CHAPTER 65

2385 Words

Ang sikat ng araw sa Tagaytay ay tila nakikisama sa espesyal na araw na ito. Sa malawak na garden ng rest house, ang bawat sulok ay pinalamutian ng mga puting rosas at baby’s breath. Ang amoy ng sariwang damo at ang malamig na simoy ng hangin mula sa bulkan ay nagbibigay ng isang magaan na pakiramdam. Sa dulo ng mahabang aisle, nakatayo si Marcelito. Nakasuot siya ng isang bespoke cream-colored suit na lalong nagpadama ng kanyang pagiging Don. Pero sa likod ng kanyang matikas na tayo, kitang-kita sa kanyang mga mata ang kaba. Paulit-ulit niyang inaayos ang kanyang kurbata, isang bagay na hindi niya ginagawa sa mga business meeting. Sa tabi niya ay nakatayo si Callisto bilang best man. "Dad, relax. Hindi siya tatakas. Hinihintay lang na matapos ang pag-aayos ng belo," bulong ni Callisto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD