"Galingan mo Kenyon," ang sabi pa ng kaibigan ko na may kasamang malapad na ngiti. Sa labis na lapad tila aabot na iyon sa tainga. "Nasaksihan ko na kung paano ka makipaglaban kaya alam kong makakaya mong harapin si Ikael." Pinukulan niya ng tingin si Hamish kaya nakatanggap siya nang masamang tingin mula sa prinsipe. "Huwag mo nga akong niloloko. Ang sabihin mo natutuwa ka kasi nakaiwas ka," sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ba kasi tumaas ng kamay ang ginoo na hindi na niya maaring bawiin. Iba nga rin naman ang takbo ng isip niya. Pinagtagpo ko ang palad ko sa palad ni Nip sa hangin pagpadagdag suwerte. Nang mapansin ni Grib iyon tinaas niya rin ang kaniyang kamay kaya pinagtagpo ko na lang din ang aming mga palad. Hindi magtatagal magiging magkaibigan na r

