Chapter 13

2408 Words
"Anak magbrush ka na ng teeth mo" Utos ni Mari habang naliligo na mas lalong ikinahaba ng nguso ni Laz sa lahat ng ayaw niya ang magtoothbrush, kakatapos lang nitong maligo at bihis na bihis na ito. Pagkatapos niyang magtoothbrush ay saka na siya lumabas ng banyo, paglabas niya doon niya namataan ang ama na mahimbing pa din ang tulog agad siyang lumapit dito saka umupo sa kama para doon nalang hintayin ang ina na matapos maligo. Ilang minuto na ang nakakalipas ng hindi pa rin lumalabas ang ina at sa pagkabagot ay ang ama ang pinagdiskitahan niya. Pinapasok niya ang maliit na kamay sa butas ng ilong nito na ikigalaw ng ilong ng ama at ikinahagikhik niya kanina niya pa iyon gustong gawin agad lang siyang sinaway ng ina. Ilang beses niya pa iyong ginawa hanggang sa mapasigaw na siya nung pangkuin siya ng ama gamit ang isang kamay kaya napahiga ito. "Papa ku bitaw ambahu mu di ka pa liligu" Reklamo nito habang pilit na kumakawala sa hawak ng ama tanging ungol lang ang naging tugon ni Zacharias habang nakapikit at nagtutulog-tulugan saka mas lalo lang hinigpit ang yakap kay Laz. Dahil sa napagod na si Laz dahil sa tuwing pilit siya kumakawala dito ay mas lalo lang humihigpit ang hawak ng ama. Nang mapansin iyon ni Zacharias ay napangisi siya pero ang hindi niya inaasahan ang biglang pagsuntok nito sa kanya na ikinadaing niya dahilan para mabitawan niya 'to. Iyon ang tagpong naabutan ni Mari. "Lazarus" Warning tone na sabi nito na ikinasimangot ni Laz. "Mama ku siya kasi ih hihigpit niya hawak sa akin bahu-bahu niya ih" Pagrarason nito na ikinatanga ni Zacharias. "What?" Di makapaniwala nitong tanong sabay ang dali-daling pagamoy nito sa sarili "Hindi naman ako mabaho ah" Parang batang sabi ni Zacharias na mahinang ikinatawa ni Mari. Ito ang isang napansin niya kay Zacharias minsan para itong bata lalo na pagkausap o kalaro nito si Laz. "Pero hindi ka pa liligo kami ni Mama tapos na" Giit pa ng bata. "It's so early, may lakad ba kayo? " Kunot noong tanong nito habang humihikab pa. Alas otso na ng umaga minsan hindi maintindihan ni Mari kung ano ang early sa lalaki pero ipinagkikibit balikat niya nalang iyon. "Wala, ganto lang talaga kami kaaga magising" Sagot niya nalang. Agad ng sumingit sa kanila ang bubwit na di na mapakali "Tara na Mama ku kain na pu tayo" "Sige baba na kami" Tipid na paalam ni Mari. "Bye Papa kong tamad" Sabi naman ni Laz magrereak pa sana si Zacharias nung bigla ng lumabas ang dalawa. Iiling-iling na napatayo na si Zacharias paalis na sana para bumaba at sundan ang mag-ina nung may maalala bumalik siya sa higaan nila at inayos ang iyon. Kahapon kasi ay napagalitan na siya ni Laz dahil kung bakit daw siya na bata ang nagaayos ng higaan na siya naman ang nahuli. Nalaman niya na rules na pala iyon ng mag-ina kung sino ang huling bumangon yun ang magaayos ng higaan. Sa takot na singhalan at simangutan nanaman siya ng anak ay ginawa na niya iyon agad dahil kung hindi ay si Laz ang gagawa nun habang pinanlilisikan siya ng mata. Naiiling na natatawa nalang siya nung maalala iyon. Tahimik na nakaupo lang sa usual nitong pwesto si Laz habang naghihintay sa ina na nagluluto pa. Hanggang sa mamataan si Rafael malawak na napangiti si Laz. "Paps! Good morning po" Salubong na pagbati nito at gaya ng nakasanayan ay tinugunan iyon ni Rafael ng paggulo sa buhok at mabining halik sa noo ng bata. "Magandang umaga po Don Rafael" Magalang na pagbati ni Mari. "Iha ang sabi ko Dad na diba" Saway ng Don nagbuga muna si Mari ng malalim na hininga bago nagsalita. "Magandang umaga Dad" Nahihiya at alangang sabi nito pero sapat na iyon para mapangiti ang Don. "That's more like it" Nakangiting sabi nito sabay gulo ng buhok ng babae. "Paps ako na titimpla sayo, alam ko na magtimpla" Biglang singit ng bubwit na ikinabaling ng atensyon ni Rafael dito. "Hmm, sige na nga pero si Paps lang maglalagay ngmainit na tubig" Malambing nito turan sa apo na mas lalong ikinalaki ng ngiti ng bata. "Can you make one for me too Son" Singit ni Zacharias na kakapasok lang sa kusina. "Sige pu!" Masigla nitong sangayon. Saka tumayo paluhod sa upuan niya at agad na inabot ang cup saka kutsarita, lalagyan ng kape at asukal sakto kasing nandoon lang ang lahat ng yun sa center island kaya abot lang iyon ni Laz, umupo ang dalawa sa harap ni Laz at naeengganyong nakatingin lang sa mga galaw ng bata. Ganong tagpo ang naabutan ni Esperanza. "Why are you here? The dining is over there" Takang tanong nito. "It's because of this young man here, he said that he can't eat there he can't reach the food" Nakangiting sabi ni Rafael at hindi inaalis ang tingin sa batang seryosong-seryoso habang naglalagay ng kape sa tasa. Napatingin si Esperanza dito at di niya maiwasang maaliw sa bata di na nga niya namalayang nakaupo na siya, nasa ginta siya ni Rafael at Zacharias. "Why is he doing that? And why are you letting him? " Naguguluhang tanong niya, the kid looks like a toddler, too young to make a coffee. "Let him can't you see he's enjoying it" Aliw na sabi ng Don na ikinanmingos ng Donya. "Tapos na!" Masayang anunsyo nito agad niyang inilagay sa tapat ng dalawa ang timplang nagawa niya "Para kay Paps, ito naman para kay Papa ku" Masayang sabi nito agad iyon nilagyan ng mainit na tubig ng dalawa. Pagkasimsim nila ng kape ay muntik na silang mapangiwi dahil sobrang tamis nun sa panlasa nila, agad nilang ngitian ang batang sabik na naghihintay ng komento nila. "Masarap, very good" Nakathumbs pa na sabi ng Don na ikinapalapak ng tenga ni Laz agad naman siyang bumaling sa ama. "It's good son, I'm proud of you" Nakangiting puri nito saka ginulo ang buhok tuwang-tuwa naman na binalingan ni Laz ang ina. "Mama ku! Rinig mo yun, very good daw pu aku! " Tuwang-tuwa nitong pagmamalaki. "Hmm o sige, anong galing at ang bait naman ng baby ko dahil dyan may prenyo ka, anong gusto mo?" Malambing na pahayag ni Mari habang nakayuko para pantayan ang mukha ni Laz, habang si Esperanza ay napaingos dahil sa sinabi ng babae na ang tingin niya ay bida-bidahan. "Dalawang hotdog!" Magiliw na sagot ni Laz na sabay namang ikinatawa ng mag-amang si Rafael at Zacharias. Natatawang napatatango si Mari dahil sa bibong bata "Sige po pero bakas hindi na pwede" Marahan nitong pinisil ang ilong saka bumalik sa niluluto. "Okey pu!" Masang sagot ni Laz. "Teka Lazarus may nakakalimutan ka ata" Paalala ni Mari na ikinasimangot ni Laz. "Lazarus" Warning tone na tawag ni Mari sa pangalan nito na mas lalong ikinasimangot ng bata saka seryosong tumingin kay Esperanza na ikinagulat ng Donya. "Lo...Lola sori po kung nikagat ka ni Laz, bad po kasi kayo sasaktan niyo Mama ni Laz, bad kaya yun" Bahagyang nakangusong sabi nito. "Lazarus" Timping tawag ulit ni Mari dito. "Basta sori na pu" Mahinang sabi ni Lazarus biglang natememe si Esperanza dahil sa sinabi nito at nung magsasalita na sana siya nung magsalita muli ang bata. "Nagsori na aku Mama ku, tagal pa ba yan? Gutom na si Laz" Ungot nito "Ito na nga po" Naiiling na sabi ni Mari sabay lapag ng plato nito na may lamang pagkain. "Papa subo pu" Utos nito sa ama. Agad na tumalima si Zacharias at nagsimula ng hatihati-in ang hotdog at itlog. Ipinaghain din ni Mari si Zacharias, Rafael at Donya Esperanza. "Ikaw iha kumain ka na" Alok ng Don na agad na tinanggihan ni Mari. "Mamaya po na ako" Tipid nitong ani naagad na ikinakunot ng noo ni Zacharias. "No. You go eat, I'll handle Lazarus" Seryoso utos nito at dahil abot lang nito si Mari ay agad niya itong nahila pa upo sa tabi ni Laz bali nasa gitna na nila si Laz. Si Zacharias pa ang nagsandok ng pagkain dito. "Ano ba ang dami niyan" Mahinang angil ni Mari nung mapansing halos punuin na nito ang plato niya. "Ubusin mo yan, bad magsayang ng pagkain right young man" Nakangising tanong nito kay Laz na agad na tinanguan ng bata na mas lalong ikinangiti ni Zacharias sabay gulo muli ng buhok ng anak. Paingos si Esperanza dahil sa nakita bago pairap na umalis nalang dahil sa pagkairita ayaw na ayaw kasi talaga nito kay Mari ang Don naman ay nangingiting nanonood lang sa tatlo saka kontintong napabuntong hininga. "Mama ku anu ba!" Reklamo bigla ni Laz sa kalagitnaan ng pagkain. "Bakit? " Inosenteng tanong ni Mari habang tuloy pa din sa pagkain. "Nung baket lalagay mu pagkain mu sa akin sabi ni Papa ubusin mu yun" Giit nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa ina. Doon napalingon si Zacharias sa kanila busy kasi ito sa pagsasalin ng tubig nung patagong binawasan ni Mari ang pagkain sa plato niya at nilagay sa plato ni Laz. Tinitigan nito Zacharias si Mari "Ang dami kasi" Reklamo ng dalaga habang subo-subo pa ang kutsara. He find her cute especially when she was looking at him with helpless eyes while there's a spoon on her mouth, he can't but to smile stealthily. "Finish it" Utos niya sabay pitik sa noo nito, na mahinang ikinadaing ni Mari saka ang pagkalukot ng mukha niya medyo masakit kasi iyon. Rinig niyang napahagikhik si Laz kaya agad niya itong binalingan ng naguusig na tingin. Nagsimulang nanamang dumaldal si Laz kaya natagalan nanaman sila sa pagkain. ••• "You cook that's fine by me but stop doing what maids are supposed to do. Marikit I have ears I want these people to treat and respect you as my wife, you think I don't know how they mocked and be little you even after you become my wife, I can hear them I'll just appear oblivious to anything because I know you wouldn't like it if I were to act for your sake. You're my wife now, a Cervantes and not a maid always remember that" Seryosong sabi ni Zacharias. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong usapan gayong kanina lang ang balak ko lang nun ay maghugas pero hindi ako nito hinayaan pero nagpumilit pa rin ako kaya ito pinapangaralan na niya ako ngayon. "Here's the my card you can buy anything you and Laz need and want, don't hesitate you can spend all that money just do whatever you want. I'm going now, just be with Laz Marikit that's what you're supposed to do" Sabi nito saka hinalikan muna ako nito sa noo ko bago pumunta sa kinaruru-unan ni Laz na busy sa paglalaro ng mga laruan niya nagusap pa ang dalawa ng matagal di ko lang marinig dahil nasa kalayuan nila ako nakapwesto nung halikan na siya ni Laz sa pisnge ay saka na ito