"Dito ka lang. Huwag kang lalabas. Sundin mo iyong napag-usapan natin. Kung mayroon kang kailangan tawagin mo lang iyong utusan sa labas." Iyan ang sabi ni Hamish sa akin bago siya umalis ng kaniyang silid. Kasama siya sa pagpupulong kasama ang pantas ng hari dahil hindi makakadalo ang kaniyang ama. Minsan mahirap din maging prinsipe dahil marami kang dapat gawin para sa kaharian na pinagpapaliban ang pangsariling kasiyahan. Hindi naiiba si Hamish pagdating sa bagay na iyon. Iniwan niya akong mag-isa sa kaniyang silid na ang kausap lang ay apat na sulok at ang kisame. Sa sobra kong pagkabagot napahiga ako sa kaniyang kama habang nag-iisip ng gagawin para naman kahit papaano ay malibang. Kaya naman talaga ako dinala roon ni Hamish para may mapaglaruan kung walang ginagawa. Sa pananatili

