YOHANNA
Nagtuloy tuloy ang buhay ko sa loob Okay naman, Mahirap pero kinakaya.
Nakakatuwa lang kasi Akalain mong 2 months na pala akong nag i Stay dito sa Campo. Mis ko na ang Pamilya ko, Mis ko na rin si Ae. Kung dati ay maputi ako ng pumasok sa Campo ngayon ay halos nag iba na ang kulay ko.
Kakatapos lang namin sa isinagawa naming Training. Muntikan na akong ma injured kanina ngunit buti nasalo ni Drei ang dapat kahoy na tatama sa akin, pero sa kasamaang palad ay tinamaan parin ang paa ko kaya medyo injured ako.
Mabilis naman syang kumilos at Nilapatan agad ng lunas ang nangyari sa paa ko. Mild lang naman ito ngunit masakit parin itapak.
"Okay na ba ang paa mo Yohanna?" Tanong sa akin ni Drei nang magkita kami sa may Bench kanina.
"Medyo okay na, medyo masakit pa nga lang itapak pero mas ok kesa nung nakaraan." Wika ko sa kanya.
Maya maya ay inabutan nya ako, hindi ko alam kung ano iyon ngunit inabot nya asa kamay ko."
"Chocolate? San galing to Drei,?"
"Ah, Kina Mama, Dinalaw kasi nila ako, Halika ipakikilala kita sa kanila. Napakilala ko na yung iba nating kasama, ikaw na lamang ang hindi."
"Ganon ba, naku nakakahiya naman."
"Hindi yan ok lang naman, Aakayin na lamang kita nasa visitors area sila." Dagdag pa nito.
Nang makarating kami ay Ipinakilala nya sa akin ang parents nya Kasama rin ang iba nyang mga kapatid. Nalaman ko na Pang 4 si Drei sa kanilang magkakapatid. Pawang mga professional na ang mga kuya at Ate nya. Sya ang sunod sa Bunso, ang bunso naman nila ay nasa edad 15 years old na. Si Drei naman ay matanda sa akin ng Dalawang taon.
"Naku Ikaw pala si Yohanna, Madalas kang i kwento sa amin Ni Drei, mwrin daw syang Maganda at Mabait na kaibigan sa Kampo." Wika ng Ina ni Drei.
"Ay, naku mam, sorry po ang daldal po pala ni Drei, hehe."
"Ok lang Hija, totoo naman na maganda ka at mabait." Wika pa nito.
"Hija, Drei told us na Police ang Daddy mo? Are you related to Major Yohan Escobar? Tanong naman ng daddy ni Drei sa akin.
"Yes Mr. De Gracia, He is my Dad po." Magalang kong wika rito.
"Talaga, Ngayon ko lamang nalaman na May Magandang Anak na dalaga na pala si Escobar. Nakasama ko na sya noon sa ilang mga Destino pero matagal na Dati rin akong Pulis pero retired na ako, Ikumusta mo na lang ako sa kanya kung sakali." Saad pa nito.
"Ah, Hayaan nyo po Mr.De Gracia, makakarating po kay Dad." Saad ko naman na nakangiti sa Ginoo. Sa Tingin koy nasa 60 plus na ito, may edad na rin ito pero kita mo na may itsura ito ng Kabataan nya. Hawig siguro ito ni drei.
Matapos kong makisali sa Salo salo nilang mag anak ay umalis muna ako. Binigyan ko ng Moment si Drei kasama ang Family nya. Kakahiya naman kung makikiupo ako roon hangang sa hapon kaya pagkakain ay nakipag kwentuhan lamang ako saglit ngunit nagpaalam na rin pagkatapos.
Bumalik ako sa bench Dahil di ako makatulog sa kwarto nagpahangin lamang muna ako. Nagulat ako ng bahagyang may gumulat sa akin, walang iba kundi Si Drei.
"Ang gugulatin mo naman Yohanna hehe."
"Gagi, Akala ko kasi kung sino hehe."
"Oh, Bigay ni Mommy, Para sayo raw yan ha, hehe." Saad nya sabay abot sa akin ng mga ibat ibang chocolate.
"Ang dami naman nito Drei, sure kqba na ibibigay mo to sa akin? Kasi kung Oo bibigyan ko rin sila Agatha, Lina at Jackie.
"Ikaw bahala Yohanna, hehe bigyan mo sila ok lang naman."
"Hmm..Okay Thank you dito Drei ha, Bibigyan ko sila mamaya." Dagdag ko pa.
"Yohanna, Ikaw kelan ka Dadalwin ng Family mo? Tanong nya sa akin.
"Hmm, By next week sila Dadalaw Drei, Excited na nga ako eh, alam mo yun 2 months ko na silang di nakakasama. Mis ko na silang lahat, Buti nga rin Kasama si Kuya Ae.
"Kuya Ae?, Kuya Mo?"
"Nope," saad ko pero di ko na rin sinagot mabuti na lamang at Di narin sya nagtanong pa.
Matapos ko magpahangin sa may Bench ay Pumasok na rin ako sa Kwarto g naka tala sa amin. Wala pa sila Agatha kaya nahiga na lamang muna ako para magpahinga sana ngunit hindi pa ako nakakaidlip ng matagal ay nagising na ako dahil sa halakhakan.
Walang iba kundi Sila Arwa at ang grupo nya, Ibang Kwarto si Arwa ngunit dahil kaibigan nya Si Vera na ka room mate namin ay madalas din sya tumambay.
Para silang walang Pakialam. Hindi lamang ako ang nagpapahinga pati ang isa naming kasama pero parang wala silang pakiramdam.
"Ahm..excuse me, Arwa, pwede bang pakihinaan lang yung pag uusap nyo. Gusto ko din kasi sana magpahinga." Maayos na wika ko.
"Bakit? Kwarto mo ba to? Di naman sayo to ah, Feeling ka naman!" Saad nya saka umirap sa akin
Sa sinabi nya ay tila nagpanting ang tenga ko.
"Bakit Arwa? Inangkin ko ba? Di naman ah?
"Eh bakit makautos ka na tumahimik ako akala mo pag Aari mo to!"
"Hindi Kita Inuutusan Pinakikiusapan kita, Yan ang hirap sayo Arwa, maliit na bagay pinalalaki mo!"
"Aba! At ako pa talaga ha ako pa?' Akma nya akong Sasampalin ng pigilan at pilipitin ko patalikod ang kamay nya.
"Sige Arwa, Ano..ano? Sasaktan mo ako? Dyan ka magaling eh, Matapang lang kayo pag marami kayo! Alam mo Arwa Wala Naman ako balak dapat na patulan ka! Kaso Sumusobra kana, At Hindi lang pala ako ang binubully mo kundi marami pa!"
"Eh ano naman sayo ha!"
"Wala lang sakin parang tulad nitong pagpilipit ko sa kamay mo!" Saad ko rito.
"Arayy! Yohanna bitawan mo ako!"
"Diba gusto mo yan, gusto mo yung may nakikita kang nasasaktan diba at kinakawawa dahil yon ang nagpapasaya sayo. Kaya ayan gawin natin sayo.
"Aray, Humanda ka sakin Yohanna kapag nakawala ako"
"Sige subukan mo Arwa! Kung ayaw mong malaman ng iba ang mga ginagawa mo!"
Sa sinabi ko ay tila nagulat ito, binitawan ko ang kanyan kamay saka iwinaksi ito.
Masama ang tingin na ipinukol nya sa akin.
"Hindi pa tayo tapos Yohanna! Tandaan mo yan!"
"Matalas pa ang memorya ko Arwana kaya wag mo ako paalalahanan." Saad ko naman rito.
Lalong nag usok sa galit ang ilong ni Arwa dahil sa pagsagot ko pa sa kanya.
Sakto naman na paglabas nila ay sya namang pagdating nila Agatha, Lina ata Jackie.
"Oh anyare don at Usok ang ilong?"
"Hayy..nagkasagutan kami, Wala namang problema kung pumunta sila dito. Ang sakin lang sana naman hinaan nila ang pag uusap, nagpapahinga kasi kami kaso mukang minasama nya yung pakiusap ko na baka pwedeng hinaan ang boses dahil nagpapahinga kami ayon, kung ano ano na agad ang sinabi nya. Medyo hindi kasi maganda kaya pinatulan ko na." Saad ko rito.
"Wow, Palabarn ang Baby namin ah, Teka maiba tayo, Bat ang daming chocolate dito?" Saad ni Agatha dahil nakita ang Plastic ng chokolate na nakalapag sa aking kama.
"Ah, Galing kay Drei, Dinalaw kasi sya ng Pamilya nya then may mga dalang Chocolate kaya binigyan ako, sabi ko Bibigyan ko kayo." Sabi ko.
"Ah, ganon ba, wow sweet naman ni Drei,"
"Nagbigay lang ng chocolate Sweet agad hehe."
"Hehe Why not, Di naman lahat ng lalaki nagbibigay ng chokolate."
"Hmm ganon ba yown? Saad ko saka kinagat ang labi.
"Siguro madalas ka mabigyan ng chocolate ano hehe"
Bigla ko naalala si Ae, Kada Monthsary namin ay di sya nawawalan ng chocolate na ibinibigay sa akin.
"Oh bat ka nangingiti dyan?.. Ayieee,may boyfriend ka naba Yohanna?" Tanong ni Lina sa akin
"Hmm..Secret dyan na nga kayo iidlip muna ako hehe."
"Woii..ano may BF ka naba? Bata yaw mo sabihin sa amin para ka namang others dyan, hehe." Saad naman ni Jackie.
"Hay naku, kumain nalang kayo ng chocolate hwag na kayo mang chika hehe." Saad ko sa kanila saka ako nag talukbong ng kumot.
Mabuti na lamang at Di ma sila nangulit.
Akala ko noong una ay mapaglilihan ko na ang mga kaibigan ko sa loob, Ngunit may pagkakataong nakita nila na kausap ko si Ae sa Video call, Ganon din Sa Wallpaper ko sa CP ko, kaya panay kulit sila sa akin."
"Woii..Ang pogi Yohanna, Yan ba ang Jowa mo, Mukang masarap yarn." Saad ni Lina na medyo kinilig pa.
"Ay Oo nga, Pogi Si Drei pero mas Lamang ng ilang HIMAS tong Jowa ni Yohanna, Ayiee."
Dahil sa pangungulit nila ay no choice na ako kundi sabihin sa kanila. Sinabi ko naman sa kanilang kami lamang ang nakalaalam. Naniniwala naman akong mabuti silang kaibigan at mapagkakatiwalaan.
Mabilis na lumipas ang mga araw, Araw na nang pagbisita nila Mommy, Daddy at ng aking mga Kapatid. At isa pa sa dahilan ng kasabikan ko ay Kasama nila Si Ae, Kasama nila ang Boyfriend ko. Nag presinta daw si Ae naipag drive sila at para din daw makita at makumusta ako. Kahit ako ay excited na rin na makita sila.
Iba na ang Itsura ng Yohanna Na makakaharap nila mamaya.
Alas 10 ng umaga ng ipatawag ako sa Visitors Area naroon na raw ang aking mga magulang. Dali dali akong nagtungo roon. Halos mangilid naman ang luha ko habang nag lakad patungo sa kinaroroonan nila. Pag Sapit ko sa pinto ay nakita ko Agad si Mom and Dad kasama ang mga kapatid ko. Di ko na napigilang maiyak habang nakangiti. I miss my Mom, My Dad, and my Siblings. At isa pa may isa pa akong na mimiss syempre walang iba kundi Si Ae, Hinanap ko sya at nakita ko syang papasok palang sa may pinto bitbit ang Food Storage at Ang isang may katamtamang laki ng bag. Napangiti naman ako ng makita ko sya. Mabilis kaming nagyakap at Ginulo nya pa kuno ang buhok ko. Syempre para di halata.
Halos maiyak dim Si Mommy lalo na nb makita ang buhok ko na napakaikli at parang gupit lalaki.
"Anak,kahit ganyan ang buhok mo napaka ganda mo parin anak ko, pero nakakahinayang ang buhok mo anak ang haba pa naman." Saad ni Mommy.
"Ok lang po Mommy saka ko nalang po ulit pahahabain." Saad ko naman.
"Kumusta ka rito anak?"
"Ok naman po Dad, kaya naman po ang training Dad,
"So proud of You Anak."
"Kayo mga kapatid ko Kumusta kayo?"
"Ok lang din naman po ate, Mis kana po namin" saad naman ni Grae at ng Kambal. Binuhat ko naman si Addie.
"Wow, galing naman ang behave nyo hehe" saad ko naman habang buhat si Addie. Napatingin akong muli kay Kuya Ae.
"Ikaw kuya Ae, kumusta ka po.? Tanong ko rito.
"I'm okay Yohanna, Ikaw dapat ang kumustahin. Mis kana namin." Saad nito nakatitig naman ako sa kanya habang di nakatingin si Mom and Dad.
Bahagya pa syang kumagat labi habang nakatingin sa akin. Gusto kong Yakapin si Kuya Ae ng mahigpit at matagal ngunit di pwede. Mga nakaw na sulyap at tingin lamang ang ginagawa namin ni Ae ng mga Oras na iyon. Hangang sa napag pasyahan namin na kumain na. Magkatabi kaming dalwa. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Habang nakain ay hinawakan nya ang aking kamay sa ilalim ng mesa, ngunit Hawak kamay lamang talaga. Sa Wakas naramdaman ko na naman ang presensya nya. Na mis ko sya kaya susulitin ko ang oras na magkahawak ang mga kamay naming dalawa. Yan lang naman kasi ang Pwede naming gawin sa ngayon dahil gusto ko man syang yakapin ngunit di namin pwede gawin.