Hindi ko naman malaman kung ano pa ang sasabihin ko sa kaniya kaya minabuti ko na lamang na magsimula ng maglakad. Nilampasan ko ang punong naghuhulog ng makukulay na dahon habang sa aking mga paa ay mistulang ulap ang mga natatapakang natutuyong dahon sa labis na kakapalan. Sa bilis ng pag-uunahan ng aking mga paa nakalayo ako kaagad kay Hamish na mabagal ang lakad. Nang lingunin ko siya'y mahigit limang puno ang agwat ko sa kaniya. Dahil doon naisipan kong iiwan siya roon at umalis na sa lugar na iyon na hindi naayon sa naging desisyun ng konseho. "Huwag mo na kayang subukan na tumakas. Kahit saan ka magpunta masusundan kita," ang malakas niyang sabi sa pagpapatuloy ko. Umalingawngaw pa ang boses niya sa kakahuyan. Ang mga punong mayroong makukulay na dahon ay tila hindi nagtatapos kay

