42

4122 Words

Hinintay kong lumipas ang gabi habang inuubos ang pagkaing dinala ni Hamish. Iniisip ko rin naman kung ano ang hakbang na gagawin niya kinabukasan. Sa labis na kabusugan, idagdag pa ang hapo ko ng katawan ako ay nakatulog sa malamig na sahig nang patagilid unang ang kanang kamay. Nagising na lamang ako sa malalakas na ingay sa piitan. Pagkamulat ng aking mga mata'y bumungad sa akin ang papasok na dalawang trem na nababalot ng puting balabal. Ang pangtabon sa mga ulo nila ay nakalaylay lang kaya kita ang kanilang mga mukhang naguguhitan ng pagkadisgusto para sa tulad ko. Sa pagbangon ko sa aking pagkahiga tuluyan na silang nakalapit sa akin. "Tumayo ka na diyan!" ang matalim na sabi ng isa na humarap sa akin. Ang kasamahan naman nito'y inalis ang kadena sa pader at iniwang nakatali sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD