Sumunod ako kay Hamish nang lumipat siya sa hanay naman ng lagayan ng mga espada't sibat. Kumuha siya ng dalawang mahabang espada at ang isa'y pinasa sa akin sa pamamagitan ng paghagis dito. "Subukan naman natin ang galing mo sa pakikipag-espadahan," aniya. "Hindi sapat iyong nakita ko nang gabing magkita tayo." Sinalo ko naman sa hawakan ang espada. Naramdaman ko kaagad ang bigat niyon kaya lumapit ako sa lagayan sabay balik sa naunang espada. Kumuha ako ng maikling espada na mas magaan dalhin. "Ito na lang sa akin," sabi ko pa habang winawasiwas ang hawak na espada kaliwa't kanan. Abot lang sa siko ko ang haba niyon. "Sigurado ka?" paniniguro pa niya habang tinitigan ako nang maigi. Inilipat niya pa sa kaliwang kamay ang espada. Tinugon ko naman siya ng isanga tango. "Humanda ka na,"

