54

8728 Words

Nagpalabas ng maliit na bilogang apoy si Hamish na siyang pinalutang niya sa aming uluhan upang magsilbing ilaw namin sa madilim na lagusan na iyon. Ang distansiyang tanging naabot ng liwanag niyon ay mahigit sampung hakbang lamang ngunit sapat na upang makatulong. Dahil dito'y napagmasdan ko nang mabuti kung saan gawa ang lagusan. Hinuha ko ay matagal na iyon doon dahil sa nangingitim na dingding at sahig na gawa sa parihabang matigas na adobe. Hindi ko malaman kung saan ba dapat kami pumasok, sa gawing kaliwa ko ba o sa kanan, dahil tumigil ang narinig kong bulong. Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko tuloy naloko ako ng sarili ko. "Sigurado ka ba sa narinig mo na bulong? Baka imahinasyon mo lang," ang sabi pa sa akin ni Hamish. Tama rin naman siya ngunit hindi rin naman masamang alamin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD