Ako ulit ang magluluto ngayon pero wala ng karne at isda na gusto ni Donya Esperanza wala pa naman si Ate Hilda day off. Di ko pwedeng utusan si Darling at Dedet maging si Aling Julieta dahil tiyak na iismiran lang ako ng mga yun.
Hindi ko alam ang gagawin tulog pa kasi si Laz hindi ako pwedeng umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya dahil tiyak na hahanapin ako nun pagkagising.
"What are dilly-dallying there?" Nakataas ang kilay na puna sa akin ni Donya Esperanza ng mamataan niya akong nakatanga lang dito sa kusina.
"Wala na ho tayong karne at isda" Alangang imporma ko. Kita ko ang mas lalong pagtaas ng kilay nito.
"Then bumili ka what's the problem? Oh money" Nanguuyam na sabi nito at tinignan pa ako ng may pangungutya.
"Hindi po. Natutulog pa po kasi si Laz" Problemadong ani ko.
"So? Sa panahong tulog na nga lang si Laz makakakilos ka sa bahay anong inaarte mo?" Mataray na asik nito doon napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon.
Napabuga nalang ako ng hangin "Bibili na po ako teka ho gigisingin ko lang si Laz" Sabi ko, pinigilan ako nitong makaalis nung makahakbang na ako.
"Why? Are you really out of your mind? Ang sarap sarap ng tulog ng bata gigisingin mo. At anong ibig mong sabihin sa inaakto mo, na hindi ko kayang alagaan ang apo pag wala ka? Umalis ka bilis! Ako na ang bahala kay Laz" Pagtataboy nito sa akin saka ako marahang itinulak.
Nakangiwi at problemadong-problemado na ako hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi pero baka sabihin naman nito na nagdadahilan lang ako at lumalaki na ulo ko.
Muli akong himinga ng malalim. Sige na nga sasaglitin ko nalang at sisiguraduhin kong makabalik agad hanggat hindi pa gising si Laz.
•••
Malapit ng magdilim nung si Zacharias sa Mansyon sa isang bukas pa talaga ang uwi niya pero naging okay agad ang problema sa kompanya dahil mabilis niya itong nasulusyunan at ng masiguradong tapos na niya ang lahat ng gagawin ay kahit hindi pa man nakakapagpahinga ay agad siyang nagpabook ng flight para makauwi sa San Martin.
Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naging ganito ka sabik umuwi ng San Martin dahil ang totoo niyan noon pa man ayaw na ayaw niya na talaga sa lugar na iyon dahil malayo-layo sa syudad na nakasanayan niya.
Di pa nga siya nakakapasok ay rinig na rinig na niya ang malakas na iyak at sigaw ng bata kasabay ng pagkabasag ng mga gamit.
Hindi naman magkamayaw ang lahat ng mga tao sa pagpapakalma dito lalong-lalo na ang mag-asawang Cervantes na hindi na mapakali at kinakabahan na dahil sa nagkalat na bubog sa sahig at nakapaa lang ang bata na iyak ng iyak.
"What's happening here?!" Bulalas ni Zacharias, napasinghap ang mga katulong doon sa gulat ng makita siya habang ang ang magasawang Cervantes ay nakatutuk lang ang atensyon sa pagpapakalma sa batang may malalakas na hikbi.
Parang nanlamig ang buong katawan ni Zacharias at literal na nanigas iyon, agad siyang kinain ng takot, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natakot ng ganto.
Hindi niya alam ang gagawin niya ng habang nakatingin kay Laz na naliligo ng pawis at ang lakas ng hikbi sa kakaiyak basang-basa din ang mukha nito ng luha.
"Baby, stop crying please, your Mama will be here any minute now" Malambing na pagaalo ni Rafael sa apo at nung tangkain niyang lumapit ay agad siyang sinigawan ng bata at saka umatras na ikinahinto niya doon siya napatigil at napakit saka tahimik na napamura.
"Baby stop crying please, Mamita will buy you anything you want come on" Problemadong-problemado na pangaalo niya sa bata naluluha at nangungusap na ang mga tingin nito nanginginig na din ang mga kamay niya sa kaba pero galit lang itong tumitig sa kanina at muling nagsisigaw iyak ng iyak habang sinisigaw ang Mama niya.
"f**k! What the hell is happening here? Where the hell is Marikit?!" Galit na galit na singhal ni Zacharias nung makabawi sa gulat, saka tinignan ng may nagbabagang mata ang mga kasambahay na nakahilera doon.
Tinangka niya sanang lumapit at aluin ang bata pero umatras lang muli ang bata parang doon tumitigil ang paghinga ng lahat dahil sa takot na baka makaapak ang bata sa mga nagkalat na bubug lalo at naka paa lang ito, huminto si Zacharias at nanghihinang napaluhod nalang.
"Hey, young man Papa is here I brought you all the toys you want do you wanna see it" Malambing na sabi pa ni Zacharias parang doon medyo kumalma ang bata tinangka niya muling lumapit pero umatras lang uto kaya napapikit si Zacharias at frustrated na napasabunot nalang sa buhok.
"Can anyone tell me what the f**k happened? And why the hell my son is in this state?! Where is Marikit? Why is he looking for her?!" Nagtitimpi ngunit madilim na sabi ni Zacharias parang gusto niyang pumatay ng tao sa oras na makita niyang ganon ang anak niya. Nagtitimpi lang siya at pilit huwag sabayan ang tatrums ni Laz.
Walang sumagot at walang nagtanggang magbukas ng bibig nila dahil sa takot ang lahat sa dilim ng awra ni Zacharias at kahit sinong may mata ay makikita na galit na galit ito. Maging si Donya Esperanza ay natameme sa sulok dahil alam niyang kasalanan niya iyon ngayon naiintindahan niya na kung anong ibig sabihin ni Mari nung problemado itong hindi nakakapagpaalam kay Laz. Pero hindi niya iyon aaminin mas gugustuhin niya pang isisi iyon kay Mari dahil katwiran niya ay kasalanan naman talaga nito dahil ang tagal nito gayong bibili lang naman ng karne at isda.
Iyon ang tagpong naabutan ni Mari dali-dali niyang inilapag nalang sa daan ang mga dala.
"Mama ku!" Agad na sigaw ng bata nung mapansin siya, doon lang natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. Akma sanang tatakbo na si Laz palapit sa kanya ng parang kulog siyang sumigaw.
"Stop!" Pigil niya dito, nagtataas baba na ang dibdib niya sa kaba at namumutla na din siya nung makita ang mga bubog sa paligid at ang nakapaang si Laz. "Diyan ka lang anak huh si Mama na lalapit okay ba yun?" Malambing niyang pangaamo dito habang dahan-dahang lumapit masunurin namang tumango ang bata na ikinahinga ng maluwag ng lahat.
Nung makaabot kay Laz ay agad niya itong kinarga at yinakap ng mahigpit saka pinaghahalikan.
"Bad ka Mama... Iwan mu Laz" Utal sa paghikbi na ungot nito.
"Shh. I'm sorry na baby di na po mauulit" Malambing na amo nito sa anak.
"Saan ikaw punta? Bakit mu iiwan Laz?" Nagtatampong tanong nito habang malambing na isiniksik ang ulo sa leeg ng ina.
Nakamasid lang ang lahat habang nakatingin sa dalawa na naglalakad na ngayon papunta sa sala.
"Doon bumili si Mama pagkain mo para may pagkain ka mamaya" Mahinahong sagot ni Mari saka pinatong patayo si Laz sa mahabang sofa kaya magkapantay na sila ngayon.
"Bakit hindi ka papaalam kay Laz? Si Laz nga papaalam sayu kasi gagalit ka pagaalis nalang bigla si Laz, bad ka Mama ku, indi ka bati ni Laz" Salubong ang kilay na sikmat nito sa ina.
Napabuga ng hangin si Mari saka namumungay ang mata na tinignan si Laz "Sorry na baby ko, tulog ka pa kasi nun ayaw ni Mama gisingin ang baby niya na tulog" Ani niya habang hinuhubaran ito ng damit.
"Ewan sayu. Galit pa rin Laz sayu" Nakabusangot na ani ng bata at nagcross arms pa saka tunalikod sa ina.
"Sorry na po please, anong gusto ng baby ko para hindi na siya magalit" Paglalambing ni Mari dito habang dinadampian ng halik ang likod nito doon humarap si Laz.
"Gusto ko ice cream bukas tapus may turon Mama ku" Nakangusong ani nito.
"Okay" tinanguan agad iyon ni Mari.
"Gustu ku din laru sa kwadra"
"Okay"
"Gustu ku din ligu sa pool"
"Okay"
"Tapos akyat aku punu kuha aku mangga" Masiglang request ulit nito.
"O--hindi" Agad na tanggi ni Mari. Nagsalubong muli ang mga kilay ng bata.
"Bakit? " Inis na tanong nito sa ina.
"Kasi hindi pwede tsaka na pag mas matangkad ka na sa akin" Malumanay na ani lang ni Mari sa anak nalalong ikinasalubong ng kilay ni Laz at ikinabusangot.
"Bad ka Mama ku, di ka na talaga bati Laz" Inis na asik nito sa ina natatawang piningot lang ni Mari ang ilong ni Laz na mas lalong ikinasimangot nito at marahas na tinanggal nito ang kamay ng ina sa ilong niya.
"Tara na inom na tayo tubig" Nakangiting sabi ni Mari dito habang nakabukas ang dalawang kamay agad na umakap at pumulupot ang kamay ni Laz sa leeg ni Mari at kinarga na nito ang bata papunta sa kusina tahimik na sumunod lang si Zacharias sa dalawa.
"Where the hell did you go?" Bulalas ni Zacharias nung makapasok na sila sa kusina at maupi na ni Mari si Laz sa usual na pwesto sa may center island.
"Namalengke" Tipid na sagot ni Mari habang kumukuha ng tubig.
"What the? Why the hell did you do that? Why didn't you just let the maids do that? I told you, you don't need to work your ass off to do some meaningless errands, you can just focus on our son! What's the use of all the maids here if you do all what they're supposed to do? I can just fire them all if you really want to do all the work, we paid them high enough to do this job! Just tell me, I'll really do it, they're all useless anyway! " Nanggagalaiti ang panga na singhal ni Zacharias.
"Zacharias pwede ba kumalma ka" Mahinahong saway ni Mari dito habang tinutulungang makainom si Laz na halos maubos ang isang baso ng tubig.
"Paano ako kakalma kung ganon ang sasalubong sa akin! Do you have an idea how terrified I was?" Nangangalit ang ngipin na asik nito sa asawa.
"Alam ko, alam ko pwede ba kumalma ka nandito sa Laz" Mahinahong sabi ng babae parang doon ito na tigilan at medyo lumambot ang ekspresyon nung mapatingin kay Laz na nakangusong nakatingin sa banas na banas na ama.
"Galit ka pu Papa ku? Kay Laz pu ba" Naluluhang tanong ng bata na agad na inilingan ni Zacharias.
"No baby. I'm not mad at you. God. Can you please not do that again? Papa was about to cry when I saw you were going to get hurt" Madamdaming sabi nito sabay yakap ng mahigpit kay Laz.
"Sori pu Papa ku" Senserong sabi ni Laz at mas lalong hinigpit ang pagpulupot ng dalawang kamay sa ama.
"You're not hurt right?" Nagaalalang tanong ni Zacharias kasabay ng pagcheck agad ng buong katawan ng anak at nakahinga ng maluwag ng masigurong wala itong galos at sugat.
"Manang-mana yan sayong anak mo kaya wag kang magreklamo. Nakikita mo ba ang sarili mo sa kanya? Ganyan ka din magalit ngayon narealize at naranasan mo na kung gaano ka kahirap ihandle yang temper mo" Nangaasar na pasaring ni Mari. Asar siya nitong tinapunan ng tingin.
"Shut up" Pikon na asik nito na ikinangisi at ikinailing ni Mari.
"Kakarating mo lang ba?" Tanong ni Mari sa asawa tumango lang si Zacharias bilang tugon "Kumain ka na?" Tanong muli ng babae na inilingan ni Zacharias. "Kumain ka muna" Alok ng dalaga at agad na pinaghanda ng makakain si Zacharias.
At dahil wala pang pagkain at di pa nakakapagluto ay itlog nalang ang hinanda niya dito mabuti nga at nakapagsaing na iniit niya na din ang pork chop na tira kanina.
Nagkwekwentuhan lang ang magama habang kumakain at sinusubuan ni Zacharias si Laz.
Ako naman ay nalibang sa paglilinis ng isda prito nalang ang lulutuin ko para mas madali.
"Darling! Dedet! " Malakas na tawag ni Zacharias sa dalawa. Dali-daling nanakbo ang dalawa para makalapit dito.
"Ano ho yun Senyorito?" Kabadong tanong ni Darling.
"Go continue what Marikit is doing, both of you just do the cooking. Marikit come here. Now" Mariing utos ni Zacharias naguguluhan man ay lumapit nalang si Mari dito.
"Ano ba magluluto pa ako" Pabulong na reklamo ng Babae, nagulat ito nung walang pakundangan siyang hinila ni Zacharias para mapaupo sa tabi nito.
"Just let them be that's their job anyway. I have a work for you, come on feed us. I'm so tired I can't even move my hands" Umaarteng sabi nito sabay ang tangkang pagangat ng kamay nito pero hindi maangat. Bubulyawan palang sana ito ni Mari nung magsalita ulit ito "Please" Nagpapaawang sabi nito at namumungay pa ang mga mata ginaya naman ni Laz ang ekspresyon ng ama.
Kaya pairap na humarap si Mari sa kanila at nakabusangot na sinubuan si Zacharias at kasunod naman si Laz patagong napahagikhik ang mag-ama habang nakatalikod si Mari para kumuha pa ng kanin, saka pumurmal ulit ang mukha nung humarap na ito.
Napaingos si Darling sa nakita habang si Dedet ay nangangarap ang mga mata habang nakatingin sa tatlo.
Habang si Don Rafael na tahimik silang pinapanood sa isang sulok ay kontentong napangiti habang nakatingin sa nakabusangot na si Mari habang sinusubuan ang dalawa at ang mag-amang malapad na nakangiti at sa pagsubo din kay Mari.