nagpaalam na para umalis. Tinanguan ko lang ito at si Laz naman ay nagwave dito saka hinatid nalang namin ito ng tingin. Ngayon kasi nito ihahatid sa airport si Matias at Alec dahil sa babalik na ito sa Manila. Ako naman ay ito nakaupo lang sa sala habang nakatingin lang sa naglalarong si Laz, kita ko sa pwesto ko sila Ate Hilda, Dedet, Darling at Aling Julieta na abala sa pagtatatrabaho ng kung saan kanya kanya silang nakatuka. Gustuhin ko mang tumulong dahil na hihiya at naiilang ako na wala man lang akong ginagawa pero baka malaman iyon ni Zacharias o di kaya ay maabutan niya ako baka mapagsabihan niya ako. Tama naman siya pangalan na niya ang dinadala ko isang malaking kahihiyan at tapak sa pagkatao niya kung ang asawa niya ay parang katulong lang kung ituring sa loob pa ng pamamahay niya. Nagpaalam sa akin si Laz na kukuha lang daw siya ng laruan, pumayag na ako dahil dito lang naman iyon sa baba ang kwarto kasi namin noon ay naging imbakan na ng mga laruan niya, alam nito na ayaw ko at ni Zacharias na nagkakalat ang laruan niya lalo na sa kwarto kaya marunong na itong magligpit ng mga laruan niya tinuruan ko na siya isang taong gilang palang siya. "Wow you seem quite comfortable sitting pretty there, doing nothing" Nanguuyam na sabi ni Donya Esperanza habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin habang nasa gitna pa ng hagdan dali-dali akong tumayo at napayuko. Ito yung kinakatakutan ko ang magkasarilinan kaming dalawa kilala ko si Donya Esperanza alam na alam ko din na ayaw nito sa akin at kayang-kaya nitong gawin lahat ng gustuhin niya sa akin. "Tumingin ka sa akin ipokrita, what? Nagmamalaki ka na dahil pinakasalan ka ng anak ko kaya hindi mo na sinusunod ang gusto ko! Ang kapal talaga ng mukha mo" Nanggagalaiting sabi nito kasabay ng mahigpit na paghawak sa panga ko para mapatingin sa kanya tahimik akong napadaing dahil bumaon sa akin ang mahahabang kuko nito. "Ito ang tatandaan mo hinding-hindi kita kilalanin na manugang hanggang sa huling hininga ng buhay ko, pinapangako ko na mapapaalis kita sa buhay namin, nagawa ko na iyon dati magagawa ko ulit ito ngayon. Wala kang karapatang dalhin ang apelyedong Cervantes, Ipokrita, oportunista manang-mana ka sa ina mong malandi! " Nanggagalaiting sabi nito sabay ang marahas na pagbitaw nito sa pagkakahawak sa panga ko na ikinatumba ko na malakas kong ikinadaing dahil na untog ang bewang ko sa edge ng mesa, madilim ang mukhang tinalikuran ako nito. Inangat ko ang ulo ko para pigilan ang luhang tumulo noon pa man hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang galit niya sa akin, kung ano ba ang nagawa kong mali para kaayawan at ipagtabuyan ako nito lagi rin nitong binabanggit si Nanay sa tuwing sinasaktan at nagagalit siya sa akin , kesyo mana da ako dito na malandi, mukhang pera, at kung anu-ano pang di kaaya-ayang pangalan. Napabuntong hininga ako at inayos ko agad ang sarili para hindi na mapansin ni Laz, ayoko ng gulo at ayokong iexpose at makakita ng ganon ang anak ko dahil baka kung ano pa ang maging epekto sa kanya, kung maaare lang ay puro tahimik at maayos na kapaligiran ang ipamulat ko sa kanya malayong malayo sa mga naging karanasan ko. Saktong tapos na ako sa pagaayos sa sarili ko nung lumabas si Laz at patakbong lumapit sa akin at pinakita ang laruan niya, tumatawa at tumatango lang ako sa mga kwinekwento nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD