakialam sa kung anong estado at Sinong gusto ng Anak ko,basta Yung mamahalin lamang sya at di sasaktan. At Ang nais ko lamang din ay Makapag Tapos muna sya at matupad muna ang pangarap nya. At kapag nagawa na nya iyon nasa kanya na ang desisyon kung anong nais nyang gawin. Hindi ako mang hihimasok sa usaping pag ibig nya basta matupad lang muna ang pangarap nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD