Pinagpilitan ni Grib na ihatid kami sa abandunadong palasyo. Wala na kaming nagawa ni Nip at pumayag na lamang kaya't sumakay kami ng kabayo nila. Sa kabayong abuhin nakasakay si Nip sa likuran ni Grib samantalang ako naman ay mag-isa lang sa kabayong kayumanggi. Mabili ang naging pagpatakbo namin sa kabayo dahil hindi maganda kung paghihntayin namin si Tandang Sora. Nadadala ng hangin ang suot kong balabal. Mistula pang naging larawang lumabo ang nagtatayugang mga punong nalalampasan namin. Luntian ang mga halaman sa dakong iyon kaya hindi ko maiwasang isipin kung bakit pinabayaan ang palasyo gayong maaliwalas naman ang paligid doon. Sa paglapit namin sa abandunadong palasyo hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang sigurado lang na alam ko ay matutulungan ako ni Tandan

