"So can you tell me what the hell happened?" Naguguluhang tanong ni Dexter.
Nandito kami ngayon sa plaza nakaupo lang dito kasi kami dinala ng paa namin.
"Sinabi kong lalaki kita? " Balewalang sagot ko.
"What?" Di makapaniwalang bulalas nito.
"Sinabi ko tinu-time ko kayo" Muling sabi ko sa mas malakas na boses at tinignan ko ito. Kita ko na nalukot ang mukha nito.
"What the hell? Why did you do that?" Kunot-noong tanong nito, wala sa tono nito ang galit parang nagtataka lang ito at hindi makapaniwala.
"Para gantihan siya" Simpleng sagot ko lang.
"What?" Tanong muli nito.
"Narinig ko yung usapan niyo nung gabing maginuman kayo" Mahinang sabi ko, natigilan ito at bahagya pang umawang ang labi. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na. "Saan ka na pala ngayon?" Tanong ko dahil hindi naman kasi ito taga rito si Senyorito Zacharias lang ang tanging pinunta niya rito.
"Kukunin ni Lance mga gamit ko and baka umuwi na rin ako sa Manila. You, how about you may pupuntahan ka ba? You can come with me if wala" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito, tumayo na ako at pinagpagan ang suoy ko saka umiling dito.
"Hindi na pupunta ako sa kaibigan ko" Pagsisinungaling ko dahil wala talaga akong kaibigan tanging masyon at eskwelahan lang ako noon pa man. Pero ayoko na itong abalahin pa, ayoko din na makasama pa lahat ng taong may kaugnay kay Senyorito Zacharias.
"Can we just wait for Lance I know you don't have some money and phone with you" Sabi pa nito na tinanggihan ko ulit.
"Wag na ayos lang ako" Tipid na ngiti ang ibigay ko dito
"Wait, I'll be here until tomorrow if walang kang mapupuntahan or if you need my help just wait for me here I'll leave my phone number here pagdating ni Lance so just call me" Pahabol pa nitong, tumango lang ako kahit wala sa plano kong gawin yun.
"Salamat" Nakangiting ani ko. Patalikod na ako nung magsalita ulit ito.
"Wait, I'm really sorry" Senserong sabi nito.
"I'm sorry din. Alis na ako mag-ingat ka nalang sa biyahe" Pagpapaalam ko dito tinanguan at nginitian lang ako nito at tinugunan ko din iyon ng magaan na ngiti bago tuluyang nagpaalam.
Agad akong lumuwas sa kalapit na baryo lang ng San Martin, mabuti nga ay may mabuting magasawa ang pumayag na isabay ako dahil sa pagmamakaawa ko, binigyan pa nila ako ng pagkain at pera para daw makapagsimula ako.
Hindi ko alam pero mukhang naaawa sila sa akin sinubukan kong tanggihan iyon pero nagpumilit sila kaya sa huli ay tinanggap ko na din at nagpasalamat ng marami.
Hindi ko alam kung nasaan ako mabuti at may nakita akong karenderya na nangangailangan ng serbedura.
Nagmakaawa ako sa mayari na kunin ako kahit tirahan at pagkain lang ang ibigay nito sa akin pumayag naman ito.
Doon ako nanirahan kay Aling Lita byuda na ito at magisa nalang sa buhay dahil sa hindi sila biniyayaan ng anak ng magasawa. Mabait ito at itinuring na ako nitong parang anak.
Hanggang magtatatlong buwan na buhat nung umalis ako sa mansyon saka ko nalaman na buntis ako.
Nahihiya at natatakot pa ako ditong magsabi pero nung malaman nito ay tuwang-tuwa ito, ito ang nagalaga sa akin habang ipinagbubutis ko palang si Laz.
Hanaggang sa manganak ako ay siya din ang nagpaanak sa akin dahil naging matrona din pala ito.
Nakakalungkot lang at hindi man lang ito nakilala ni Laz dahil sa pumanaw ito limang buwan palang si Laz nagkalaganat kasi ito at hindi ko siya madala sa ospital dahil sa wala kaming pambayad naubos ang ipon namin sa mga kailangan ni Laz.
Labis kong sinisi ang sarili ko nun pero ngumiti lang ito sa akin at sinabing wag akong malungkot at maging malakas ako para sa anak ko. Mas mabuti na daw iyon at makakasama na niya ang asawa niya dahil matagal na siya nitong hinihintay. Nagpapasalamat din daw ito sa akin dahil kahit saglit ay naranasan niyang magkaroon ng anak at apo.
Bago pumanaw iniwan niya sa akin ang bahay at karenderya niya ayon ang naging pangkabuhayan ko hanggang sa magkita nga kami ni Don Rafael at pinatira niya akong muli sa mansyon.
•••
"Mama ku gising na pu" Doon ko unti-unting binuksan ang mga mata ko dahil sa boses na gumising sa akin. "Naiyak pu kayu may bad dreams pu kayu?" Nagaalalang tanong nito, tinanguan ko lang siya saka pinahid ang luha ko na tumutulo pa. Malambing na hinalikan ni Laz ang noo ko at marahan akong tinapiktapik sa bewang na parang pinapatahan. Ito ang ginagawa ko sa kanya sa tuwing umiiyak at pinapatahan ko siya. "Wag ka na pu iyak Mama ku anditu si Laz di ka iiwan Laz Mama ku save ku pu kayu sa mga monsters" Malamyos na ani nito saka isiniksik ang ulo sa leeg ko at mas umusog para mas lalong dumikit sa akin ay yakapin ako. Di ko maiwasan ang mapangiti dahil sa ginawa nito.
Dahil sa sinabi ni Donya Esperanza ay hindi ko na iwasang maging balisa buong araw at pati ito napagbuntungan ko ng galit at nung sa makatulog kami ay hindi ko maiwasang mapanaginipan lahat ng nangyari noon.
Buti nalang talaga nandito si Laz dahil siya lang ang nagpapagaan ng loob at alam ko na kahit anong mangyari hindi ako iiwan nito.
Tinugunan ko ng mas mahigpit na yakap ang yakap nito at gigil na pinaghahalikan ang buong mukha nito.
"Mahal na mahal kita anak, mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko" Madamdaming sabi ko habang naluluhang nakatitig sa mukha nito. Inosente lang ako nitong tinignan at papikit-pikit pa ang mga mata nito.
"Mahal na mahal na mahal din pu kita Mama ku" Masuyong sabi nito naikinangiti ko at muli kong kinantilan ng halik ang noo nito.
"Gutom na ba ang baby ko?" Malambing na tanong ko dito. Mas lalong pinabungay nito ang mga mata bago sumagot.
"Opo" Bahagya pang nakangusong sagot nito na mas lalo nito ikina-cute.
Tumayo na ako at nilahad ang kamay ko para tulungan itong makatayo "Halika magayos na tayo at ng makakain na" Aya ko dito agad nitong kinuha ang kamay at hinila ko naman at kinarga para maibaba.
Saka na namin inayos ang higaan at sabay na kaming naligo at nagsipilyo ito muna ang binihisan ko bago ako nagbihis saka kami sabay na bumaba.
"Mama ku pwede ba aku kuha ng manga gustu ku kain nun ih" Ungot nito habang sunod-sunod ang subo sa cheese na ilalagay ko dapat sa puto na tinitimpla kong ngayon dahil na din sa request nito.
"Mamaya pagdating ni Kuya Amboy mo papakuha tayo" Sagot ko lang dito.
"Ihh. Yuko Mama gustu ku aku lang nikuha" Busangot na angil nito.
"Tumigil ka" Pinaningkitan ko ito ng mga mata at marahang hinampas ang kamay na kukuha ulis sana ng cheese nilayo ko na iyon sa kanya kaya mas lalong nagkanda haba nag nguso nito.
"Laki na aku kaya ku na akyat ng puno" Nakangusong ungot muli nito.
"Pag mas matangkad ka na sa akin pwede na" Sabi ko na ikinasalubong ng kilay nito.
"Bad ka Mama ku, indi kita bati" Inis na asik nito kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ganon? Wag kang lalapit sa akin pagnagugutom at matutulog ka na" Nakataas ang kilay na sabi ko dito.
"Bad ka talaga Mama ku!" Inis nitong singhal sabay tapon sa laruan na dala dala niya.
"Ikaw na bata ka maldito ka talaga manang-mana ka sa ama mo" Sabi ko sabay pulot sa laruang tinapon niya at piningot ng marahan ang ilong nito marahas niyang tinapik ang kamay ko na nasa ilong niya.
"Indi aku malditu, bait aku" Giit nito at bakas ang pagakaasar sa mukaha nito.
"Ang mabait na bata hindi inaaway ang Mama nila" Sabi ko nalang.
"Indi kita aaway, ikaw aaway kay Laz!" Sikmat nito at inis na muling tinapon ang laruan niya.
Buntong hininingang pinulot ko ulit iyon nung tignan ko siya ay nakabusangot na ito at salubong na salubong ang kilay kaya palihim akong napahagikhik ang sarap talagang asarin ng bubwit.
"Oh. Bakit nakabusangot ang napakagwapo kong apo" Puna ni Don Rafael na kakapasok lang sa kusina kasunod nito si Donya Esperanza.
"Paps! Niaaway nanaman pu aku ni Mama ku" Sumbong agad ni Laz at saka agad na nanguyampit sa lolo niya.
"What? What did she do to you?" Biglang singit ni Donya Esperanza na nakakunot ang noo.
"Aasar niya pu aku sabi malditu daw pu aku mana aku kay Papa ku" Busangot na pagsusumbong nito. Mas lalong sumama ang timpla ni Donya Esperanza dahil sa sumbong ng bubwit. Lihim akong napaingos dahil mukhang nakahanap ng kakampi ang bubwit na iyon na ngayon ay nangingiti na.
"Are you out of your mind? Why are you saying that to a kid?!" Nanguusig na asik ni Donya Esperanza.
"Galitan niyo din pu siya Mamita lagi nalang niyang gagalitan Laz, bait bait kaya Laz" Nakanguso at kunwari'y malungkot na ani nito, buhat-buhat din ng bangko ang loko, nagpapaawa pa at mukhang kinagat iyon ni Donya Esperanza dahil naaawang tinignan siya nito saka ako pinukol ng masamang tingin.
Lumambot ang ekspresyon nito nung muling bumaling kay Laz "My poor apo. What do you want apo? Do you to just be with your Mamita? You're Mamita will take care of you well" Malambing na alok nito na agad na inilingan ni Laz.
"Indi pu, baka pu iiwan Mama ku magisa, ayaw niya iiwan siya magisa kaya lagi bantay sa kanya Laz. Kahit lagi niaaway at gagalitan ni Mama ku si Laz love ko pa rin Mama ku, indi pwede iwan ni Laz si Mama niya kaya papasensyahan nalang siya ni Laz. Hayy ganon naman pu pag boy sabi ni Papa ku dapat bibigay lagi sila sa mga girls" Mahabang pagsasalaysay nito at nagbuntong hininga pa na parang pasan nito ang problema sa mundo.
Napatanga kaming lahat sa sinabi nito maging si Donya Esperanza ay napaawang ang bibig dahil sa naging hinaing nito unang nakabawi si Don Rafael at nagpipigil na ito ng tawa kaya sinamaan ko ito ng tingin peke itong tumikhim para pigilan ang pagtawa pero hindi nito mapigilan kaya nagkunwari itong nauubo.
Ano daw? Pinagpapasensyahan niya ako. Aba ang daming alam talaga ng bubwit na 'to. Wag mong sabihin turo yun ni Zacharias ang pagpasensyahan ako ang kapal ng magama yun. Mga lintik sila akao nagpapasensya sa ugali nila. Ganto ba ang usapan nila pagsilang dalawa lang?
Lihim na nagpupuyos ako ng galit habang daldal ng daldal si Laz. Naku kung wala lang si Donya Esperanza kanina ko pa piningot ang ilong niya anong pinagpapasensyahan niya lang Ako bwisit siya! Nakakagigil at nakakainsultong marinig iyon sa apat na taong gulang na bata.
•••
Nung makatulog na si Laz ay saka naman tumawag si Zacharias mukhang busy ito maghapon dahil ngayon lang ito sa buong araw at late pa.
Sa tatlong araw na wala ito ay sa tuwing wala itong trabaho o break ay lagi itong tumatawag sa phone na iniwan nito. Phone niya yung gamit namin iniwan niya muna at bibili nalang daw muna siya ng bago para hindi na niya abalahin pa Don Rafael pag tatawag siya.
Noon pa man wala na talaga akong cellphone dahil sa mansyon lang naman kasi ako di ko na kailangan nun. Nagkacellphone lang ako nung naging kami noon ni Zacharias binigayan niya ako ng bagong phone para daw sa communication pag hindi kami pwedeng magkita pero malimit ko lang gamitin iyon at lagi kong iniiwat sa kwarto kaya lagi niya akong napapagalitan pero sa huli siya din ang sumuko at hinayaan nalang ako.
Pero ngayon lagi ko itong dala dahil katakot-takot na pagpapaalala ang laging ginagawa nito maging si Laz ay kinuntsaba kaya pagnaiiwan ko ay pinapaalala agad ni Laz. Gustong-gusto din kasi nito makausap si Zacharias.
"Tulog na si Laz" Bungad ko dito, kita kong kakatapos lang nitong maligo at nakapangtulog na ito.
"Oh yeah it's really time for his nap. How about you? How are you? Did something bad happened?" Sunod-sunod na tanong ko alam ko na kung anong ibig sabihin ng tanong niyang ganon umiiling muna ako bago nagsalita.
"Wala. Ikaw, kamusta? Mukhang pagod na pagod ka kumain ka na ba?" Bahagyang kumunot ang noo ng makitang parang pabagsak na ang mga mata nito pero pinipilit lang nitong buksan.
"Yeah. By the way mukhang extended ang pagstay ko dito. There are some other stuff that I haven't finish yet" Nakasimangot na imporma nito. "Can both of you just come here, I think I'm getting homesick even though this was originally have been my home" Nangungusap ang tinig at mga mata nito.
"Nag-usap na tayo diba?" Mahinang anas ko na ikinabuntong hininga nito.
"It's just two or three days babalik din tayo agad after I finish my work" Pag-i-insist nito.
"Zacharias--"
"God, I'm missing you both already what can I do?" Pagpuputol niya sa sasabihin ko dapat.
"Matulog ka ng maayos kita kong pagod na pagod ka, baka magakasakit ka pa, sige na good night. Bye" Agad kong tinapos ang tawag bago pa siya magsalita ulit.
Alam kong alam na nito na umiiwas ako sa usapan dahil pag pinaguusapan namin ang tungkol sa paninirahan sa Manila ay pinuputol at umiiwas agad ako. Ang totoo niyan ay natatakot akong manirahan sa Manila dahil dito na ang naging buhay ko ignorante at wala man akong alam sa Manila pero alam ko at balibalita na mahirap ang buhay doon. Isa pa mas gusto ko talaga ang buhay dito sa probinsya tahimik at simple lang gantong buhay ang gusto kong iparanas kay Laz. Pero alam kong nakaoo na ako kay Zacharias.
Asawa ko na siya at alam kong kahit saan siya dapat ay kasama kami gusto ko lang ihanda ang sarili sa araw na napagusapan namin.
Kinantilan ko ng halik sa noo ang mahimbing na natutulog na si Laz saka ako tumabi at niyakap siya ng mahigpit at unti-unti ko ng pinikit ang mga mata ko.