Chapter 15 Meet New Friend
Samantha POV
Pagkatapos naming magtalo ni Kolas ay nasa sofa ako naupo. Napagod pa akong makipagtalo sa kanya. Ang dami niyang sinasabi parang Tatay ko. Pinanood ko siyang umupo sa kanyang upuan bago binasa ang mga papel na nasa mesa. Seryosong-seryoso siyang tingnan. Kung hindi lang talaga mainitin ang ulo, puwede na siyang maging model dahil sa sobrang guwapo.
“Psh. Balasubas nga lang,” bulong ko sa aking sarili. Mabuti na lang at mukhang hindi niya narinig at baka nag-away na naman kami.
Kaagad siyang nag-angat ng paningin. “I have meeting to attend to. Just wait for me here,” paalam ni Kolas. Tumayo siya at inayos ang kanyang necktie.
“Sige. Dalhan mo ako ng pagkain,” utos ko nang maglakad siya palapit sa pinto.
“Meeting ang pupuntahan ko, hindi birthday,” angil niya.
“Sus! May pa-snacks naman siguro kayo sa meeting. Ang damot mo naman kung hindi mo papakainin ang mga empleyado mo,” taas-kilay kong saad.
Bumuntonghininga siya. “Fine.” Nakahawak na siya sa seradura nang bigla ulit siyang lumingon. “Don't touch my things.”
Tumango lang ako. “Ang sungit. Paano ba naman, kape ang laman ng tiyan. Yaman-yaman ayaw naman kumain,” maktol bago tumayo. Naglakad ako palapit sa kanyang mesa at tiningnan ang mga gamit doon.
Nahinto ako sa akong kinatatayuan nang makita ko ang isang maliit na picture frame. Kaagad ko itong inabot. Tiningnan ko ito nang maigi. Babae. May katabi siyang babae sa picture. Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit biglang pumait ang lasa ng laway ko. Naiinis ako.
“May girlfriend siya?” hindi makapaniwala kong sabi. “Pashnea siya! Gagawin pa akong kabit? Ang tigas talaga ng mukha niya, ha.” Inis kong binalik sa lagayan ang frame.
Dahil nanghihina, umupo ako sa upuan ni Kolas. Sa sobrang lambot at sumandal ako at pumikit.
“Hay, ang sarap naman nitong upuan na 'to. Parang ayaw ko ng umalis,” usal ko sa aking sarili. Naisipan kong magpaikot-ikot. De-gulong naman ang upuan kaya nagawa kong umikot. Muntik pa akong nahilo.
Nabuburyo ako katitingin sa mga papel na nasa harapan. “Hay, napaka-boring naman nitong si Kolas. Wala man lang kabuhay-buhay ang opisina niya.” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng opisina. Puro puti ang gamit. Sobrang linis, sobrang plain tingnan.
Sumandal ulit ako at pumikit. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. “Wala naman akong gagawin dito,” nakasimangot kong sabi. Nahinto ako sa ginagawa nang bumukas ang pinto. Matutuwa na sana ko pero ibang lalaki ang pumasok. Gwapo rin naman ito pero si Kolas ang gusto kong makita. Nahinto siya sa paglapit nang makitang ako ang nakaupo sa upuan.
Nagtataka niya akong tiningnan. “Who are you, Miss?” tanong niya sa akin. “Bakit ikaw ang nakaupo riyan?” dagdag niyang tanong.
“Hello, I’m Samantha. Alam kong maganda ako kaya huwag mo akong titigan. Ikaw sino ka?” tanong ko.
“I'm Nico’s friend, Drake,” pagpapakilala niya. Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko naman ito.
Mas malambot pa sa akin ang kamay niya. Nahiya tuloy ako ng very light.
“Hmp. Mas guwapo naman si Kolas,” sabi ko habang tinititigan siya nang mabuti. Gusto ko lang tingnan kung sino ang mas guwapo talaga.
Natawa siya nang mahina bago tumikhim. “I know I'm handsome but who's Kolas?” nagtataka niyang tanong. Kunot na kunot pa ang kanyang noo.
Kaagad na nags*ntukan ang kilay ko. “Ha? Hindi mo kilala si Kolas? Akala ko ba kaibigan mo siya?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Sc@mmer ka ’no?” pang-aakusa kong tanong.
Kaagad siyang umiling saka tumawa habang iniisip kong sino ang sinasabi kong Kolas. “You mean Nicholas?”
Tumango ako dahilan nang paghagalpak niya ng tawa. Hawak-hawak ang kanyang tiyan habang hindi makapaniwala sa narinig. Seryoso ko lang siyang tiningnan.
“Tawang-tawa ka, ah.”
Tiningnan niya ako. “That's because, hahaha! Kolas. A name for an old man. D@mn!” Hindi pa rin siya matigil sa katatawa. Sabay kaming lumingon sa bumukas na pinto at pansin kong nagpipigil siya ng tawa. Kunot na kunot na naman ang noo ni Kolas.
Huminto ang paningin ni Kolas kay Drake. “What are you doing here?” tanong ni Kolas.
“Kaibigan mo raw siya, Kolas,” singit ko. Sabay silang napabaling sa akin.
“Hahaha, Kolas! Hindi mo man lang sinabi sa akin na nagpalit ka na pala ng pangalan. Kailan ka pa naging Kolas, ha, Nico?”
“Shut up!” singhal ni Kolas. Binigyan niya ito nang makahulugang tingin.
“Hahaha! Whatever, Kolas,” hindi natatakot na wika ni Drake.
“What do you want?” tanong ni Kolas. Biglang sumeryoso si Drake kaya nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
Tiningnan ako ni Drake bago tumingin kay Kolas na parang may ipinaparating na mensahe gamit ang kanyang mga mata. Napatingin naman sa akin si Kolas kaya nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.
“Mag-usap na kayo. Alam kong importante 'yan.” Prente akong naupo pabalik sa upuan ni Kolas. Biglang natawa si Drake. “Bakit? Ano ba pag-uusapan ninyo? Ako lang naman ang makakarinig, eh, nahiya pa kayo,” dagdag kong sabi.
Mas lalong natawa si Drake. “I thought you'd say na lalabas ka muna para makapag-usap kami,” aniya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit ako? Kayo naman 'tong mag-uusap ba't ako ang pinapalabas? Kayo ang mag-uusap kaya kayo ang lumabas. Pahihirapan mo pa ako,” nakanguso kong sagot.
Tulala na nakatitig sa akin si Kolas. Gayundin si Drake na kalaunan ay napahagalpak ng tawa. “Interesting. I like you,” saad ni Drake habang tumatawa pa. Sumama ang tingin ni Kolas dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Sorry pero si Kolas lang ang gusto ko,” usal ko pa na lalong ikinatawa ni Drake. “You are not my type.” Halos lumuwa ang mata ni Drake sa sobrang pagtawa. Maluha-luha pa itong tumingin sa kaibigan.
“Stop laughing you dumbass!” inis na singhal ni Kolas sa kaibigan.
Taas-kamay naman itong umiling-iling bilang pagsuko. “Fine, fine.” Uubo-ubo pa itong naglakad palapit sa pinto.
Tumingin sa akin si Kolas. “Wait for me here.” Tumango ako. Kumaway sa akin si Drake kaya kinawayan ko na rin siya.