Dumating ang araw na ihahatid na namin ang babaeng maharlika kaya noong una ay tumanggi ako kay Hamish na sumama. Ngunit nang makita ko ang babaeng maharlika nasabi kong mabuti na lang napilit ako ng prinsipe. Paano ba naman kasi ubod ng ganda ang babae na nagngangalang Lala. Kahit sa paglalakad nito mula sa malapad na pinto ng kanilang tatlong palapag na malapalasyong bahay sa laki patungo sa kalesang nakalaan sa kaniya nakakabighani na siya sa magarbong suot na bulaklakin. Napalingon siya sa amin sa kinapupuwestuhan namin ng prinsipe sakay ng kabayo --- sa akin ay si Oslo at kay Hamish ay itim na kabayo --- bago ang malawak na hardin kaya tinaas ko ang kamay ko. Hindi ko pinangarap na ibabalik niya ang pagkaway ko ngunit kumaway din siya sa akin na may kasamang manipis na ngiti. Nasasaya

