55

7128 Words

Naimbitahan ako na dumalo sa pagpupulong ng hari kasama ang mga pantas niya't ilang kabalyero. Dahil unang pagkakataon iyon na makakapasok ako sa bulwagan ng hari sa palasyo na iyon mabilis akong naglakad sa pasilyo patungo roon na nilatagan ng asul na alpombra. Si Hamish ay nailing na lang ng ulo habang nakasunod ng tanaw sa akin. Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa mataas na pintong kulay kayumanggi. Sa tabi niyon ang dalawang kawal na nababalot sa abuhing balute na siyang nagbukas ng sara papasok kung kaya't tuloy-tuloy lang kami ng prinsipe. Ang pagyangitngit ng pinto'y nakabuntot lang sa amin ni Hamish nang kami'y pumanhik ng bulwagan. Matatagpuan ang bulwagan sa likurang bahagi ng palasyo. Ang dalawang magkasalungat na pader niyon ay kinalalagyan ng matataas na bintanang sala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD