Sa patuloy naming pagbalusok mayroong nangyaring hindi ko inasahan. Hindi iyon ang pagdating ni Hamish o ang pagtulong nino man sa amin ni Nip. Naramdaman ko ang paglusot namin sa isang lagusang hindi kita ng aking mga mata. Kakaiba ang dulot niyon sapagkat nagsitayuan ang balahibo ko sa aking buong katawan. Kasabay niyon ang pagbabago ng lugar na aming babagsakan. Dama ko pa ang malakas na awrang bumalot sa paligid na tila ba nasa ibang mundo na kami. Sa aming ibaba'y ang naglalakihang dahon ng isang halaman na nakatanim sa bakuran. Hindi ang mga malalaking tibag ng bato ang matatagpuan dito. Bumagsak kami pareho ni Nip sa isang dahon ngunit dahil sa bigat naming dalawa --- idagdag pa ang puwersa ng pagbulusok namin --- umurong ang dahon kaya dumulas kami rito't gumulong kami sa lupan

