AELOUS
Excited ako na makita si Yohanna. Kaya ng sabihin nila Tita Evren na kung pwde akong sumama ay labis ang tuwa ko. Ako na ang nag presinta na mag drive para sa kanila. May dala din akong pasalubong para sa kanya nagpagawa ako ng brownies kay ate upang ipasalubong sa kanya.
Dinala ko rin ang dapat ay regalo ko sa kanya nitong nakalipas na mga Monthsary namin. At inilagay iyon sa paper bag ang alam nila Tito Yohan ay mga padala lamang iyon ni Ate Eris.
Napakabilis ng t***k ng aking puso ng makarating kami sa PMA. Kita ko rin ang saya sa mukha nang mag asawa dahil makalipas ang mahigit dalawang buwan ay magkikita sila ng kanilang panganay.
Palihim akong nakangiti. Masaya ako para sa kanila. At masaya rin ako para sa amin. Nang makapasok kami ay dumiretso na kami sa visitors area.
At Sa muling pagkakataon ay nasilayan kong muli ang aking mahal na Nobya. Nag iba ang kanyang itsura. Gupit lalaki sya ngunit iyon at bumagay sa kanya. Maganda parin sya kahit na Ganon ang gupit nya. Imbes naman na mangitim ay tila namumula lamang ang kanyang balat kapag naaarawan. Nagkatinginan kaming dalwa. Hindi ako nakatiis ay Niyakap ko sya ng mabilis saka ginulo ang kanyang buhok. Ganon Din ay yumakap ang kanyang mga magulang sa kanya. Ayoko muna umentra dahil moment nila iyon bilang pamilya. Masaya na akong nakita syang muli. Buhat nya ang kanyang bunsong kapatid na si Addie na mukang na miss sya ng husto dahil naka emlay ito sa kanyang balikat. Ang mga kapatid nya naman ay masaya rin ng makita sya at nilapitan nya rin ang mga ito at niyakap isa isa. Eto ang gusto ko kay B, Kung paano sya napalaki ng mga magulang nya at kung paano nila mahalin ang bawat isa. Balang araw pag nagka pamilya ako gusto ko ay Katulad na. Katulad din ng Pamilya nila Ate Eris Buo at Masaya. Iyon kasi ang Hindi ko naranasan dahil sanggol pa lamang ako ng maulila sa mundong ito. Tanging si Ate Eris ang bumuhay sa akin. Kasama narin si Kuya Xav at ang Pamilya nito, pero tulad nga ng sabi ko, hinahanap ko parin yung pag mamahal ng mga tunay kong magulang. Sabi ni Ate Mabait daw Si Mom and Dad at Supportive. Si Mommy napaka maalaga daw, at Si Daddy naman ay Family Man. Nakapang hihinayang dahil di ko sila naaubutan. Maaga silang Ninakaw ng Panahon sa akin. Habang nakamasid sa kanila ay medyo naluluha ako kaya tumayo muna ako at nagpunta sa may labas na may Puno, sumenyas lang muna ako kay Grae na doon lang muna ako. Habang nasa labas ay nakatananw ako sa paligid. Kita ko ang ilang mga Kadete na dumadaan at naglalakad. Sa kabilang Side ay mga Kadete na mag tre Training sa Gitna. Marahil ganan din siguro ang ginawa nila Yohanna. A
Napasinghap ako, Halos mag tatalong taon palang syang nawalay sa amin pero pakiramdam ko ay napaka tagal na. Nasa ganong moment ako ng Biglang may magsalita mula sa likod ko. Walang iba kundi ang aking Mahal.
YOHANNA
Habang nag kakamustahan at Nagyayakapan kami nila Mommy ay di ko namalayan na lumabas pala Si Ae sinabi lamang ni Grae sa amin. Napatingin kami sa labas malapit sa puno kung saan sya naroroon. Tila napakalungkot nya.
"Lumabas muna Si Kuya Ae ate, Naluluha ata sa pagtatagpo nyo nila Mom and Dad." Saad ni Grae habang si Mommy Daddy at Ako ay nakatingin kung saan sya naroroon.
"Naaalala nya na naman siguro ang mga magulang nya anak." Saad ni Mommy.
"Opo nga Mommy, Ganyang ganyan sya noon." Saad ko naman.
"You Should comfort Your Kuya Ae anak, I've been there before. May Mga magulang ako but Still my Moment na napakalungkot ko Dahil kahit Buhay pa sila andon yung Katotohanan na di na kami pwedeng Mabuo. Dahil may kanya kanya na silang Pamilya at ako ang naiwan sa gitna. Pero masaya naman na ako para sa kanila, Deserve din ni Dad sumaya, hindi nga lang sa piling ni Mama, but I'm thankful dahil sa mabuting babae sya napunta and Inl9ve my Siblings too kahit magkaiba kami ng ina. And I am very happy nang Dumating ang Mommy mo sa Buhay ko, Hangang sa Dumating ka at ang mga kapatid mo sa buhay namin. Doon ako nabuo ulit, Yung pangarap ko na magkaron ng masayang pamilya ay natupad, Higit pa sa Sobra. Sana mahanap din ni Ae ang kasiyahan na muling bubuo sa pagkatao nya balang araw." Wika ni Dad saka ako Tinapik at Nginuso na puntahan si Ae.
"Love, Bakit Andito ka? ayaw mo ba akong makita? Biro ko dito saka ngumiti sa kanya. Lumapit sya sa akin at bahagyang ngumiti."
"Hehe..Syempre gustong gusto B, Kanina pa kita gustong yakapin ng mahigpit at matagal pero ayoko gawin. Moment nyo iyon kaya lumabas na lamang muna ako." Saad nya.
"Ae..Mahal na Mahal kita." Saad ko sa kanya
"Mas Mahal Kita B, dinadalangin ko na sana bumilis ang oras, ang araw, buwan at taon para makatapos kana. At pag nangyari yon. Pwede na kita ipaalam kay Tito Yohan.
"Ako din Love, Kada nahihirapan ako sa training palagi ko iniisip na kaya ko, na kailangan para makatapos ako, Para matupad na ang pangarap ko at Para magkasama na tayo." Saad ko rito na parang naluluha na rin.
"Hayy..Basta Hihintayin kita B"
"Salamat Love, Asahan mong sayo ako Paglabas ko." Saad ko rito. Naputol lamamg ang usapan namin ng Tinawag kami ni Mama.
Pagdating Doon ay nag asikaso na kami ng Pananghalian. Magkatabi kami at magkahawak kamay sa ilalim ng mesa habang kumakain.
Matapos kumain ay ikinuwento ko sa kanila ang Training ko. Ipinakilala ko rin sa kanila ang mga Kaibigan ko sa Kampo.
Habang nagkakasiyahan ay sya namang Pagdating Ni Drei.
"Uyy Drei, Andyan ka pala...Ahm Drei Family ko nga pala saka si Kuya Ae." Saad ko.Nakipag kamay naman sya kay Dad, Kay Mommy at Kay Kuya Ae ngunit imbes na Shakehands ay Fist Bump ang Binigay ni Kuya ae kaya ginawa na ring fist bump ni Drei.
Napatingin ako kay Kuya Ae, Kita ko na tila umigting ang panga nito.
"Ahm..Mr.Escobar I'm Drei De Gracia, Son of Retired Alvino De Gracia, Nakasama daw po kayo ni Dad noon." Saad ni Drei rito.
"Ah..Alvino De Gracia, Yeah naalala ko na nakasama ko sya sandali nang ma destino ako sa Quezon, Pakikumusta nalang ako sa kanya."
"Opo nga, sayang po galing sila dito last week." Anya ni Drei.
"Hindi bale, Baka sa susunod na dalaw eh magkasabay kami." Saad naman ni Daddy.
"Copy po, Sya po? Ampon nyo po ba?" Tanonh ni Drei saka ingunuso si Ae na nasa tabi ko.
Tila lalo naman nag umigting ang panga ni Ae sa sinabi ni Drei.
"Nope...Future..Future Son In Law? Ano Happy?"
Walang gatol na saad ni Ae na kahit ako ay Nagulat, Tila nabalot naman ng katahimikan ang lahat sa sinabi nya pati Si Mom and Dad ay Napatingin sa kanya.
"Kidding Aside" pahabol nyang sabi at doon lamang napabuga ng hininga si Daddy.
"Family Friend sya Hijo, pero parang tunay na anak na namin iyan." Nakangiting wika naman ni Mommy, Salamat na lamang at Nariyan si Mommy at medyo nawala ang tensyon.
"Ah..I see..kaya po pala parang Kuya sya ni Yohanna" saad pa nito.
"Kuya Kuya your face! mas muka ka pa ngang kuya kesa sa akin." bulong naman ni Ae sa gawi ko. Nagpipigil lang ako ng tawa dahil parang bata si Ae.
"Ahh..Sige Hijo nice to meet you.'
"Sige po Tito Tita, Mauuna na po ako., Bye Kuya Ae, Nice to meet you too. Saad pa nito na tila mas lalo pang inasar Si Ae.
Lalo naman nanignkit ang mata nito.
"Don't Call me Kuya, muka namang magkasing Edad tayo."saad pa ni Ae rito.
"Kahit pa, Mas Matanda ka parin sa amin ni YOHANNA," dagdag pa nito saka nakangiting umalis.
Napailing na lamang ako.
Dahil mahaba pa ang maghapon ay sinulit namin ito. Tinour ko sila Mom and Dad sa loob ng Camp. Nag picturan pa kami. Magkahawak kamay na naglalakad Si Mom and Dad, para parin silang mga Bago bagong nagliligawan. Sa likod naman nila ay Ang mga kapatid ko. Enjoy na Enjoy si Grae dala kasi nito ang kanyang Camera. Hobby kasi nito ang kumuha ng kumuha ng letrato. Gusto nya daw na kurso kapag kolehiyo na sya ay related sa Photography. Kaya enjoy naenjoy sa pamamasyal namin Kinukuhanan nya ng Pic Si Daddy Yohan at Mommy Evren, Ganon din ang kambal na si Evan at Eren. Kami naman ni Kuya Ae ay masa likod nila Akay namin si Addieson na nasa mood maglakad.
"Ate ,Kuya Smile." Saad ni Grae saka sumod sunod ang Click ng camera.
Talagang sinulit namin ang Gala..Nagkahiwa hiwalay kami. Biglang nawala si Mom and Dad. Saan na naman kaya Pumuslit ang mag Asawang yon? Bigla na lamang nawala.
Hayy..Matatanda na sila sa Visitors area na lamang namin sila Hihintayin. Samantala kami naman Ni Ae at Baby Addie at Sila Graeson at Kambal ay Di naghiwalay. Nagpunta kami sa isamg shop sa loob ng Campo kung saan may bilihan ng souvenirs. Binilhan ko ang mga kapatid. Babayaran ko na sana ng Iabot ni Ae ang Apat na Libong Cash para sa bayad sa aming binili na mga souvenir.
"Ae, Ako na"
"Nope Ako na, Oks na yon B."
'Hala, Ako na Love, may pera naman ako."
"Nope, ako na Please, Magtatampo ako sige ka" saad nya pa
Kaya di na ako nakipagtalo.
"Okay, Sige na po, wala naman akong magagawa hehe." Saad ko. Pinisil nya naman ako sa pisngi.
"B, Yung kolokoy na Drei na iyon ah, maka Kuya sa akin Feeling close." Saad nya kaya natawa ako.
"Ah..haha hayaan mo na Kuya may pagka makulit lang talaga yon, pero Ok din yun kuya mabait din naman."
"Hmm..Basta naasar ako sa kanya, Nagpapalakas pa kay Tito Yohan, Balak pa ata akong agawan sa pagka Future Son in law." Dagdag nya pa na parang bata kaya natawa ako.
"Haha..Ayy grabe, Love kahit may umaligid pa sa tabi tabi alam mo naman na ikaw lang po, kaya wag kana mainis."
"Hmm..Talaga ah..promise Yan B, Sige na hindi na ako maiinis, may tiwala naman ako sa sinasabi mo." Anya pa ni Ae.
Habang nag lalakad kami pabalik sa Area ay magkausap kaming Dalawa.
"B, Mag iingat ka dito Ha, Medyo matagal ka ulit namin madadalaw B."
"Oo nga Eh, Ma miss ko na naman kayong Lahat." Wika ko na lumalam ang tinig.
"Kailangan natin mag tiis B, para sa Pangarap mo."
"Salamat Love." Mag iingat ka rin ha." Wika ko rito.
"Natahimik din naman si Ae ngunit nagsalita rin ito.
"B, Tinaggap ko yung work sa Georgia part ako ng Project doon,"
"Wow..Talaga Love.. Congrats Gano ka katagal roon love?"
"Mga 8 months ganon, LDR na mas pina LDR pa tayo B."
"Hmm..Hayaan mo Love, Darating ang panahon kapag Napagtagumpayan natin ito, Hindi na natin kaylangan magkahiwalay Basta Love, Hintayin mo ako ah, Salamat sayo."
"B, kung may dapat magpasalamat ako yon, Dahil Pinagkatiwala mo nag puso mo sa akin, Salamat din dahil kahit na magkalayo tayong dalawa, Lagi mong pinararamdam na nariyan ka, I love you B."
"I love you too Love." Tugon ko naman rito.
Nang makarating kami sa Area ay ilang minuto pa kami naghintay kina Mom and Dad, sa wakas dumating na sila. Yung ngiti ni Dad abot hangang tenga, san kaya galing tong mag asawang to? Si mommy naman nakangiti din at hinihingal hingal pa.
"Mom and Dad, Andyan na po pala kayo, Saan po kayo galing?
"Ah naku anak napadpad kami doon saay Dulo may Zipline pala doon kaya nag try kami ng daddy mo ayon hingal na hingal kami katatawa ang taas grabe hehe." Saad ni Mommy habang i inababa rin ang dala nilang souvenir.
"Ah kaya po pala nawala kayo bigla hehe." Anya ko naman.
Hangang sa sumapit na ang hapon at kailangan na nila mag ayos pabalik.
Nakadarama ako ng lungkot, dahil buwan na naman bago nila ako madalaw.
"Anak, Mag iingat ka rito palagi ha, Ma mi miss ka namin.
"Kayo Din po, Palagi po kayong mag iingat, Sobrang ma mimis ko rin po kayo." Wika ko saka sila niyakap isa isa.
Hangang sa di ko na rin napigilan na yakapin si Ae.
"Kuya Ae, Mag iingat ka sa Next project mo ah, matagal tagal din yon."
Wika ko rito na pinilit kong ngumiti dahil ayokong maramdan nila mom na super lungkot ako.
"Oo naman Yohanna, Palaging mag iingat Si Kuya, Wala akong di kinakaya ano, hehe Kaya ikaw din, Basta ingatan mo ang sarili mo dito, palagi mo ring tatandaan na proud kami sayo, kahit anong mangyari." Dagdag pa ni Kuya Ae na mas lalo pang nagpaluha sa akin.
Niyakap naman ako muli ni Mommy at Daddy at yumakap din ako sa kanila pati ang mga Kapatid ko hangang sa Group Hug ang nangyari. Hangang sa Tumunog na ang alarm at kailangan na namin ulit pumasok sa loob.
May luha ang matang kumaway ako sa kanila habang papasok pabalik sa loob.
Muli akong Tumingin kay Ae na kumaway din sa akin at doon ay kita ko ang mata nya na nangingilid din ang luha. Tumalikod na ako dahil masyado nang masakit lalo.
"Mahal na Mahal ko kayong Lahat, Mahal na Mahal rin kita Ae," saad ko hangang sa makapasok na sa loob.