YOHANNA
Narito na ako sa loob, noong una ay may excitement akong naramdaman at syempre may lungkot dahil first time kong maiiwan ang mga mahal ko sa buhay, at syempre kasama na roon si Ae. Kanina nung ihatid nila ako ay di ko rin napigil ang luha. Pinahid ko lamang iyon dahil mahahalata nila Mommy na umiiyak ako. Ganon din si Ae, Bakas ang lungkot nya kanina. Gusto ko syang yakapin pero di ko magawa dahil naroon sila Mom and Dad sya naman ay tapik sa balikat at pag gulo sa buhok ko ang ginawa.
Hangang sa Umalis ang sasakyan na dinrive ni Daddy ay pigil luha ako habang tinatanaw sya sa Bintana. Habang nasa byahe kami ay nag te text din sya sa akin. Halos pigilan ko talaga ang luha ko dahil anytime ay lalaglag na talaga ito.
Hangang sa Narito na ako ngayon sa Loob. Sa isang silid ay ilan kaming magkakasama. Panay ang tingin sa akin ng mga kasama ko.
Bumati ako sa kanila dahil nakatingin lamang sila sa akin ngunit wala ni isa sa kanila ang Kumausap o Umiimik, pero mukha naman silang mababait.
Kaya ako na ang mag insist.
"Hi..kumusta kayo? Aki nga pala si Yohanna Leigh Escobar, ngayon lang ako nakarating rito." Saad ko habang inaayos ang gamit.
"Hello, Yohanna ako naman si Agatha..Agatha Moran taga Palawan.
"Nice to mee you Agatha..Ang layo mo Pala, Ako naman sa manila lang kami."
"Ahh..Sigurado ka ba na papasok ka rito, Ang ganda mo kasi, Ang puti at ang kinis mo pa .para kang Kutis pang Binibining Pilipinas, hehe."
"Hehe..Ganon ba..hehe naku nagmama lang siguro sa Mommy Ko, pero Oo sigurado na ako na papasok ako rito." Ika ko naman. Noong una ay nakilala ko na rin ang iba kong kasama. Halos lahat naman sila ay tila mababait mas nagkapanatagan lang kami ng tatlong nakilala ko na sina Agatha Moran, Lina Bashan, at
Jackielyn Mocoh.
Sila ang mga naging kaibigan ko sa Loob. Wala pa naman ganong ganap, pero kumbaga pinapa condition na kami. Expect na sa susunod na mga araw o linggo ay mag sisimula na, sa ngayon ay medyo relax lang muna. Di rin kami basta basta pwede gumamit ng phone.
More on lecture muna kami.
May pagkakataon na Tumatawag ako nina Mommy At Kay Ae kapag may Time pero saglit lamang iyon, maipaalam ko lamang sa kanila na Okay ako ay ayos na, Para di sila nag aalala sa sitwasyon ko dito.
Lumipas na mabilis nag araw ay pinag train na rin kami simula sa pinaka Basic lamang.
May mga Team building din Kaming ginagawa na grupohan. Ang tao nga naman kung meron kang nakilala na gusto ka, meron din namang wala kang ginagawa na masama pero ayaw sayo. Ilan dyan ay ang iba naming kasama na nasa kabilang grupo. Hindi ko alam bakit iba yung pakitungo nila sa akin.
"Haha..habang nagpapahinga kami dahil katatapos lang namin sa isa sa basic training na ginawa namin ng pumasok na rin sila sa kwarto at nag uusap.
"Yung iba nga dyan eh, Nakapasok lang ata dito dahil may Kapet...Haha..Mukang di naman sanay sa Hirap."
Saad ni Arwana.
"Bakit Arwana? May pinatatamaan ka ba, bakit G na G ka dyan? " tanong naman ni Lina rito.
"Oo, meron kasi akong nalaman na yung iba dito is May Kilala lang kaya nakapasok,"
"Talaga ba? Sige nga sino kung meron man? Tanong naman ni Agatha.
"Hmm..Aba Secret andyan lang sa tabi tabi, clue Anak ng Pulis." Saad pa nito na na nunudyo pa.
"Hmm..Anak ng Pulis? Si Yohanna anak ng Pulis pero nakasisiguro akong hindi sya iyon." Singit naman ni Jackielyn.
"Woah..Talaga ba? At paano mo naman nasabi Jackie?"
"Syempre anak sya ng Police pero sigurado akong Dumaan sya sa Exam, Hehe, Di mo siguro Binasa yung List ng Pumasa. Well Kasama lang naman sta sa Top 15." Saad muli ni Jackie. Kita ko naman ang inis sa mukha ni Arwana.
"Pakialam ko kung nasa Top sya? Saka Wala Naman akong sinabi na sya diba.?
"Wala nga pero bat ganan ang reaction mo"
Dahil magkakainitan na ay ako na ang umawat.
"Tama na yan, walang patutunguhan yang usapan nyo. Iisang grupo tayo dapat magkasundo tayo.
"Ok naman sa akin Yohanna, Ewan jan kay Arwa bat nagkaka ganyan." Anya ni Jackie.
Tumahimik naman na si Awra at di na nagsalita pero kita ko ang pag iral nya sa akin. Kanina ko pa napapansin sa training na masama ang tingin nila sa akin kaya di ko na lang din pinansin.
Isang beses ay naliligo ako hindi nakahanda na ang uniform kong susuutin hangang sa napansim kong may biglang kumuha nito at dali daling tumakbo rinig ko pa ang hagikhikan dahil medyo may sabon sabon pa ako ay ang buhos muna ako ng mukha kasunod noon ay ang pang ring ng alarm hudyat na pina foformation kami. Kapag ganon wala kang excuse kailangang lumabas ka. Kaya no choice Kundi lumabas ako ng naka tapis ng tuwalya. Sobrang hiya ko non at halos maiyak ako pero ayoko ipakita. Mabuti na lamang at sa grupo lang namin. Pero Nahihiya parin ako. May kasabay naman ako na di pa tapos pero atleast sila nakapag suot ng uniform kahit may sabon sabon pa. Sa akin kasi hindi dahil nga may nag trip sa uniform ko.
Pati Tuloy sila Agatha ay nakatingin sa akin at tila nagtatanong.
Napasulyan naman ako sa kinatatatuan nila Awra at kita ko ang pigil nya sa pagtawa pati ng ka grupo nya.
"Escobar! Bakit di ka man lang nakapagsuot ng damit? Ma otoridad na tanong na isa sa commander na nag tre train sa amin.
"I'm sorry Mam, May Kumuha po kasi ng Uniform ko, Di ko lang po nahabol dahil may sabon ang mukha ko kanina." Wika ko na nananatiling mahigpit ang hawak sa tuwalya na natapis sa katawan ko.
"I'll give you 5 mins para hanapin ang damit mo at para makapag bihis, You're time start Now!"
Saad ni Captain Carrasco at Captain Medrano.
Agad kong hinanap ang damit ko kung saan posible 3 minuto na lamang ang natitira pero di ko pa nakikita. At finaly nakita ko rin pero nasa basurahan ito. Mabuti na lamang at wala pang ganong lamang basura ang Trash Bin. Kaya kinuha ko ito at dali dali kong isinuot. Pigil parin ang iyak ko habang sinusuot ito. Malamang may galit sa akin ang gumawa nito.pagkasuot na pagkasuot ko ay agad akong bumalik sa pwesto. Mabuti na lamang at may alcohol sa may CR kaya mag spray na lamang ako.
Pagkatapos noon ay sabak na naman kami sa Training. Kailangang Mabilis ang Kilos, Bawal ang pabebe. Nakahanda naman ako sa ganito kaya medyo excited din ako sa mga ginagawa. Naroon na gumapang kami sa putikan, Umakyat sa mataas na baras at mag lambitin. Talunan ang patas ng mga gulong,
Mag push up at marami pang iba.
Halos hingalin kaming lahat sa ginawa namin, sabayan pa sa init ng araw. Kaya nang sumiling kami ay Wala among nagawa kundi mag hilamos ng Tubis sa mukha ko.
Walang ano ano ay nagulat pa ako ng isang lalaki na kasama namin sa training ang nag abot sa akin ng panyo.
"Miss...Malinis ito, pwede mong gamitin." Saad nya sa akin. Inabot ko na lamang ito at ginamit."
"Salamat ha,."
"Drei De Gracia nga pala." Saad nya saka inabot ang kamay sa akin.
"Yohanna..Yohanna Escobar" tugon ko naman saka inabot sandali ang kamay nya.
"Salamat dito ah, Lalabhan ko nalang ibabalik ko na lamang sayo bukas Drei."
"Hindi na Yohanna, Kahit sa iyo na." Saad nya na nakangiti. Tumango na lamang ako."
Pagbalik ko sa pwesto namin ay ngiting ngiti naman ang mga kasama ko.
"Woi Yohanna, Sino yon ha, ayieee."
"Ang alin naman Agatha"
"Yung lalaki na kausap mo" tila kilig na wika nito.
"Ah si Drei, pinagamit lang yong panyo nya."
"Weh, baka type ka? Hehe"
"Sira, nagpahiram lang type agad."
"Eh malay mo, nung nakaraan ko pa kaya yon nakikitant nakatingin sayo ayiee"
"Ay naku Agatha, lawak ng imagination mo no., Saka mas Pogi Parin si Ae ko." Saad ko rito saka napangiti.
Naalala ko Si Ae, may aatenan nga pala silang bidding ngayon, sana ma award sa kanila ang project na iyon. Susubukan ko na lamang sya tawagan mamaya.
Samantala
AEOLUS
Ilang linggo na simula ng pumasok si Yohanna sa Campo. Bihira lamang kami magkausap pero sinusulit nya iyon kapag pwede. Ang dami nyang kwento sa akin. Hanga ako sa Mahal ko dahil kaya nga yung training. Na kwento nya rin sa akin
Ang nangyari sa kanya sa loob na may nag trip sa kanya, ngunit sinabihan nya akong wag na i kwento sa parents nya dahil mag aalala ang mga ito. Kahit ako ay nag alala rin. Di talaga mawalan nf bully kahit saan. Walang gabi na hindi ko sya pinagdarasal Bago matulog at pagka gising ay lagi syang kasama sa panalangin ko na ingatan sya ng maykapal palagi.
Hihintayin ko sya, Habang nasa loob sya ay mag tra trabaho rin ako. Gusto konsyang pakasalan balang araw, Sya ang babaeng gusto kong iharap sa Altar, Sa Tao at higit sa lahat sa Dyos.
Hihintayin ko ang pagbabalik nya, sa ngayon ay tiis muna kami na magkalayo. Sasabihan nya raw ako kapag pwede na dumalaw para sumabay raw ako kina Tito Yohan. Tama mag pri prisinta akong driver nila para makasama ako, para makita ko ang aking pinakamamahal na si Yohanna.