36

2567 Words

"Narito lang ako. Huwag kang mag-alala," ang nakuha niya pang ibulong sa akin na para namang may magagawa pa iyon. Hinaplos pa niya ang aking buhok upang pakalmahin ako. "Sana nga Hamish mapipigilan ng mga salita mo ang kakayahan ko. Ngunit hindi ito ganoon kasimple. Maari kang mamatay kaya pakawalan mo na ako't umalis ka na. Pakiusap," sabi ko sa kaniya. "Kung iyon nga ang mangyayari sa akin. Tatanggapin ko. Mabuti na iyong mawala ako kaysa naman mawala ka sa akin," dagdag niya. Kung maari nga lang na ibalik ko ang mga sinabi niya ngunit hindi ko talaga magawa. Hindi nga tugma ang sinisigaw ng aming puso. "Kahit kailan talaga. Kung ano ang gusto mo ipipilit mo." Sinubukan ko pa siyang itulak ngunit lalo niya lang hinihigpitan ang pagkayakap sa akin. Unti-unti nang nabubulok ang kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD