40

1771 Words

Nagising na lamang ako sa isang makipot na kulungan na kalahating dipa ko lang ang lapad at may habang dalawang dipa. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay-tao. Hindi ko rin alam kung umaga ba o gabi nang sandaling iyon dahil wala namang bintana o maliit na butas sa pader na maaring lusutan ng liwanag ng araw. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kinalalagyan ko ay ang tulos na nakasabit sa labas lang ng kulungan. Hindi naman ako abot ng tulos dahil sa sulok talaga ako nakaupo. Sa aking leeg, mga paa at kamay ay nakataling kadena kaya hindi rin ako ako makalapit sa rehas ng bakal. Sa lamig ng hangin doon pakiwari ko ay nasa ilalim iyon ng lupa. Alam ko rin na ang kulungan na iyon ay nababalot ng ritwal upang hindi mailabas ang kakayahan ng isang trem habang nanatili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD