"Magkababata kami ni Kelf. Lumipat lang siya rito sa kaharian ng mga tigre upang matupad ang kaniyang pangarap," ang pagkuwento ni Ginoong Henrik. Ang pangarap na makuha ang isa sa mga upuan sa mababang upuan ng konseho. Hindi ko lang alam kung kasama sa pangarap na iyon ang pangakoan ang aking ina ng pagmamahal habang buhay pagkatapos nang malamang ang anak niya'y naging ikalawang tao ni Homobono, tinakwil niya kami pareho. Hindi ko na masabi kung mabuti pa siyang tao bilang isa siyang tinitingalang trem. Hindi rin ako makapaniwala sa narinig. Nasabi ko tuloy na kaya naman pala nakagaanan ko ng loob ang ginoo dahil magkakilala sila ng ama ko. Naghalo ang tinatakbo ng aking sarili sa sandaling iyon: galit sa aking ama, hindi mapalagay na dibdib at pagpapasalamat na nakikita kong maayos

