Chapter 18

1166 Words
Today is the last day of our finals. Nag text sakin si charles na mamayang 8 pm niya ako dadaanan sa condo ko para sa party ni lance. @Camillicious: wala pa din paramdam? @maineChixx: wala eh @Sam_Ram: iinom nalang natin yan! @Selenasmith: akala ko ba pangarap niya maging archi? @Selenasmith: di ako na inform na nag bago ha! astronaut pala ang nais HAHAHHA @camillicious: Ay gago baka kaya di na nag paramdam nasa mars na! @Sam_Ram: pinag palit ka na sa alien HAHAH @maineChixx: Alam niyo tangina nyo talaga mga bwisit Nag decide ako nag i inform si luke na papunta na ako sa school. Lagi ko padin naman siya iniinform kapag may lakad ako. Minsan seen, minsan naman hindi. Ewan basta nandito padin ako. Pinatay ko ang phone ko at nag patuloy sa pag lalakad. Natapos ang finals namin at agad akong umuwi para mag ayos. Nag text ako kay kuya, mama at luke para alam nila kung nasaan ako. "Hoy punyeta ka ang tagal mo." umupo si charles sa sofa at inangat ang paa sa lamesa. "Ikaw apaka relamador mo." tinarayan ko siya bago tumingin sa salamin. Naka black pants at puting polo si charles naka tupi ito hanggang sa siko niya. Tinernohan niya ito ng boots. Naka suot naman ako ng black tank top at denim skirt, pinatungan ko ito ng white cropped jacket at nag suot ng black ankle boots. "Tara na baka maka tulog ka dyan." "Nagka ugat ugat na ngako kakahintay sayo." saad niya pag ka tayo niya mula sa sofa. "Ang O.A ha!" hinampas ko siya bago sumunod sakanya palabas ng unit. @mainechixx: kasama ko na si charles papunta na kami sa bar. Iloveyou Sineen lang ni luke ang message ko. Medyo masakit ha. "Hindi padin nag rereply?" tanong ni charles sakin. "Hindi eh." yumuko ako at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko maiiyak nako. "Baka nasa moon na. Hayaan mo, tingala ka lang baka makita mo siya dyan palakad lakad." "Tarantado ka talaga! Alam mo minsan napapaisip ako kung inaasar moko o pinapatawa." tinarayan ko siya bago ngumiti. "Pinapatawa kita sadyang pikon ka lang. " tumawa siya ng malakas habang nakatingin sakin. Nakaka irita din to minsan eh. Pero thankful ako kasi nandito siya palagi para sakin pag kailangan ko siya. Hindi siya nag dadalawang isip na samahan ako kapag may lakad, puntahan ako pag wala akong payong, sunduin ako pag lasing ako. Yung mga bagay na dating si luke ang gumagawa. "Hoy b***t nandito na tayo. Mag eenjoy ha? Hindi mag iiyakan" "Oo na sige na di na iiyak!" tumawa ako bago lumabas ng sasakyan. "Iuwi moko mamaya kapag lasing nako ha? " inabot siya saakin ang susi pero hindi ko kinuha. "Lasing din ako mamaya kaya sabay tayo mamatay mamaya pauwi." Tumawa lang siya bago ako batukan.  Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang makarating kami sa table kung nasaan sila lance. "Dahil kakarating niyo lang shot! " inabutan ako ni camilla ng shot glass. Kinuha ko naman ito at ininom nang walang chaser. "Aba palaban ang shasha!" sigaw ni selena. "Wag kang susuka sa kotse ko mamaya ha" bulong sakin ni charles. Ngumiti ako sakanya at nag patuloy sa pag inom. Maya maya lamang ay nag desisyon silang mag laro ng beer pong hindi naman ako umurong. Palaban ako eh. Sa kabilang side ay si eric at si sam, kakampi ko naman si charles. Nag simula kaming mag laro. Apat na baso na ang naiinom ni eric habang dalawang baso pa lang ang kay charles. Nag switch players na nang maka walong baso na si charles. "Ayusin mo lapuk! Susukahan ko sasakyan mo mamaya sige ka! " banta ko sakanya. Naging dikit ang laban nang dalawang baso na lamang ang natitira. Si eric ang babato ng bola kaya medyo kinabahan ako. Nawala ang kaba ko nang hindi ma shoot ni eric ang bola. "Ayusin mo charles!" "Akong bahala." ngumiti siya sakin bago pinatalbog ang bola sa lamesa. Nag ingay ang nasa paligid namin nang pumasok ang pingpong ball sa isang baso. Naging dikit nanaman ang laban nang makashoot si sam ng bola. "Tangina sha ayusin mo ha, wag mo ipatalo" bulong sakin ni charles. Ngumisi ako kay sam bago pinatalbog ang bola. "Booom tangina kala niyo matatalo niyo kami!? HAHAHA ULOL!" sigaw ni charles. "Anong dare niyo? " tanong ni sam pagka balik namin ng table. "Chug the black label! " sigaw ko kay sam at eric. Agad naman silang kumuha ng tagisang bote bago nag cheers at sabay ininom Tumingin sila kay charles upang malaman kung anong dare ni charles. "I dare you to tell the truth." natahimik ang dalawa at napatingin sakin. "Ha? Dare tapos tell the truth? Lasing ka ba? " natatawang tanong ni camilla. "Sabihin niyo ang totoo kay sha. Parang awa niyo na" Napatingin ako sakanilang tatlo. Anong sabihin ang totoo? "Anong pinag sasabi mo?" tanong ni sam kay charles. "Nandun ka sam, alam mo kung anong tinutukoy ko." "Bakit hindi ikaw ang mag sabi? " tanong ni eric kay luke. "Tangina kayo nakaka alam kung anong nang yari! " sigaw ni charles. "Teka ano ba kasi yun? Anong hindi ko alam at anong totoo? " nalilitong tanong ko. "Putangina wag niyo na pag takpan yung dalawa, sabihin niyo na kay sharmain. " halata ang galit ni lance nang sabihin niya yun. "Ano ba kasi yun tangina naman! " litong lito nako. Hindi ko na din alam kung dahil ba sa alak to o dahil sakanila. "You guys are confusing me" natatawang saad ni camilla. "Tangina samantha mag salita ka na kung ayaw mong ihampas ko sayo tong bote ng black label" banta ni selena. "Sha ano kasi." yumuko si sam at tumingin sa kamay niya. "Wag mo sabihin. Pabayaan mo sila" akmang tatayo si eric nang bigla siyang kwelyuhan ni charles. "Tangina mo pala eh!" sigaw ni charles. Tumayo lang si lance ngunit hindi inawat ang dalawa. "Tangina niyong dalawa! Tinatarantado na yung tao ayaw niyo pa mag salita! " sigaw ulit ni charles. "Wala kaming dapat sabihin! Tama na yan charles! " sigaw naman ni sam. "Isa ka din! Kaibigan mo si shasha! Kaibigan mo tapos ginagago mo! Ginagago niyo! " sigaw naman ni lance kay sam. "Tangina wala kang karapatan sigawan si sam! " nag pumiglas si eric pero mahigpit ang pag kaka kwelyo ni charles sakanya. "Kaibigan ko din si maria!" sigaw ulit ni sam. "Tangina niyo umupo kayo! " sigaw ni selena. "Alam niyo ba kung bakit ako nandito? " tanong ko sakanilang lahat. Tumingin lang sila saakin. Habang si sam naman ay naka yuko. "Nandito ako kasi gusto ko sumaya, Gustong gusto ko." "Sha sorry" naka yukong saad ni sam. "Ano ba kasi yun? Promise iintindihin kita. " ngumiti ako sakanya, baka sakaling sabihin niya. "Hindi ko masabi sha. " tumingin ako sakanya at kay eric. "Niloloko ka ni luke, matagal ka nang niloloko ka ni luke at alam nilang dalawa." napa lingon ako sa likod nang upang makita kung sino ang nag salita. "Bev?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD