50

3711 Words

Panandaliang natabunan ang masamang tingin ni Hamish dahil sa dumating na dalawang kabayo sakay sina Maware at Rigo. Hindi kami kaagad napansin ng mga ito dahil sa prinsipe napako ang kanilang atensiyon sa paghinto ng mga kabayo sa harapan ng tolda. Nakita ko sa pagbuka ng bibig ng babae na mayroon itong sinabi sa prinsipe --- ito ang mas malapit ng puwesto kay Hamish --- kaya naman napalingon na rin ito kung saan ang mesang kinauupuan ko. Maging itong si Rigo ay napalingon din naman. Nang makita nga ako ni Maware kumaway siya na may kasamang malapad na ngiti sa labi. Nasabi ko tuloy na natutuwa itong makita ako roon dahil nagtanong pa ito sa akin kung papasok ako ng Matlaya. Samantalang si Rigo na kasama nito ay nakasimangot. Tumango lang ako sa babae bilang tugon kaya pinalakad na nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD