53

6973 Words

Ang buong kakahuyan sa Matlaya'y napuno ng ingay ng mga kalahok na kahit saan mang dako'y maririnig. Nasa pinakatuktok na sanga kami ng pinakamataas na puno nagpahinga kaya dinig ko talaga lahat. Matapos akong kausapin ni Hamish binalikan ko sina Nip at nagtungo na kami roon. Magkatabi lang kami ng kaibigan ko na nag-aabang sa mga balak lumapit sa amin samantalang si Grib naman ay nakahawak sa katawan ng puno ang isang kamay habang nakapikit ang mata. Hinahanap niya ang pinagtaguan ng mga medalyon. Dahil nga sa tuktok kami tumatama ang katamtamang lakas ng hangin sa aming katawan. "Ano bang ikinasunod sa atin ni Hamish kanina?" pag-usisa ng kaibigan kong si Nip matapos niyang maalis ang paningin sa nakapikit na si Grib. Kung pagmamasdan si Grib tila hindi na ito gagalaw sa sobrang kalmado

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD