Chapter 20

2224 Words
"So, whats your plan?" tanong sakin ni lance. "Well i decided to finish my studies at Australia. Might as well stay there for a few months after taking board exam." Kasama ko si lance ngayon sa mall dahil wala si charles. May lakad din sila camilla at selena. "I'm gonna tell you something but dont get mad at me ok?" lance said as he took the paper bag from the counter. I smiled at the cashier before nodding at lance. "Yeah sure." "Maria wants to talk to you. I can text her if you want to talk to her. She's also here buying some stuffs." "Hmm ok, i can talk to her pero," "pero ano?" tanong niya sakin. "Ikaw ang pupunta sa landmark at bibili ng luggage ko while i talk to her at starbs. Ano g? " i asked. "phs. O sige. Wait moko dun ha?" tumango ako sakanya bago nag lakad papuntang starbucks. I went to sunny studios first before walking to starbucks. Bahala siya mag hintay doon. Kapal niya naman kung ako pa mag hihintay sakanya. "Good afternoon maam" the barista greated me as i walked inside. I ordered a caramel macchiato before walking towards maria. "Hi" she greated. "What do you want to talk about?"ni snapped. "Well I'm glad that you came." she smiled at me. "And im glad that you have the nerves to face me kahit isang taon kang naki sawsaw." ngumisi ako sakanya bago umupo sa tapat niya. "Well i enjoyed it naman." she smiled wickedly at me. "Nag enjoy ka ba talaga? " i smirked at her. "I feel sorry for you, you're waiting for him like a loyal dog while he was moaning out my name and telling me how good i was. "she bit her bottom lip like a hoe. "Aw honey. You did your best to make him moan? HAHA! " i faked a laugh before leaning closer to her. "Well pasensya na, nag p practice pa lang ako non kasi first time ko pero he asked for more and bangged me inside his car while moaning how great i was. " i leaned back and saw how irritated she was. I smiled at her sweetly. Enjoying how annoyed she was. "Mag s sorry sana ako sayo kaso i don't think you need it." sagot niya. "Well totoo naman. I don't need your fake apology and fake pity. Kasi kung totoong may konsensya ka hindi ka papayag maging kabet." "Lets just face the fact that after 3 years ako padin yung mahal niya." naka ngisi niyang sabi. "Mahal? Psshh for all i know inakit mo lang siya ulit. Ok lang naman yun, siya lang kasi nag mamahal sayo. Masyado na madaming nag mamahal sakin kaya hindi naman kawalan si luke. You can have him." What a liar. My coffee arrived as well as lance. "Oh ano nangyari? " tanong ni lance. "Well sabi ko sakanya practice pa siya kasi mas magaling pa yung first timer kesa sa matagal nang challenger." ngumiti ako sakanya bago inaya si lance na umuwi. Tumango lang si lance bago nag paalam kay maria. Ipapag malaki niya sakin yun? E hindi naman malaki yun. Char malaki naman talaga. HAHAH. "Ewan ko sayo, ihahatid na kita sainyo. Balitaan mo nalang ako ha? " tumango ako sakanya at ngumiti. Hinatid ako ni lance sa bahay at tinulungan niya ako ipasok ang mga pinamili ko sa bahay. Nag paalam din siya agad dahil makikipag kita pa ito kay bev. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong sa akin ni kuya. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko. Naka upo siya sa kama habang nag nag tutupi ng iba kong damit. "Babalik naman ako kuya. Alam ko namang ma mimiss moko" "Sasabihin ko kay cloud na iligaw ka sa sydney." natatawang sabi niya.  "Ulol di niya gagawin yun."  Tumawa lang si kuya bago tumayo at pumasok sa walkin closet ko. Maya maya lamang ay lumabas siya dala ang isang blueprint carrier. "Eto ba yung building na plano mo ipatayo sa sa manila?" tanong sakin ni kuya. "Siguro. Check mo nga baka yan yun." Nag lakad si kuya papunta sa desk ko habang ako naman ay patuloy na nag impake ng damit ko. "Hindi eto yun sha, pero ang ganda nito ha. Eto ba dream house mo?"  Tumingin ako sakanya ng naka kunit ang noo bago tumayo papunta sakanya. Tinignan kong mabuti ang blueprint bago na alala kung kanino galing ang plate na yun. Eto yung bigay sakin ng papa ni luke. Yung sabi niyang unang project ko. Yung bahay na gusto niya sanang ipatayo tapos ako yung head engineer. "Iwan mo na to sakin ha? Ako na gagawa nito." bulong ni kuya. "Magtigil ka nga kuya. Kunin mo na yung ibang plates wag lang to." muli kong ni rolyo ang blueprint bago isinulid sa carrier at nilagay sa maleta. Hindi ko bibiguin si tito, ipapatayo ko tong bahay na ito. Kahit isa man lang sa mga pangako ko sakanya ay matupad. "May ibang archi ka na pala ha. Hindi na pala ako archi mo ha." Malungkot na saad ni kuya. Tinawanan ko lamang ito habang pinag mamadan siyang pumasok sa walk in closet ko. Eto yung ma mimiss ko. Yung pangungulit ng kuya ko. Madalas man siyang nakaka asar pero palagi siyang nandyan para sakin. He's the one who never failed to make me smile. "Ano tinitingin tingin mo dyan?" tanong niya saakin. "Wala mamimiss ko lang kayo ng sobra" Nag lakad siya palapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. "Tangina mo sharmain ha. Wag kang gagawa ng katarantaduhan doon. Wala ako dun tandaan mo yan. Pero kahit wala ako doon, palagi akong nandito para sayo. Tawagan mo ko pag may problema ka at wag na wag mong iisiping nag iisa ka kasi palagi kaming nandito ni mama't papa para sayo." naiiyak niyang sabi. "Ikaw lang naman may ginagawang kalokohan." pabiro kong sabi. "Basta sha. Lagi mong tatandaan. Nandito lang ako tapos ikaw nandoon ka kasi wala ka dito." seryoso niyang saad. "Bwisit ka talaga."  Tumayo siya at muling pumasok sa closet para kumuha ng ibang gamit. "Asan ang kuya mo?" tanong saakin ni mama. "Nandun po ma nag kakalkal"  "Anong ginagawa mo diyan ha?" tanong ni mama kay kuya pag labas niya ng closet. "Tinutulungan kong lumayas si sha. Tapos yung iba i bebenta ko na kasi di niya naman gagamitin kagaya netong toothbrush." biro ni kuya kay mama. Tumawa kami ni mama bago umupo si mama sa tabi ko at tumulong mag tupi. "Sigurado ka ba nak? Hindi ba pwedeng mag stay ka muna dito ng ilang buwan?" tanong sakin ni mama. "Ma, kaya ko naman po" ngumiti ako sakanya. Hindi ko kaya sa totoo lang. Mahirap mag isa, hindi ko naman palagi makakasama si cloud dahil may trabaho siya doon. Hindi ko din naman kakayanin pag nandito ako kasi halos lahat ng lugar dito may ala ala ni luke. "Paano yung gamit mo sa condo?" Tanong sakin ni kuya. "Kukunin ko lang yung ibang gamit ko tapos sayo na yung unit na yun." sagot ko kay kuya. Tumango lang siya at nag patuloy sa pag impake. Pag katapos ko mag impake ay hinatid ako ni kuya sa condo para kunin ang iba kong gamit. "Text moko pag tapos ka na. May aasikasuhin lang ako saglit sa kompanya." ngumiti ako sakanya bago bumaba ng sasakyan. Dahan dahan akong nag lakad papasok ng building. Nginitian ako ng guard bago iabot ang isang sobre saakin. "Maam pinapaabot po nung lalaking kasama niyo sa unit." (Play) Nginitian ko lang si kuya at kinuha ang sobre bago nag lakad papasok sa elevator. Pag lakad ko sa tapat ng unit namin ay huminto ako saglit. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Dahan dahan akong nag lakad papasok. Inaalala ang bawat sandaling magkasama kami dito sa unit na to. Saksi ang bawat kanto ng bahay na ito sa kwentong aming binuo.  Binuksan ko ang ilaw sa sala at natanaw ang litrato naming dalawa. Tinitigan ko ito saglit bago umupo sa sofa. Binuksan ko ang hawak kong sobre at binasa ang liham na nakapaloob dito. Sharmain, I just want you to know that i'm truly sorry for what i did to you. Nung tinanong mo'ko kung nasaan ka sa loob nung tatlong taon at pitong buwan gusto kong sabihin sayo na nandito ka sa tabi ko. Gusto kong sabihin sayo na nandito ka sa puso ko. Gusto kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Pero hindi eh, mali yun. Maling sambitin ang salitang mahal kita sa harap mo dahil kitang kita ko kung gaano kasakit sayo yung ginawa ko. Alam kong walang magagawa yung sorry ko pero sana mapatawad mo pa ako. Mahal na mahal kita sha, napaka tanga ko para saktan ang tulad mo. Hindi ko gustong saktan ka ng paulit ulit kaya tinapos ko nalang kung anong meron tayo nung araw na yun. I wish you the best. Yours truly , luke Tinitigan ko ang liham na yun bago tumayo at pumasok sa kwarto.  "Napaka sinungaling mo." bulong ko sa sarili ko. Inimis ko ang mga gamit ko at inilagay iyon sa maleta. Nang buksan ko ang kabilang kabinet agad kong nakita ang ibang gamit ni luke at mga binigay niya saakin. Nilagay ko sa isang box ang mga iyon at tinabi. Isosoli ko nalang sakanya lahat ng yun. Kinuha ko ang mga litrato naming dalawa at nilagay sa isang box kasama ng mga gamit ni luke.  "Ampucha naman oh." singhal ko nang biglang nalaglag ang isang maliit na karton mula sa drawer.  Binuksan ko ang box na iyon at nakita ang isang kwintas. Pangalan ko ang naka ukit sa silver pendant nito. "Kanino kaya galing to?" Bulong ko sa sarili ko. Nilagay ko ang maliit na box sa luggage at nag patuloy sa pag iimpake ng gamit. Hindi na ako nag pasundo kay kuya dahil naka park naman sa baba ang kotse ko at dito na din ako mag papalipas ng gabi. Muli kong tinignan ang larawan namin ni luke. "Ang daya mo naman. Sabi mo diba sasamahan moko? Bakit wala ka dito ngayon? " Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo upang tanggalin ang frame mula sa kinalalagyan nito. "Tangina mahal moko tapos mahal mo din siya? Mapagmahal ka ba?" Nilapag ko ang frame sa sofa at nag lakad papunta sa kusina. Akmang papatayin ko na ang ilaw nang biglang bumukas ang pintuan. "Kukunin mo na ba gamit mo?" tanong ko sakanya. Tinitigan niya ako sa mga mata ko agad naman akong umiwas ng tingin. "Umiiyak ka nanaman ba? " tanong niya sakin. "Gustuhin ko man tawanan yung sakit na binigay mo hindi ko magawa eh. Sobra sobra yung sakit na binigay mo" "I'm sorry sha." yumuko lang siya at nag lakad palapit saakin. "Tumahan ka na, ayokong nakikita kang ganyan." malambing niyang sabi. "Ayaw moko nakikitang ganito pero bakit ginago moko? Tangina luke, isang taon. Isang taon mokong ginago tapos sasabihin mo sakin mahal na mahal moko!? Puta ganyan ka ba talaga?" "Sorry. " tinitigan ko lang siya inaabangan kung anong sunod na sasabihin niya. Nanatili siyang tahimik habang naka yuko. "Sige na. Kunin mo na gamit mo, makaka alis ka na." Tumingin muna siya sakin bago nag lakad papunta sa kwarto. Dumiretsyo naman ako sa cr at doon umiyak ng husto. Hindi ko na maintindihan ang lahat. Sasabihin niyang matagal na siyang nawala sakin tapos sasabihin niyang mahal niya ako? Anong kagaguhan yun? Nanatili akong nakasandal sa pintuan ng cr habang pinipigilang umiyak ng husto. "Aalis nako, iiwan ko nalang tong susi sa lamesa. Pasensya na sa abala. Gusto ko lang din sabihin sayo na... " Tumahimik siya at huminga ng malalim bago nag patuloy sa pag sasalita. "Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita, happy 3 years and 9 months. Malaya ka na" Agad kong binuksan ang pinto at niyakap siya. "Wag kang umalis please. Wag mokong iwan dito." Niyakap niya ako ng mahigpit. Habang umiiyak ako sa balikat niya. "Ayokong mawala ka. Ikaw yung pahinga ko sa magulong mundo. Ikaw yung naging tahanan ko. Saan nako tutungo kung iiwan mo na ako?" "Dun sa lugar kung saan ka magiging masaya." sagot niya sakin. "Sayo ako masaya." "Kung sakin ka masaya bakit umiiyak ka ngayon? " tanong niya sakin. "Bobo ka ba? Iiwan mo nako eh." "Tumahan ka na, sayang lang luha mo kung ako ang iiyakan mo." "Sabihin mo munang hindi mo na ako mahal." kumalas ako mula sa pag kakayakap naming dalawa at tumitig sa mga mata niya. "Huh?" kumunot ang noo niya habang pinupunasan ang mga luha ko. "Look at me and tell me that you don't love me anymore." "Bakit kailangan kong sabihin yan? " tanong niya sakin. "Yun lang yung paraan na alam ko. Yun lang yung paraan para tumigil tong puso kong umasa na mahal mo pa ako. Sabihin mo lang yun hinding hind na kita kukulitin pa. Papalayain kita. " Tumahimik siya saglit bago tuningin sa mga mata ko. "Hindi... Hindi na kita mahal." tumalikod siya at nag lakad palabas bitbit ang mga gamit niya. Naiwan akong naka tayo doon habang umiiyak. "Anong katangahan yun sha? Mas lalong sumakit nung sinabi niya yun." bulong ko sa sarili ko. Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Nag patuloy ako sa pag iyak hindi namamalayang unti unti na pala akong nakakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD