57

7188 Words

Maaga akong nagising kaya tumambay na lang ako sa tuktok ng malaking puno kasama ang aking tatlong basalyo. Napapagitnaan ako nina Episo at Wok samantalang si Al ay nasa kaliwa ng huli habang nakaupo kami sa may kalakihang sanga. Sa malayo ay naroon ang kabundukan na nababalot ng niyebe at sa likod naman nito ay ang papasikat pa lang na araw. Sa aking mukha ay dumadampi ang malamig na samyo ng hangin. Habang sa isipan ko ay naglalaro ang katanungan na dapat ko na bang hayaan ang sarili na malunod sa pagmamahal ni Hamish at kalimutan na lamang ang katapusan na sa amin ay naghihintay. "Ano ang masasabi niyo kung maging kami ni Hamish?" ang naitanong ko sa mga basalyo ko. Karapatan din nilang malamang iyon dahil makakasama ko sila nang matagal. Mabuti si Episo ay alam na niya, naiwan ang d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD