Chapter 9

2275 Words
"Laz! Asan si Laz? Anong ginagawa mo dito?" Agad kong bulalas pagkagising na pagkagising ko naramdaman ko kasi na wala ito sa tabi at pagtingin ko ay nandoon si Senyorito Zacharias at nakayuko para ilagay sa side table ang pagkain na dala nito, nilingon agad ako nito. "You should eat first, here" Sabi niya sabay lahad nung mangkok na may sopas at akmang isusubo na sa akin ang kutsara na may lamang sopas ay agad akong umiwas. "Asan nga si Laz?!" Muling tanong ko habang pinupukol siya ng masamang tingin. "Don't worry he's in my room, baka mahawa siya sayo kaya sa room ko na muna siya, he also said that I should take care of you in exchange hindi siya magpapasaway. Nagaalala na sayo ang anak natin so please stop being so stubborn and eat this" Parang tatay na pangaral nito sa akin habang nakalahad parin ang kutsarang may sopas. Mabigat man sa pride ko ay sinubo ko iyon at balyang inagaw sa kanya ang mangkok at kumain na ako hanggang sa maubos ko iyon, inabot pa niya sa akin ang tubig at gamot ko di na ako umangal pa at ininom na iyon. "Gusto kong makita si Laz" Biglang sabi ko nung malagay na nito muli ang mga ginamit ko sa side table. "You can if you don't have fever already. Now sleep" Utos nito hindi ako nagsalita tinignan ko lang siya habang kinukuha ang mga pinagkainan ko at akmang aalis na ito ng marahan kong hinawakan ang laylayan ng damit nito kaya napatingin ito sa akin. "Please wag mong ilalayo sa akin ang anak ko hindi ko kakayananin" Basag na ang boses ko habang nangungusap na nakatingin sa kanya kita ko ang bahagyang paglambot ng ekspresyon niya. "Anak natin" Pagtatama nito sa akin at iniemphasize pa ang 'natin'. "Stop being so paranoid from what I observed Laz can't also live without you, even if I really want to, I'm certain that Laz would only hate me so I won't ever do that" Pagaassure nito sa akin saka umalis doon lang ako nakahinga ng maluwag. ••• Third Person's POV "Dad can I talk to you?" Seyosong sabi ni Zacharias sa ama kaya itinigil muna ni Rafael ang pagbabasa ng mga reports, sa lounge area sila ng opisina ni Rafael naupo. "Laz is my child" Deretsa at walang latumpik tumpik na sabi ni Zacharias matapos ang mahabang katahimikan. "What are you going to do now then?" Seryosong tanong ni Rafael na hindi mo kababakasan ng kahit na anong reaksyon, si Zacharias ang nagulat dito at bahagya pang napatigalgal. "Are you not even shock? Aminin mo nga sa akin do you already know this?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Zacharias. "Of course, I'm not stupid Mari and Laz didn't know that I know about. The first time I saw Laz at the hospital when he was one year old I already have a hint then that he's your child, to confirm my doubts I secretly did a DNA test with Laz and the result this" Habang sinasabi yun ay maglakad na ito sa mesa nito saka may kinuha sa drawer na envelope at binigay iyon kay Zacharias. Nakita doon ni Zacharias ang pangalan ni Rafael at Laz at positive ang results "It would be impossible to have Laz as my child and you're my only child so I'm certain that he was yours" Pagpapatuloy nito. "And you didn't even told me about it?" Kunot-noo ng tanong ni Zacharias sa ama. "What do you want me to tell you? Na may anak ka dito? Sa tingin mo maniniwala ka? I didn't want to interfere at sabihin nalang sayo ang lahat dahil ayokong magalit sa akin si Mari at umalis ulit baka kung ano pang mangyari sa kanila sa oras na umalis sila sa puder ko, so I just tried to convince you to go home, but you always told me that you're still having fun in States, I'll give so many reasons and alibis but you're too stubborn, sa ilang taon nakita ko ang paghihirap ni Mari sa bata habang ikaw nagliliwaliw sa iba't-ibang lugar kasama ang girlfriend mo so I thought that maybe it's better this way na wala kang alam dahil sa tingin ko hindi ka pa handa sa responsibilidad" Nasaktan si Zacharias sa direktang sinabi ng ama, masakit dahil tama lahat iyon habang nagpapakahirap sa Mari na palakihin ang anak nila, while he was just traveling all over the world and fooling around. "Ngayong alam mo na anong plano mo? Are you just going to let Laz think that I'm he's father? I would gladly accept--" "Hell no!" Napangisi sa Rafael sa naging reaksyon ng anak. "I badly want to tell him but Marikit, obviously she's not even letting me get Laz since the day I already know the truth" Problemadong sabi ni Zacharias at frustrated na napahilamos nalang sa mukha. It's been a week now simula nung birthday ni Laz at malaman niyang anak niya pala ito even if he already assured Mari, but Mari is still putting up a high wall nihindi siya pinalalapit kay Laz at kung magkakausap sila ni Laz ay agad itong iniiwas ni Mari sa kanya, laging kasama ni Mari si Laz kahit nagtratrabaho siya at kung hindi man ay nagkukulong lang ang dalawa sa kwarto. He already tried talking to Mari countless times already pero magaling umiwas ang babae. "You can't blame her, alam ko kung gaano kamahal ni Mari si Laz hindi nito kakayanin na mawala si Laz sakanya, sa tingin niya ay kukunin mo ang bata sa kanya kaya nagkakaganyan siya. Mabuti pa magusap kayo ng maayos, and try to man up Son do what actually is right in this situation. I know that you know what I mean" Makahulugang payo nito saka iniwan si Zacharias sa lounge at bumalik sa mesa para ituloy ang naiwang trabaho. ••• Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina para sana uminom ng tubig ng akmang bubuksan ko na yung ref nung biglang kumalansing ang parang baso na may ice, kaya napatingin sa center island salamat sa bahagyang nakaawang na ref ay may ilaw na nagmumula doon kaya namataan ko agad si Senyorito Zacharias na seryosong sinisimsim ang alak sa baso. Tuluyan ko ng binuksan ang ref para makainom at makaalis agad nung makakuha ako ng tubig akma sanang sasaraduhan ko ang ref ng biglang salita si Senyorito Zacharias at kahit hindi pa ako umiinom ay parang biglang na binalukan ako. "We should get married" Seryosong sabi nito nakatitig sa akin, sa mga tingin nito ay parang napapaso ako kaya ako na ang umiwas ng tingin. "I mean it, we should get married" Paguulit pa nito. "Seryoso ka? Paano si Ma'am Amy?" Nasabi ko nalang di ko alam kung ano ang ire-reak ko masyado niya akong ginulat. "I'm going to break up with her" Bale walang sabi nito na literal na ikinatigalgal ko. "What? No, hindi ako papayag dahil kung ginagawa mo lang 'to dahil sa responsibilidad mo sakin, hindi ako papayag na magpakasal sayo" Agad na sabi ko at aalis na sana ng muli niya akong pigilan. "This is the right choice. I'm doing this for Laz, I don't want him to be an illegitimate child, he's too precious for that title" Ani nito habang matamaang nakatingin sa akin "We'll do it next week, it would be an intimate wedding and right after that I will process our papers at the same time Laz papers, I want to change his surname" Parang lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko dahil sa sinabi nito. "Tangina! You already plan it all kahit hindi pa ako pumapayag?" Di makapaniwalang asik ko sa kanya, preskong tinaasan lang ako nito ng isang kilay. "I'm not asking you for a permission, I'm just informing you my plans. Ready yourself Mrs. Cervantes because after I process every documents we'll be permanently staying in Manila" Sabi nito sabay lagok ng alak na nasa baso at iniwan ako doong tulala at gilalas sa pinagsasasabi niya. ••• "Zac are you really going to break up with me?" Kompronta ni Ma'am Amy kay Senyorito Zacharias na ngayon ay prenteng nakaupo lang sa sala rinig na rinig ko ang usapan nila dahil nasa kusina lang ako. Kakarating lang ni Ma'am Amy galing sa Manila at ito nga ay nagpupuyos na ito sa galit buti nalang wala si Laz kasama si Don Rafael nagiikot sa rancho. "Yeah" Bored na sagot ni Senyorito Zacharias na mas lalo atang ikinagalit ni Ma'am Amy. "What the heck and you just did it on phone you didn't even made it personal!" Malakas ang boses na singhal nito kahit sina Ate Hilda, Darling at Dedet at nakikiusyuso na rin. "It's better that way" Matabang na sagot muli ni Senyorito Zacharias. "What's the reason?! Explain to me! May nagawa ba akong hindi tama? Ano sabihin mo!" Singhal ni Ma'am Amy habang sunod-sunod na ang agos ng luha. "I have a child" Biglang sabi ni Senyorito Zacharias na ikinatigil ni Ma'am Amy at ikinasinghap ng mga kasamahan ko. "What?" Di makapaniwalang tanong nito. "I have a child and I am going to marry his mother. That's my reason" Ani muli ni Senyorito Zacharias na ikinasinghap ng lahat ng katulong na nakakikiusyuso sa usapan nila, nagkaroon muna ng mahabang katahimikan siguro ay nagulat din si Ma'am Amy sa naging rebelasyon nito. Ako naman ay di na mapakali sa pwesto ko at kinakabahan na sa mga susunod na mangyayari. "Sino yung babae?" Kabadong tanong ni Ma'am Amy. "Marikit" Deretsang sagot ni Senyorito Zacharias. Ramdam ko ang paninigas ng mga tao sa likod ko at alam kong gulat na gulat sila maging ako ay napatigalgal dahil hindi ako makapaniwa na sasabihin niya talaga ng deretsahan at walang pagaalinlangan. Magsasalita pa sana si Ma'am Amy nung biglang mangibabaw ang boses ni Laz sa buong kabahayan. "Mama ku! Mama ku! Bigyan aku ni Mang Gadu mangga!" Rinig ko ang malakas na boses ni Laz. "Tito Zac! Tito Zac! Gustu mu pu tamis 'tu aku nikuha nito!" Sabik at tuwang tuwa na kwento nito "Ayy sekret pala yun wag mu aku sumbung Mama na akyat aku punu gagalit yun" Bulong nito pero rinig na rinig pa rin dahil sa dahil sa katahimikan ng paligid at tanging ito lang ang di makaramdam ng tensyon. "Tara punta tayo sa Mama mo papabalatan natin yan" Aya ni Senyorito Zacharias at akmang kakargahin nya hi Laz nung mapatingin si Laz sa pwesto ko nasa bungad na kasi ako at kitang-kita ko sila. "Ayun si Mama ku!" Masiglang sigaw ni Laz saka tumakbo papunta sa pwesto "Mama ku look!" Sabi nito at nagmamalaking ipinakita sa akin ang tatlong piraso ng malalaking hinog na manga na akap akap ng dalawa niyang. kamay. Pilit na ngiti ang sinagot ko dito naiiling na kasi ako sa paligid ko ramdam ko na saakin lang nakatingin ang mga taong nandito. "Is Laz---" Hindi natapos ni Ma'am Amy ang sasabihin nung bigla siyang sinagot ni Senyorito Zacharias. "Yeah" Pinal na sagot agad nito. "How did this happened?" Bakas sa boses nito ang gulat. "Do you want me to tell you the details?" Malamig na tanong pabalik ni Senyorito Zacharias. Kita kong ang sakit na bumalot sa mga mata ni Ma'am Amy dahil sa paraan ng pagkakasabi sabi ni Senyorito Zacharias. Di ko maiwasang maawa sa kanya napakasama naman kasi ni Senyorito Zacharias. Gusto ko man siyang tulungan ay mas pinili ko nalang manahimik. "You're the worst!" Galit na galit na sigaw ni Ma'am Amy sabay sampal kay Senyorito Zacharias, sa lakas nun ay gumawa pa ito ng napakalas na tunog at bahagya pang napalingon ang ulo ni Senyoritong Zacharias. Si Laz naman ay biglang napalingon kay Senyorito Zacharias at Ma'am Amy. Nung lumabas na si Ma'am Amy ay binigay na sa akin ni Laz ang mga mangga saka tumakbo papunta kay Senyorito Zacharias. "Okey lang pu kayu?" Nagaalalang tanong ni Laz kay Senyorito Zacharias "Hala! Pupula pu sakit yan!" Muling bulalas nito. Kita kong ginulo ni Senyorito Zacharias ang buhok niya. "I just need you to kiss it, can you do that young man?" May lambing na sabi nito na agad na tinanguan ni Laz at umaksyon para magpakarga saka hinalikan ang pisngi ni Senyorito Zacharias. "Bad pu si Ma'am Amy di natin iyun bati, di naman ikaw papasaway bakit sasaktan ka niya. Mama ku sasaktan aku pagpapasaway aku" Nakangusong sabi ni Laz "Tara pu punta tayu Mama ku pupula pa pu eh, baka indi epektib ang kiss ku, indi tulad Mama ku galing Mama ku magpagaling nikikiss at niblo-blow niya lang sugat ko gagaling na yun tapos kain na din tayu ng mangga" Malakas ang boses na sabi ni Laz na ikinapula ng mukha ko. Napapangiting napapailing si Senyorito Zacharias sa sinabi nito at saka siya lumingon sa pwesto ko at saglit na nagtagpo ang mga tingin namin, ako agad ang umiwas at binalingan si Laz. "Kain muna tayo Laz ng kanin bago kumain ng manga" Sabi ko dito na ikinanguso lang nito. ••• Bandang siesta nung katukin ako ni Senyorito Zacharias sa kwarto namin ni Laz pinatulog ko kasi ako. Pinalabas niya ako akala ko may iuutos sa akin na gulat nalang ako wedding organizer pala yun, lutang lang ako habang tinatanong si Senyorito Zacharias lang din naman kasi ang sumasagot at nagsasabi kung anong gagawin sa wedding habang nasa kalagitnaan sila ng paguusap nung nagpaalam ako kay Senyorito Zacharias sinabi ko nalang na titignan ko lang si Laz na agad nitong tinanguan, nung makaalis ay doon lang ako nakahinga ng maluwag nasu-suffocate ako doon. Ni hindi man lang ako makatanggi sa bilis nang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD