Dumating na nga ang araw ng kasal it was just an intimate garden wedding, bilang na bilang lang yung bisita si Don Rafael, Laz at dalawang kaibigan ni Senyorito Zacharias nakakarating lang kahapon tapos yung iba ay ang mga kasama na namin sa bahay.
Pagkatapos akong ayusan ay pinasuot niya nila sa akin yung dress. Simple lang din iyon medyo revealing nga lang si Senyorito Zacharias ang pumili nito, tube bodycon mini dress ang pinili niya at ang mas nakakagulat pa ay sukat na sukat iyon sa akin at pinaresan iyon ng white stilettos.
Nakababa lang yung buhok ka at bahagya lang nilang kinulot yung dulo simple lang din yung make up tapos sinuot na din nila yung belo na hanggang sa bewang ko tapos binigay na nila sa akin yung bouquet ng white rose.
"Ayan Ma'am ang ganda-ganda niyo tiyak na maglalaway sa inyo si Sir" Masayang sabi nung isa sa nagayos sa akin Jane ata pangalan niya, bginitian ko lang siya. Medyo ilang ako sa damit at sapatos ko parang mahuhubaran ako at napakataas din ng sapatos pero komportable naman.
"Ready na po kayo Ma'am magsisimula na po tayo nandoon na po ang lahat" Imporma nung event organizer. Doon ako nagbuntong hininga ng malakas, ngayon na ako nakaranas ng kaba, hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko napakabilis ng lahat ni hindi tinanong ni Senyorito Zacharias ang opinion ko, hindi naman ako pwedeng magbackout kasi baka magalit ito at kunin nga sa akin ang anak ko. Bahala na nga.
Si Don Rafael agad ang sumalubong sa akin at niyakap ako naluluha pa siya.
"Napakaganda mo iha" Puri nito sa akin naikinahiya ko.
"Si Laz po?" Tanong ko.
"Na kay Zacharias. Di ako makapaniwala after this you'll officially be my daughter. Pero iha ayos lang ba sayo 'to" Nagaalalang tanong ni Don Rafael binigyan ko siya ng isang ngiti at tinanguan. Siguro okay na rin 'to alam ko namang andyan lang si Don Rafael at hindi niya ako papabayaan isa pa magiging tatay ko na siya sa batas at si Laz magkakaroon na din ng buong pamilya na ni sa panaginip ay hindi ko alam na posible pala.
Isinukbit na ni Don Rafael ang kamay ko sa may braso niya.
"Can I do the honor to walk you down the isle?" Tanong ni Don Rafael, doon na tuluyang tumulo ang luha ko.
"Oo naman ho, maraming salamat po sa lahat-lahat" Madamdamin kong sabi agad na pinunasan nito ako luha ko gamit ang isang kamay.
"Stop crying iha ang baka mabura yung make up mo" Marahang sabi nito pero umiiyak na din siya na ikinatawa ko pasimple niyang pinahiran yung luha niya. "Tara na nga baka mainip na ang dalawang bugnutin" Ani nito na agad kong tinanguan.
Hindi muna kami tuluyang pinalabas sa venue may entourage pa kasi at nung tumugtog na two becoming one.
Pag-angat ko ng tingin nakita ko agad ang magama na parehong-pareho ang ayos mula ulo hanggang paa. Pareho silang naka black tuxedo at ang white long sleeve sa loob ay nakabukas ang dalawang butones, nagulat din ako dahil kita kong ginupitan na ang mahaba niyang buhok na ngayon ay nakaayos ng katulad na katulad kay Senyorito Zacharias, ang gwapo nila pareho at hindi maipagkakailang mag-ama nga sila dahil sa magkamukhang-magkamukha talaga sila. Sabi ko na nga ba kaya ayow kong pagupitan si Laz dahil mas lalo lang magpaghahalataan ang pagkakaparehas nila.
Here's my hand, its yours to hold
I give my self to you
Here's my heart, please make it yours
I give my love to you
Nagsimula na ang tutog at siniyasan na kami ni Don Rafael na magsimula ng maglakad. Lahat ng atensyon ay nasa akin kaya di ko maiwasang mailang buti nalang at nandito si Don Rafael pinapalakas ang loob ko sa simpling paghawak nito sa kamay ko.
We are two becoming one
Here I am, here's all of me
You have all that once was mine
And here's my promise
I'm yours to hold
I'll stay here by your side
We are two becoming one
We are two becoming one
May what he's joined be not undone
May our love put christ on display
Pagak nalang akong napangiti sana totoo ang sinasabi ng kanta. Napatingin ako sa dereksyon nila Senyorito Zacharias nakasalubong ko ang maiinit nitong tingin blangko ang ekspresyon nito habang matamaang nakatitig sa akin hindi mo iyon kababakasan ng kahit na anong emosyon. Iniwas ko agad ang tingin sa kanya at tinuunan nalang ng pansin si Laz na masayang nakangiti sa tabi ni Senyorito Zacharias.
When we're weak and when we're strong
When its hard to carry on
Oh, God we want your love on display
We are two becoming one
Here's my life, I lay it down
I give up myself for you
And here's my will I submit to you
I Will follow where you lead
We are two becoming one
Sure we are two becoming one
May what he's joined be not undone
May your love put Christ on display
Saktong natapos nung makarating ako sa kanya.
"Wow! Mama ku sobrang ganda niyo po!" Manghang bulalas ni Laz na ikinangiti ko at bahagyang yumuko para mahalikan ko ang pisngi nito namiss ko siya simula kasi kanina hindi ko siya nakita.
"Ikaw din ang pogi pogi mo baby ko" Paglalambing ko sa kanya saka marahang hinaplos ang nakaayos niyang buhok.
"Wag ka galit sa akin! Gupit nila buhok ko Mama ku si Tito Zac may kasalanan!" Mabilis na paliwanag nito saka pinukulan pa ng masamang tingin si Senyorito Zacharias.
"Papa. Papa na itawag mo sa kanya" Kunot ang munting noo nito dahil sa sinabi ko.
"Baket naman? "
"Kasi siya yung Papa mo" Sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya at napatingala kay Senyorito Zacharias na may malambot na ekspresyon habang nakatingin din kay Laz "Sige na sama ka na sa Paps mo" Pagpuputol niya sa pgatititigan nito tumikhin na kasi si Father Seb.
"Alagaan mo siya Zacharias" Bulong pa ni Don Rafael na narinig ko din bago pumunta sa upuan nila habang hawak ang kamay ni Laz.
Isinukbit ni Senyorito Zacharias ang kamay mo sa braso niya saka kami naglakad malapit sa altar, napakasimple lang ng venue pero maganda ang pagkakaarrange punong-puno ng white roses ang paligid habang ang mga bisita ay mga nakawhite tanging si Senyorito Zacharias lang at Laz ang hindi iyon kasi ang gusto ni Senyorito Zacharias white nalang.
Nagsimula na ang seremonya hanggang sa dumating na nga sa part kung saan kung saan kailangan ng itaas ni Senyorito Zacharias ang belo dahil sa kiss the bride na.
Pagkaangat nya belo ko ay muling nagtagpo ang aming mga tingin kita ko na napatingin ito sa mga labi at ang paggalaw ng adams apple nito saka muling ibinalik ang mga tingin sa mga mata ko.
Nagulat nalang ako ng walang babala niyang hapitin ang bewang ko at saka siniil ng halik sa labi medyo nagtagal iyon nanlalaki pa rin ang mga mata ko nung bumitaw siya saka ang palakpakan ng bisita.
Agad na lumapit sa akin si Laz at nagpakarga saka sinamaan ng tingin si Senyorito Zacharias at nagsumiksik sa leeg ko, nagtatanong ang mga tingin ni Senyorito Zacharias sa akin nagkibit balikat ako dahil maski ako ay di ko alam kung anong problema ng bubwit.
Nawala ang atensyon namin pansamantala kay Laz nakarga karga ko nung pumunta sa amin ang dalawang bisitang kaibigan ni Senyorito Zacharias. Nakita ko si Don Rafael na kausap pa ang ibang bisita at si Father Seb.
"Man I can't believe it you're married and now you're a father? What the hell?" Sabi ng lalaki na isa sa mga kaibigan ni Senyorito Zacharias, nagnakaw pa ito ng tingin kay Laz na ngayon ay nakasiksik pa rin sa leeg ko at nakayaakap, magkasingtangkad at magkasingkatawan lang sila ni Senyorito Zacharias at para itong modelo sa mga sikat na magazine at ang ganda ng abuhing mata nito mukhang banyaga at ang mas nakadagdag sa appeal nito ay ang morenong balat si Senyorito Zacharias kasi ay mestizo na namana rin sakanya ni Laz ako kasi morena did.
"And you really got a gorgeous wife, you a lucky bastard" Untag pa ng isa pang kaibigan ni Senyorito Zacharias. Ang hunk din nito parang isang model sa sikat na magazine, magkasingtangkad at katawam lang silang tatlo ang pinagkaiba lang ay kung ikukumpara mo sa dalawa mas mukhang mas madali itong pakisamahan kaysa sa dalawa dahil sa awra nito. Siguro requirement sa kanilang magkaibigan ang dapat hunk, gwapo at matangkad. "Hi I'm Alec Guevara and that is Matias Montefalco" Nakangiting pakilala nito sa akin at sa kaibigan niyang may abuhing mga mata.
"Marikit. Mari nalang" Nakangiting pagpapakilala ko din at agad na inabot ang kamay nito.
"This is Lazarus. Lazarus Cervantes" Bakas ang pagmamalaki sa boses ni Senyorito Zacharias habang pinapakilala si Laz. "Laz, anak this is your Tito Matias and Tito Alec they're my friends" Malamyos ang boses na sabi ni Senyorito Zacharias kay Laz pero sinungitan siya ng bata at biglang iniba ang direksyon ng ulo kung saan kabaliktaran sa pwesto kau Senyorito Zacharias, nangaasar na napaungol si Alec na agad na pinukol ni Senyorito Zacharias ng nagbabantang tingin.
"Nak may problema ba? Kaya ka ba nagkakaganyan kasi ngayon lang namin sinabi sayo na siya ang Papa mo?" Pilit mong pinaharap sa akin ang ulo at tinignan siya ng matamaan. "Nak" Mahinahong tawag ko dito nung di ako nito sinagot kanina, kita kong humaba ang nguso.
"Kase pu siya ni-eat niya pu lips mu Mama ku. Saket pu ba? Bad si Papa, Mama ku di natin siya bati" Medyo galit na sabi nito at pinukol pa ng masamang tingin si Senyorito Zacharias saka hinimas ng maliit niyang hinlalaki ang labi at nagaalala akong tinignan, bumulinghit ng tawa ang dalawang kaibigan ni Senyorito Zacharias habang sumama naman ang timpla ni Senyorito Zacharias, ako naman ay namula ang buong mukha ko dahil sa hiya.
"Anak it was a kiss, I didn't eat your Mama's lips, I'm sorry, di na ko na uulitin and I assure you your mama is okay, right?" May lambing na ani nito at tinignan pa ako para magpatulong. Tumango ako bago magsalita.
"O..okay lang ako, bati na kayo ni Papa mo, ayos ba yun anak?" Bahagya pa akong nautal habang sinasabi yun.
"Come here son, mabigat ka na di ka na kaya ng Mama mo" Sabi ni Senyorito Zacharias at nilahad pa ang dalawang kamay, nagtatanong tinignan muna ako ni Laz, tinanguan ko ito. "Let's eat. Are you hungry?" Tanong ni Senyorito Zacharias habang karga si Laz, tumango-tango ang bata.
Nagulat ako nung ilagay ni Senyorito Zacharias ang kamay niya salikod ng bewang ko habang karga si Laz sa kabilang kamay at giniya kami nito sa dining room nakasunod lang ang dalawang kaibigan ni Senyorito Zacharias sa likod. Sumunod ma din sina Don Rafael.
Pagkarating namin sa dining room ay nakalatag na lahat ng pagkain sa mesa pinagitnaan namin ni Senyorito Zacharias si Laz. Humiling pa saakin si Laz na magsasarili nalang siya na sinigundahan pa ni Senyorito Zacharias kaya pumayag na ako.
Apat yung bisita ni Don Rafael sila yung naging ninang at ninong namin sa kasal at witness na din. Puro bati, papuri at payo ang naging usapan tahimik lang ako at pangiti-ngiti lang, si Laz yung madaldal ang daming kwento at mukang tuwang-tuwa sa kanya ang mga bisita. Hanggang sa matapos kaming kumain at maggagabi na din nung nagpaalam na din sila pwera sa dalawang kaibigan ni Senyorito Zacharias dito muna handa na nga din ang guess room na tutulugan nila.
Pagod na pagod ako kakangiti at ngawit na ngawit na din ako sa sapatos. Tutulong na sana ako sa pqgliligpit nung tawagin ako ni Senyorito Zacharias inaantok na daw si Lazarus. Kunuha ka na muna ang chupon niya at tinimplahan iyon. Pagkatingin ko sa kanila ay pareho silang nakaupo lang sa mahabang sofa sa sala at parehong tinanggal na ang coat.
Kinarga ko na si Laz at akma sanang papasok kami sa kwarto namin nung biglang magsalita si Senyorito Zacharias.
"Where are you going?" Tanong nito
"Sa kwarto" Nagtataka ko namang sagot.
"Your room will be in my room. Follow me" Biglang sabi nito na ikinatigalgal ko hindi ako nakapagreklamo dahil bigla nitong kinuha si Laz sa akin at hinawakan ang kamay ko saka hinila papasok sa kwarto niya.
•••
Used Song: Two Becoming One by Jonathan and Emily Martin