Pagkatapos magalmusal ay si Senyorito Zacharias na ang nagpresintang magpaligo at magbihis kay Laz na masiglang pinahintulutan ng huli kaya wala na akong nagawa at pumayag nalang tumulong nalang ako sa pagliligpit ng hapag at paghahanda ng pagkain. Na kahit na ayaw nila ay wala na silang dahil nagpumilit ako.
"Kaya naman pala ang lakas ng loob magreyna-reynahan dito may alas pala" Maanghang na pagpaparinig ni Dedet. "Akala mo kung sinong maamong tupa at bait baitan kung umasta yun pala ay ambisyosang ahas" Dugdong pa nito saka tumawa ng may panguuyam. "Uyy Senyorita pwede mo ba kaming turuan ng ginawa mo para mapikot si Senyorito Zacharias malay mo makatsamba din kami ng mayaman pareho-pareho lang naman tayo dito. Sige na huh?" Sarkastikong sabi nito at puno ng panguuyam ang boses. Huminga muna ako ng malalim saka muling itinuloy ang paghihiwa.
"Hoy Dedet ano ka ba tumigil ka nga" Saway dito ni Ate Hilda at nung akmang may sasabihin pa ito ay hinawakan ko na ang kamay nito saka inilingan tinignan niya muna ako ng matagal saka mariing dinikit ang mga labi at bumalik sa trabaho niya.
"Bakit hindi ba kayo curious? Yung mga gantong kaganapan parang sa TV ko lang nakikita ah, posible pala yun sa totoong buhay yung hampas lupa nagpakasal sa isang mayaman tapos ay sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Pero may happy ending nga ba? Gayong hindi pa alam ni Donya Esperanza" Sabi nito, doon na ako nagtaas ng tingin saka pinukol ito ng masamang tingin habang ito ay nangaasar na nakakingisi lang.
Tinalikuran ko na siya at hinarap nalang ang kalan saka nagsimula ng magluto.
Kung may tao mang pinakaayaw akong makita dito sa mansyon si Donya Esperanza iyon.
Unang dating ko palang dito ay ipinangalandakan na nito ang pagkadisgusto sa akin nung una ay iniiyakan ko pa ang maanghang nitong patutsada at ang p*******t nito sa akin sa tuwing wala si Don Rafael pero nung kalaunan ay nasanay na din ako.
Doon lang talaga ako nakakahinga ng maluwag sa tuwing alam kong aalis ito at sasama kay Don Rafael o di kaya ay binibisita si Senyorito Zacharias sa Manila kung saan kadalasang mangyari.
Mas kaya ko pang tiisin ang mga pasaring ni Aling Julieta, Dedet at Darling kaysa kay Donya Esperanza. Nasanay na ako sa ganong buhay. Tanging si Ate Hilda at Don Rafael lang ang kakampi ko dito sa mansyon.
"Mama ku!"
Doon ako napabalik sa sarili ko dahil sa sigaw na iyon agad ko siyang nilingon kita ko na malawak itong nakangiti habang tumatakbo palapit sa akin.
Agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap saka pinaulanan ng halik na ikinahagikhik nito.
"Saglit lang po huh. Maluluto na 'to" Malambing kong sabi saka binuhat siya at pinaupo sa may upuan sa center island.
"Tingin ako Mama ku! Karga mu pu aku!" Maingay na sabi nito na ikinatawa ko at kinarga nga ito sa ka ulit hinalikan.
Isang banggit lang ng pangalan ni Donya Esperanza ay bumabalik ulit sa akin ang sakit ng nakaraan. Buti nalang at nandito si Laz, ang anak ko. Ang pinaka tamang nangyari sa buhay ko kahi Anong mangyari alam kong hindi na ako muling magiisa dahil kung iwan man ako ng buong mundo alam kong siya ang bukod tanging pipiliin akong makasama.
"Asan yung Papa mo?" Naitanong ko hindi niya kasi ito kasama, usually kasi laging magkasama ang dalawa kung nasaan si Laz nandoon din si Senyorito Zacharias.
"Doon pu May kausap sa celpon niya" Sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa niluluto ko. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at itinuloy na ang gumagawa.
•••
Pagkatapos nitong kumain ay muli itong naglambing at nagpakarga nanaman habang nakahilig sa may balikat ko at dumedede.
Ganong tagpo ang naabutan ni Senyorito Zacharias, lumapit siya sa amin at nilahad ang dalawang kamay.
"Let me" Mahinang sabi nito, inilingan ko siya.
"Mamaya na pagmahimbing na ang tulog" Mahinang sabi ko.
"He's heavy" Ani nito na ikinangiti ko.
"Alam ko, pero iiyak 'to pag hindi nakasiksik sa leeg ko" Sabi ko habang patuloy na sinasayaw si Laz.
Nung maramdaman ko ng mabigat na ang paghinga nito hudyat na mahimbing na ang tulog nito saka ko na ito ibinigay kay Senyorito Zacharias, maingat niya naman iyong dinaluhan at walang kahirap-hirap na kinarga si Laz hanggang taas habang ako ay nakasunod lang at minamasahe ang dalawang kamay at leeg ko namanhid na kasi.
"Do you always carry him like that when he's about to sleep" Curious na tanong nito.
"Oo. Kahit nung baby pa siya pero nitong mga nakaraang buwan madalang nalang mas gusto na niyang nakaakap at nakasiksik sa leeg ko, saka tinatapik-tapik ang pwetan" Naiiling na kwento ko habang marahang tinatiktapik ang pwetan ni Laz.
"It's amazing" Napatingin ako dito ng may pagtataka "You're so thin, I'm wondering how can you carry him like that for almost everyday" Patuloy nito sa sinasabi niya.
"Sanayan lang yan" Nasabi ko nalang.
Nung masiguro kong mahimbing na ang tulog ni Laz ay saka na ako lumabas si Senyorito Zacharias naman ay may tumawag ulit sa kanya kaya nauna ng lumabas para sagutin iyon.
Pagkababa ko nakita ko doon si Mother Ana kausap si Aling Julieta agad ako nitong tinawag nung mapansin ako nito.
"Mother Ana napasadya po kayo?" Agad akong nagmano dito nung makalapit ako.
"Naku iha ikaw talaga ang sadya ko, maaare ka bang makausap" Ani nito.
"Oo naman ho" Agad kong sangayon.
"Umupo muna kayo" Sabi ko sabay ang paggiya sa kanya papunta sa upuan.
"Iha dederitsahin na kita pwede mo bang ituloy nalang ang pagiging Reyna Elena mo? Wala na kasi kaming makuha dahil sa kulang na sa oras" Agad nitong sabi na ikinagulat 'ko.
"Huh? Pero may asawa na po ako" Alangang sabi ko.
"Naku ayos lang napagkasunduan na ito ng lahat, wala na kasi talagang oras" Nangugusap na ang mga mata nito at dahil nahihiya din naman ako ay tumango nalang ako.
"Ahh, sige po kung okay lang naman po" Tugon ko na ikinangiti nito.
"Naku iha maraming salamat talaga, si Laz nga pala?" Tanong niya
"Tulog na po eh" Bahagya itong nalungkot dahil sa sinabi ko.
Marami itong sinabi tungkol sa gagawin namin ni Laz sa Santa Cruzan nung matapos nitong masabi lahat ay saka na ito nagpaalam.
"Sige iha mauna na ako may lakad pa ako" Agad na paalam nito.
"Sige po magingat po kayo Mother Ana" Magalang na sabi ko nginitian niya ako saka naglakad na paalis.
Bahagya pa akong napaigtad nung may biglang magsalita sa likuran ko.
"Who was that?" Nilingon ko ito kita kong bahagyang nakakunot ang noo niya.
"Ahh si Mother Ana" Sagot ko
"Why is she here? " Muli nitong tanong.
"Ah... Ipinaalam niya kasi kung pwedeng ituloy ko nalang mag-reyna Elena sa Santa Cruzan. Pumayag na ako. Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sayo nung nakaraang linggo pa ako nakaoo doon eh" Alangang sabi ko baka magalit kasi ito sabihin na hindi ko man lang ipinaalam muna sa kanya bago ako nagdesisyon.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng tipid itong tumango at tumalikod paakyat na sana ito nung tinawag ko siya.
