Pinagpatuloy namin ni Hamish ang pagkain na walang lumalabas sa aming bibig. Kahit anong salita ay wala akong sinasabi sapagkat iniisip ko kung paano ko haharapin ang kaniyang amang hari, upang maipalawanag ko ang aking nasabi. Hindi ko rin malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang sandaling iyon. Ni hindi niya nga ako tinatanong kung bakit nanatiling tikom ang aking bibig. Mas gusto niya nga namang tahimik lang ako, naiingayan siya sa akin minsan na parang hindi naman minsan. Hindi na ako sigurado. Sa huling mansanas ko natapos na rin ako sa pagkain. Uminom ako nang maraming malamig na tubig. Hindi ko na nabilang kung nakailang baso ako bago ko binitiwan iyon sa mesa. "Tapos ka na?" ang tanong ni Hamish sa akin sa pag-inom niya rin ng tubig. Pinahid ko ang aking bibig gamit ang

