Dahan-dahan niyang inilagay si Laz na pipikit-pikit na sa kama niya at dahil sa tinawag ako ni Laz wala na akong nagawa kundi ang tabulihan ito at ibigay ang chupon niya gaya ng lagi kong ginagawa tinapik-tapik ko lang ang pwetan niya hanggang sa maramdaman kong bumigat na ang paghinga niya ni hindi man lang nito naubos ang gatas niya.
Agad kong hinubaran si Laz at pinunasan hindi na kasi ito nakapagbihis naawa naman ako kung pipilitin ko pa siyang maglabar.
"Here, it's new I brought it for him" Sabi ni Senyorito Zacharias habang nakalahad ang kamay hawak nito ang bagong terno na pajama. Nagpasalamat aki at binihisan na si Laz. "Ipapakuha ko nalang lahat ng gamit niyo para iakyat sa taas" Imporma nito habang hinuhubad ang damit niya na agad kong ikinaiwas ng tingin.
"Sa tingin ko hindi naman na kailangan na magsama tayo sa iisang kwarto" Sabi ko dito habang nililibang ang sarili ko sa pagaayos ng unan ni Laz.
"We're husband and wife now tama lang na magsama tayo sa iisang kwarto, you see I'm planning make this marriage work, so can you please cooperate with me, this is for Laz" Ramdam ko ang sinsiridad sa boses niya kaya nung magangat ako ng tingin ay nakita kong nakatitig din siya sa akin. Napapikit muna ako at napabuntong hininga, saka ko inayos ang tayo ko at direkta siyang tinignan.
"Sige para kay Laz subukan natin, payag ako gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting asawa sayo. Pero sa isang kondisyon" I said sincerely, matagal ko nang parangarap magkaroon ng buong pamilya yung kahit simple lang basta buo pinaparangarap ko ding makatagpo ng lalaking mamahalin ako at yung responsabling tao at yung mapagmahal na asawa at magulang. Pero nung dumating si Laz sa buhay ko dahil sa isang napakagandang pagkakamali na nangyari noon ay winaglit ko na sa isipan yun dahil alam ko sa sarili ko na yung sa amin ni Senyorito Zacharias ay napakaimposible kaya umalis ako. "Pwede bang wag lang ikaw lagi ang nasusunod pakinggan mo naman ako kahit minsan, hindi lang puro ikaw ang nagdedesisyon, pwede bang na tanungin mo muna ako hindi yung basta ginugulat mo nalang ako" Pagpapatuloy ko.
"Okay I'll try--"
"Wag mo lang basta i-try gawin mo" Pagpuputol ko sa sasabihin nito.
"Okay I'll do that. I'm going to freshen up how about you?"
"Sa baba nalang ako nandoon pa mga gamit namin sa baba"
"It's already here pinakuha at pinaayos ko na"
"Sige katapos mo nalang"
Pumasok na nga siya sa banyo habang ako ay kinakabahan at parang tanga na kung anu-ano na ang naiimagine ko di ko alam kung ano ang ikikilos ko naaw-awkward ako sa sitwasyon napakabilis ng mga pangyayari ni hindi ko man lang nahanda yung utak at sistema ko.
Nung lumabas siya ay lihim akong huminga ng malalim para i-compose ang sarili ko saka dumaan sa harap niya. Humahalimuyak ang amoy nito sa buong kwarto ang sarap sa ilong ng amoy na pamilyar na pamilyar sa akin umiling-iling nalang ako para mawala ang alala sa utak ko. Sinimulan ko na ang routine ko.
Pagkalabas ko ng banyo kong nakahiga na si Senyorito Zacharias sa malapad niyang kama at ang isang kamay ay nakatangday kay Laz.
Gusto ko sanang lumabas pero nakapangako na ako na magiging asawa ako sa kanya ang weird naman nun kung hiwalay kami ng kwarto.
Muli akong nagbuntong hininga saka humiga na, kanina pagod na pagod at antok na antok na ako pero ngayon parang buhay na buhay na lahat ng hormones ko at hindi ako makatulog.
Tumagilid ako para lingunin si Laz gaya ng lagi kong ginagawa para makatulog ay sinayad ng mga daliri ko ang lahat ng parte ng mukha nito napatingin ako kay Senyorito Zacharias na ngayon ay nakapikit.
"Ang daya talaga ako nagpakahirap sa pagbubuntis at pag-ire bakit wala man lang nakuha sakin 'tong pasaway na 'to" Mahinang bulalas ko palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Laz at Senyorito Zacharias na pati ang nunal sa ibabang mata ay kuhang-kuha.
Nagulat ako nung bigla itong magsalita.
"I heard na kung sino ang kamukha nung bata yun daw ang mas nag-enjoy" Sabi nito habang nakapikit pa "Maybe that night I'm the one who enjoyed it the most" Bigla itong nagmulat ng mata habang matamaang nakatingin sa mata ko.
"Gising ka pa?" Parang tanga kong tanong dahil sa pagkabigla.
"I can't sleep, you too right?" Mahinang sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin agad akong napatihaya sa paghiga para hindi ko na makasalubong ang mga mata niya ramdam ko pa rin ang titig niya hanggang sa marinig ko ang pagbuntong hininga nito saka gumaya ng katulad ng pagkakahiga ko. "Can you tell me about Laz habang pinagbubuntis mo siya at hanggang sa pinanganak siya. Why did you name him Lazarus?" Seryoso nitong tanong.
"Si Don Rafael nakwento niya sa akin noon gusto niya daw na pangalan sa susunod sana niyang anak na lalaki ay Lazarus at pagbabae naman daw Mary Atarah may Zacharias na daw eh na first choice niya talaga. Kaya nangako ako sa kanya na yung magiging unang anak ko papangalanan ko ng Lazarus pag lalaki o Mary Atarah pagbabae" Pagkwekwento ko, pansamantala muna itong nanahimik kaya pinakiramdaman ko lang siya.
"It's a beautiful name actually I like it" Sensiro nitong komento muli akong nagbuntong hininga bago magsalita.
"Si Laz pinaglihi ko sa gatas lahat ng pagkain isinasawsaw ko sa gatas yun lagi yung hanap ko" Pagkwekwento ko.
"Was it hard?" Tanong niyang muli doon na ako napatingin sa kanya bahagya pa akong nagulat dahil nakatingin na din pala siya sa akin nagsabay lang kami sa pagalingon.
"Hmm. Oo mahirap, nahirapan talaga ako ng sobra pero nung makita ko na si Laz naging worth it ang lahat, yung unang silay ko sa kanya at nung magarga ko siya ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko" Bahagya pa akong napangiti habang sinasabi yun saka sinulyapan si Laz na nasa gitna namin at payapang natutulog.
"Wow. I wish I was there, I wish I was with you two throughout the journey" May bahid ng lungkot na sabi nito, kaya muli akong napatingin sa kanya, nakatingin na ito kay Laz ng may lungkot sa mata. "Why didn't you tell me? Or did you ever have a plan to tell me?" Tanong nito ng walang haling panunumbat yung parang curious lang talag, humugot muna ang ng malalim na hininga bago siya sagutin.
"Gustong-gusto kong sabihin sayo lalo na nung umaabot ako sa punto kung saan pinakamahirap at gustong-gusto ko ng sumuko, pero baka itakwil mo ulit ako, kami. Mas masakit yun sa akin at sa anak ko, ayokong maranasan niya yun" May pait na sabi ko.
Panandalian siyang natahimik. Ayoko na sanang ungkatin ang nakaraan pero hindi ko parin maalis yung sakit eh.
"Am I really that bad in your eyes?" Sabi nito, nanahimik lang ako dahil hindi ko alam ang tamang sabihin ng magsalita ito muli. "I'm sorry for being such a jerk, I'm sorry for not being there by the time where you need me the most. Now that I'm here I'll make it up for you two, I'll do all the work now, I'll provide both of you in anything you want, you don't have to work now, I'll do all that. Hayaan mo akong bumawi" He said in a smooth and sincere voice. Kahit napakit ako ramdam ko ang titig nito sa akin hanggang sa ginapi na nga ako ng antok.
•••
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na ang mag-ama ako nalang mag-isa sa kama pagkatingin ko sa orasan.
"Magandang Umaga Senyorita at mukhang napagod ka dahil tanghali ka na magising" Nangaasar na salubong sa akin ni Ate Hilda. "Ano masarap ba" Makahulugang sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko at pinanlakihan siya ng mata "Ang tulog mo? Ikaw huh ang dumi ng utak mo" Dugtong nito sabay ang nagaasar na halakhak, napailing nalang ako dahil sa kalukuhan nito.
"Si Laz?" Tanong ko
"Sa swimming pool sila nina Senyorito" Nagpasalamat ako dito saka naglakad patungo doon.
"I'm planning to take the position that you've offered be and I also plan to bring Marikit and Laz along with me" Rinig kong sabi ni Senyorito Zacharias.
"Sa Manila na kayo titira?" Tanong naman ni Don Rafael.
"Yeah" Sagot ni Senyorito Zacharias. Pareho sila magkaharap lang pero di nagtitinginan dahil na kay Laz lang ang mga mata nila na rinig na rinig ko ang hiyaw at hagikhik sa pwesto ko.
"I know that's the right thing to do, whenever you go, your family should always be with you. Nakakalungkot lang dahil talagang mamimiss ko si Mari at Laz"
"You're over reacting we can visit you every weekend and you can also visit us"
"Oo nga pero iba pa rin yung nakakasama ko kayo"
"Stop being so cheesy Dad" Naiiling na sabi ni Senyorito Zacharias. Nang hindi ko na marinig na nagsalita pa sila ng ilang minuto ay saka na ako lumabas.
Siguro naramdaman ni Don Rafael ang presensya ko kaya napalingon ito sa akin.
"My daughter in law! Good Morning!" Nangingiting salubong nito sa akin, naagad kong ikinailang.
"Good morning din po" Sagot ko at limapit dito.
"You can call me Dad now iha" Marahang niyakap agad ako nito habang sinasabi yun. "Come on iha are you planning to continue addressing me Don Rafael" Nagtatampong sabi nito ako naman ay ilang ko siyang tinignan, kalaunan ay nagbuntong hininga din ito. "I won't force you iha, I know you are feeling awkward now, but at least try it okay? Did you have your breakfast already?" Pagiiba nito ng usapan.
"Hindi pa po balak ko po kasi sana puntahan si Laz" Akmang aalis na ako nung pigilan ako ni Don Rafael.
"Naku kanina pa kain ng kain yang anak mo, ikaw kumain ka na lang" Sabi nito at bigla nalang akong marahang inakay sa tabi ni Senyorito Zacharias. "Dedet magdala ka nga dito ng pagkain" Utos ni Don Rafael akmang aalma na ako nung pinigilan ako ni Don Rafael sapamamamagitan ng pagpatong ng kamay nito sa balikat ko. "Just sit and relax iha I know you're still exhausted" May mapaglarong ngiti na sabi nito habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Senyorito Zacharias. Nagtatakang napatingin ako dito nung biglang sumisigaw na lumapit si Laz.
"Mama ku!!! Good morning po!" Masiglang bati nito sa akin.
"Teka wag ka munang lumapit basa ka, mababasa mo ko" Saway ko pero parang wala lang itong narinig at agad lang na yumakap sa may binte ko.
"Mama ku miss pu kita, di mu aku miss?" Nakangusong sabi nito.
" Tse wag mo akong daanin sa pagpapacute mo Laz pulang-pula ka na ang taas na ng sikat ng araw" Palatak ko dito habang pinupunasan ito.
"Ehh ngayon nalang aku liligo sa pool ulit Mama ku" Ungot nito, yumuko ako para pantayan ang mukha niya at sakw ko piningot ang ilong nito agad naman itong nagsisisgaw na ikinangisi ko.
"Ano Hihirit ka pa Lazarus?" Nangaasar na sabi ko dito na mas lalo niyang ikinanguso saka ako pinukol ng masamang tingin habang hinihimas ang ilong.
"Wag mo na siyang pagalitan kasalanan ko" Sabat naman ni Don Rafael.
"Ito nanaman kayo kinukunsinte niyo nanaman 'tong bubwit na 'to" Sabi ko dito saka ko na kinarga si Laz na nakabusangot na.
"Yow! Good morning Mrs. Cervantes" Bati ni Alec sa akin na may kasamang mapaglarong ngiti. "Did you enjoy your wedding night or was he too rough that-ohh" Namimilipit na angil nito nung bigla siyang sikuhin ni Senyorito Zacharias sa tiyan kasabay ng nakakamatay na tingin.
"You son of a... Stop spouting nonsense while my son is around" Madiing sabi nito sa kaibigan at saka tumayo at lumapit sa pwesto ko. "Give Laz to me, I'll take care of him, finish your breakfast first" Sabi nito sabay kuha kay Laz na susubuan ko palang sana ng kanin.
"Nu ba?! Kakain tao ih! " Asar na sikmat ng bubwit at ang ama naman ang tinapunan ng masamang tingin na nagpipigil ng tawa dahil sa pagmamaktol nito.
"Stop pouting and let me feed you big guy" Natatawang sabi ni Senyorito Zacharias sa anak dahil doon ay lumambot na ang ekspresyon ni Laz at binuka ang bibig ni parang nagpapasubo natatawang ginulo naman ni Senyorito Zacharias ang buhok nito saka na ito umupo at kinandong si Laz at magiliw itong sinubuan.
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko hindi ko inexpect na ganitong tatay pala si Senyorito Zacharias, akala ko talaga hindi niya 'to matatanggap pero ito siya ilang araw palang silang magkasama ay close na agad sila at parang hindi nagkawalay.
Kung sinabi ko kaya noon sa kanya ganto pa din ba ang pagtanggap niya kay Laz? Sa amin?
Kita kong tumingin ito sa direksyon ko saka ako binigyan ng matamis na ngiti doon parang huminto ang oras biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang may paru-paru na kumikiliti sa tiyan ko.