"Senyorito Zacharias" Tawag ko sa kanya "Ipagpapaalam ko lang sana kung pwede akong--"
Hindi ko natuloy ako sasabihin ko dahil pinutol ako nito "Hold on, what did you call me? " Salubong ang kilay na tanong niya.
"Senyorito Zacharias?" Naguguluhang ani ko.
"Come on, Marikit are you seriously going to call me that you're my wife now" Sabi nito na bahagyang ikinainit ng mukha ko at ikina sikdo ng puso ko.
"Huh? " Nasabi ko nalang.
He sigh "Call me by my name" Seryosong sabi nito na ikinalunok ko ng laway "Come on try it" Pagpupumilit nito.
"Za..Zacha...Zacharias" Utal na sabi ko na bahagya nitong ikinangiti.
"Better. Now, tell me" Sabi nito.
"Ahh pupunta lang ako sa bayan kukunin ko lang yung susuotin namin ni Laz sa Santacruzan nakakahiya naman kung ipapahatid ko pa dito malaking abala na iyon sa kanila" Ani ko na ikinakunot ng noo nito.
"You can let the maids do it" Swabeng turan niya na agad kong inilingan, kita ko ang mas lalong pagkunot ng noo niya.
"Wag na nakakahiya naman may bibilhin din naman ako saka saglit lang yun, tsaka kung pwede pabantay nalang kay Laz kung magising man siya" Sabi ko nagtagal muna ito bago sumagot.
"Okay" Tipid lang nitong turan.
"Salamat" Nakangiti kong sabi tumango lang ito at tumuloy na sa pagpanhik sa taas.
Agad na akong umalis pagkatapos kong magayos at magbihis.
•••
Malapit ng magdilim nung dumating ang ginang na nakapustura na agad na ikinagulat ni Julieta na papalabas palang sana para magtapon ng basura.
"Don... Donya Esperanza!" Gulat na bulalas niya. Hindi siya pinansin ng ginang at tuloy-tuloy lang na pumasok sa mansyon.
Di pa nga siya nakakapasok ay rinig na rinig na niya ang hagikhik at hiyaw ng bata at ang halakhakan ng dalawang taong kilalang-kilala niya.
Pagpasok niya kita niya ang tumatakbong bata habang hinabahabol ni Zacharias at and tumatawa na si Rafael habang nanonood.
Pumalalakpak pa ng dahan-dahan pero malakas para makuha ang atensyon ng mga ito, nagtagumpay naman siya dahil sa sabay-sabay itong lumingon sa direksyon niya.
"So it's true you have a bast--"
"Ma!" Maagap na sigaw ni Zacharias dahilan para di matapos ang sasabihin ng ina.
"What? Where's that b***h?!" Inis na nitong tanong. Doon napatayo si Rafael.
"What are you doing here?" Malamig na tanong nito sa asawa.
"What? I can't go home in my own house now my dear husband" Nakangising lumapit pa ito sa asawa bago muling tinignan si Laz na dali-daling nagtago sa likod ng ama.
"What do you want Ma?" Blanko ang mukha na tanong ni Zacharias.
"What? I just want to meet your wife, Amy called me while crying, telling me that you married another woman because she has your child. I just want to see that gold digging b***h" Nanguuyam na ani nito na ikinasingkit ng mata ni Zacharias.
"Stop cursing my wife most especially if my child is here" Mahina ngunit may diin na sabi nito
"Your wife? I can't believe you're taking it seriously than I expected" Yamot at kunot na kunot ang noo na angil nito.
"She's my wife now of course it's serious" Swabeng sagot lang ni Zacharias na mas lalong ikinainis ng Donya.
"What the hell Zac! Are you out of your mind?" Gigil nitong sikmat hindi iyon pinansin ni Zacharias at akmang hahawakan na si Laz para igiya paakyat nung sumagaw ito.
"Mama ku!" Sigaw nito sabay nagtatakbo papunta kay Mira at yumakao sa mga binti nito habang ang dalaga ay gulat na gulat lang habang nakatingin sa Donya.
"IKAW?! " Halos lumabas ang litid na sigaw ng Donya habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
Mabibigat ang hakbang nalumapit ito kay Mira saka malakas sa sinampal hindi agad nakakilos si Rafael at Zacharias sa gulat "Ang kapal din naman ng mukha mong malandi ka! Pinikot mo pa ang anak ko!" Histirikal na singhal hito habang sinasabunutan ang babae, tahimik na napadaing si Mira nang biglang mapasigaw ang ginang at binitawan siya dahil sa kinagat nito ang kamay dahilan para mabitawan nito si Mira.
Inis na sinamaan niya ng tingin ang bata na ngayon ay nanlilisik din ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
Maagap itong pumunta sa harapan ng ina na parang prinuprutektahan nito gamit ang maliit na katawan "Bad ka! Alis ka dito!" Galit na galit na sigaw nito habang nanlilisik pa dinang mata na nakatingin sa kanya napamaang naman ang si Esperanza dahil doon maging si Rafael at Zacharias.
"Lazarus! Tumigil ka mas matanda pa rin yan sayo" Saway ni Mira na ikinalukot ng mukha ni Laz.
"No! Bad siya, saktan ka niya! Galit si Laz sa kanya!" Yamot na yamot na bulyaw niya saka hiwakan ang kamay ng ina at hinila na. "Tara na Nanay akyat na tayo!" Animo matanda na utos nito bago tumalikod at muli niyang pinukol ng matalim na tingin ang ginang saka muling hinila ang ina paakyat, agad na sumunod si Zacharias sa kanila.
Ang ginang naman ay nakaawang lang ang bibig at di makapaniwala sa nangyari parang binuhusan siya ng malamig na tubig nung makita ang pagtagis ng bagang nito at ang matalim nitong tingin pamilyar na pamilyar iyon sa kanya it was like Zacharias and Rafael in a kid body. Nanghihinang napaupo nalang ito dahil sa na reyalisa.
She was kinda skeptical about that child but now it's crystal clear that he was really a Cervantes, that temperament and face alone was already an evidence that he's a Cervantes.
Iiling-iling na tinignan siya ni Rafael saka nagpatiunod na paakyat.
"Lazarus mali yung ginawa mo kilala mo ba kung sino yun? Siya yung Mama ng Papa mo, asawa ng paps mo iyon, lola mo dapat igalang mo siya" Mahinahong sabi ni Mari na masunuring lalong ikinasimangot ni Laz.
"No! Bad siya!" Busangot na palatak nito.
"Lazarus" Timping sabi ni Mari.
"No! Ayoko sa kanya bad siya!" Matigas ang ulo na singhal muli nito napabuntong hininga si Mari at saka pinangko ang anak at marahang hinmas himas ang buhok nito.
"Shh wag kang magsalita ng ganyan diba good boy ka? Wag mo ng uulitin yun baby" Malambing na panunuyo nito sa anak lumambot na ang ekspresyon nito at napanguso na.
"Pero saktan ka niya Mama ku" Mahinang sabi nito habang nakatingin sa ina.
"Hindi masakit, tsaka nandiyan ka naman hindi na uulit yun takot niya lang sayo, wag mo ng uulitin yun baby huh ayaw ni Mama sa bad na kid" Panguuto ni Mari dito na bata.
"Opo" Magalang na sagot nito.
"Promise?" Sabi ni Mari sabay taas ng kamay habang nakabukas ang hinliliit na daliri.
"Promise po" Mabilis na tugon ni Laz saka binilingkis ang hinliiit niyang daliri sa ina.
Malawak na napangiti si Mari saka malambing na hinilig ang ulo sa ulo ng bata "Hmm. Ang bait talaga ng baby ko" Napahagikhik si Laz dahil sa pagkakiliti sa ginagawa ng ina.
Rinig na rinig ni Zacharias ang usapan ng mag-ina hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatingin sa dalawa.