“Nay, Aalis na po ako,” masiglang paalam ko kay Nanay nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili. Nang lingonin naman ako ni Nanay ay sandali itong natigilan at napatitig sa akin na para bang mabuti akong sinusuri. “Bakit po, Nay? May problema po ba?” marahang tanong ko dito. “Anak? Ikaw ba talaga ang anak kong si Myrtle?” tanong nito sa akin. “Nay naman.” “Eh kasi naman… nasaan na ang salamin mo? Hindi mo na ginagamit iyon nitong mga nakaraang araw. At napapansin ko din na madalas ka nang mag-ayos ng sarili mo katulad ngayon,” puna nito sa akin. “Tapatin mo nga ako, Anak. Papasok ka ba talaga sa school? O baka naman… makikipag-date ka?” “Nay naman,” muli kong pagsita dito. Matamis na napangiti si Nanay kasabay ng isang pagpalakpak pa nito. “Kumusta nga pala ‘yong classmate mong na

