Chapter 13

2296 Words
"Hindi ko mawari kong bakit Mo pa ako isinama upang Makita ang ginoong iyan binibini ?" Marahang ngumiti si Forexein ng Makita ang lalaking kanyang hinahangaan nakatayo ito sa isang gilid ng silid aklatan at nagbabasa ng libro kasama ang kaibigan nitong si Lorenzo "Binibining Rex i***********l ng iyong ama na pumunta tayo rito sa silid aklatan natatakot na ako para sa kaparusahang i-aatang sa akin kong malaman nilang isinama mo ako sa iyong kahibangan sa ginoong iyan " "Kakaiba na nga Ang iyong ngalan ah ganun rin pala ang iyong paguugali at tipo ng isang lalaki " Hindi pinansin ni Rex ang naiiyak na niyang taga paglikod Bastat Makita lang niya Ang kanyang hinahangaang ginoo ay masaya na siya Ang tignan ito sa malayo ay siyang pinaka magandang gawin Hindi niya ito malapitan sapagkat wala siyang lakas ng loob na puntahan ito at kilalanin Bastat Nakita nalang niya ito noong isang araw na dumating sa bayan nila sakay ng kalesa at nakatira sa isa sa mga malalaking tahanan sa Lugar nila Ang pamilya nila ay nabibilang sa maharlikang pamilya gaya niya ngunit napaka hina ng kanyang loob upang lapitan ito at magpakilala rito bilang siya "Balita ko ay Khanate ang kanyang ngalan usap usapan siya sa ating bayan sapagkat sadyang napaka kisig at matipuno nga niyang lalaki ..Hindi kaba nahihiwagahan kong sino siya at kong bakit sila narito ?" Sa haba ng sinabi ng kanyang alalay isa lang ang tumatak sa kanyang isipan ito ay ang ngalan nitong Khanate 'kay gandang ngalan ' bulong niya sa kanyang sarili Ngunit agad ding nawala ang kanyang ngiti ng malamang lahat ng kababaihan ay nabighani sa kanyang kakisigan "Kung ganoon ay marami kaming magpapaligsahan upang makuha Ang kanyang loob ...ganoon ba ?" Tanong Niya sa kanyang alalay Habang palabas sila ng aklatan "Ganoon na nga Po binibini kaya malabo rin na makuha mo ang kanyang atensyon " Napabuntong hininga nalang siya at wala sa sariling naglakad sa daan Nalulungkot siya sa isiping marami pala sila mahihirapan ngang talaga siyang makuha Ang atensiyon ng ginoo at makilala pa ito ng husto Siguro ay ititigil na niya ang pagka gusto para sa ginoo Hindi rin naman siya mapapansin nito Nalulungkot siya sa isiping iyon , iyon na nga lang Ang dahilan ng kanyang pag ngiti ay ipagkakait pa sa kanya ang dahilan kong bakit siya ngumingiti Habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada ay sinasalubong ng kanyang palad ang mga bulaklak sa mga masetera na nasa gilid ng kalsada Ngunit habang gingawa niya iyon ay parang naiilang siya na para bang may kong sinong nakatingin saknya Sa paglibot ng kanyang paningin ay siyang pag bilis ng kanyang t***k ng puso sa hindi malamang dahilan ang pagkabog ng kanyang dibdib ay talaga namang nakapag pa yanig ng kanyang buong katawan Lalo nat ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan sa kung sino man Ang nakatingin saknya hinihiling niya na sana ay Hindi masama Ang balak nito saknya Ngunit na wala ang lahat ng pangamba niya ng makita ang pamilyar na lalaki sa di kalayuan isang lalaking matamang naka tingin saknya kasama ang isang lalaki rin na kaibigan nito Ngumiti siya sa lalaki mula sa di kalayuan at ang mata nitong kulay asul ay siyang kumuha ng kanyang atensyon Hindi niya alam kong namama-likmata lang ba talaga siya o talagang naging asul ang mata ng lalaki ng ngumiti siya rito "Binibini , kinakailangan na nating makauwi sa lalong madaling panahon sapagkat Bago lumubog ang araw ay nasa tahanan niyo na ang iyong ama at Ina " Nabaling ang tingin Niya sa alalay niya kaya naman ng muli niyang sulyapan ang dereksiyon kong nasaan ang pamilyar na lalaki ay wala na ito roon at wala na siyang ibang nakitang bakas na naroon ito inilibot niya rin Ang tingin niya sa paligid nag babakasakaling nandun lang iyon sa malapit at kaaalis lang Ngunit ng lumingon siya sa dereksiyon kong saan sila nagmula ay nakita niya Ang paglabas ni Khanate sa aklatan kasama ang kaibigan nito dala ang hirap na libro Malakas siyang napabuntong hininga sa isiping nanaginip siyang gising at asul pa ang mata ng lalaki sa kanyang paningin 'dapat ay Hindi ko na siya hinahangaan ng ganito sisirain niya Ang maayos kong pagiisip ' ---------------------------------------- "Saan kayo nang galing ni Esperanza Forexein!?" Halos malukot ang mukha ni Rex ng marinig Ang ama niya Hindi dahil sa sumisigaw ito kong Hindi dahil sinabi nito Ang kakaiba niyang ngalan 'sino ba Ang nagsaad na iyon ang aking maging ngalan ?' wala sa sarili niyang Tanong sa sarili "May dinaanan lang kaming kakilala ama huwag na hoh kayong mag alala para saakin " sambit niya sa ama Natagalan sila sa paguwi dahil sa pagkasira ng kalesa kong saan siya ay nakalulan Mahigit isang linggo narin Simula ng hindi na niya Makita ulit ang lalaki sa silid aklatan nagtataka na siya sa pagkawala nito Kong kailan naman maganda ang panahon at hindi makulimlim ay siya namang wala ang lalaki Hindi niya alam kong gaano siya kabasa ng kanyang pawis ganun rin Ang alalay niya na dala ang silungan upang sanggain ang init Mabilis siyang nagtungo sa silid niya at pina alis si Esperanza Ngunit ng Makita niya Ang tumigil na kalesa sa harap ng bahay nila at lumabas roon ang lalaking hinahangaan niya kasama ang kaibigan nitong si Lorenzo Pumasok ito sa loob ng kanilang tahanan habang sinasalubong ng nakangiti niyang ama Mabilis siyang lumabas sa kanyang silid ay nagtungo sa bulwagan Doon ay nasalubong niya si Esperanza na nakangiti saknya Pagkatapos ay bumulong saknya na siyang tunay naman talaga "Masaya Ako para sa iyo Binibini alam ko kong gaano mo kinasabikan ang lalaking iyan ...Dito sila mag hahapunan" Ngumiti lang siya Kay Esperanza gustong gusto niyang tumuon ang tingin saknya ng lalaki ngunit mukhang mas interesado ito sa kong ano man Ang napaguusapan nila ng kanyang ama Malungkot siyang umalis sa bulwagan Hindi siya maaaring makinig sa usapan ng matatanda lalo nat usapang lalaki iyon ang Ina niya at Si Ginang Lavorn ay nasa kusina at inaayos ang lamesa para sa hapunan Nagtungo siya sa likod bahay na Hindi kasama ang kanyang alalay na si Esperanza Siguro ngay kailangan niya ng sumuko sa lalaki habang maaga pa lalo lang lumalalim ang pagka gusto niya sa ginoo sa lumilipas na mga araw at sigurado siyang isa lang ang patutunguhan noon iyon ay Ang pagkadurog ng kanyang puso Kaya ng nangyari sakanila ng kanyang unang nobyo na mas piniling mag-aral ng medisina kaysa ang maging asawa siya Lumingon siya sa bilog na buwan may kakaunting ulap na humaharang ngunit nakikita niya parin At sa pagtitig niya sa buwan na iyon isa lang ang nasa isip niya Si Khanate na hindi niya maaabot gaya ng buwan na iyon nandito lang siya Mula sa malayo at naka masid sa buwan na iyon 'minsan gusto kong maging isang bituin kahit manlang katabi ka ay ayos lang Bastat malapit sayo at hindi ganito na ang layo Mo ' ---------------------------------------- Nakita niya si Lorenzo sa bulwagan nila na nakatingin rin sa labas ng naka bukas nilang pinto naron ang isang likidong kulay pula Lumingon ito saknya at ngumiti ganun rin naman ang ginawa niya sa lalaki nakikita na niyang mabuting Tao si Lorenzo at gusto niyang mapalapit rito upang mapalapit rin siya Kay Khanate "Magandang Gabi binibini " yumukod pa ito at inabot ang palad niya upang lapatan ng halik "Magandang Gabi rin sayo Ginoong Lorenzo " Hindi niya nakita Ang pagtataka sa mukha ng ginoo ng hindi niya sinasadyang mabangit ang ngalan nito Ngumiti lang ito saknya at parang may sinusupil na na pagtawa sa kanyang labi "Ayaw mong malaman ang ngalan ng kaibigan ko ..Pero Hindi nako magtataka kong alam Mo na sapagkat alam ko ang iyong pagtingin sa aking kaibigan " Ngumiti ito sa kanya ngunit ayaw niyang mapahiya o sa hindi malamang dahilan ay nahihiya siyang malaman ng kaibigan nito na alam niya Ang ngalan ni Khanate at may paghanga siya rito "Hindi ko Alam kong sino Ang iyong tinutukoy ginoo ...nasabi lang saakin ni Esperanza ang iyong ngalan at talaga namang matunog ngunit wala akong Alam sa kong sino Ang iyong kaibigan ...Ano nga ba Ang ngalan niya ?" Tila na gulat ito at tumingin sa bandang likod niya Ramdam niya rin Ang presensyang iyon ngunit pinagsawalang bahala niya ay naka tingin lang Kay Lorenzo "Hindi Mo nadidinig ang kanyang ngalan ?" May pagtataka ang boses nito kaya umiling siya "Hindi ginoo na I kwento lang ni Esperanza saakin noong dumating kayo kanikanina lang at Ikaw lang Ang nabangit niya ...ngunit wala namang katangi tangi sayo pati ang kaibigan Mo na nakita ko kanina " ngumiti lang siya saglit at muling nagsalita "At isa pa wala akong paghanga sa kaibigan Mo may nobyo nako at nag aaral siya bilang isang magaling na manggagamot .....pasensya na kong binigyan kita ng isang konklusiyon na magisip na may paghanga ako sa iyong kaibigan ..maiwan na kita ginoong Lorenzo " Matuwid siyang naglakad kahit panga paglingon niya ay si Khanate ang naroon pinilit niyang kumalma at baliwalain ang presensya ng taong iyon saknya Mabilis niyang tinungo Ang kusina sa hapagkainan at umupo sa silyang naka laan saknya nakita niya sa likod ng kanyang ama na nasa dulo ng mesa na nasa likod nito si Esperanza Maayos siyang naupo upang Hindi mahalata ang kanyang kaba dahil sa naging usapan nila ni Lorenzo kanina sa bulwagan "Talagangang katangi tangi ang iyong nagiisang anak Don Galvez bukod sa kanyang katangi tanging ngalan ay siya ring katangi tangi niya " sambit ni Don Lavorn sa kanyang ama "Masaya Ako sa iyong sinabi Don Lavorn lalo nat lumibot kana raw sa boung panig ng Mundo at talaga namang ang anak ko lang ang sinabihan mo ng katangi tangi " nagmamalaki ang nasa boses ng kanyang ama Nabaling ang atensyon ng lahat ng naupo sa Tapat niya si Khanate at katabi nito si Lorenzo tahimik lang Ang dalawa at ang ama naman niya Ang tumitig sa anak ng kaibigan nitong don "Hindi mo naman siguro mamasamain kong ipagkakatiwala ko sa anak mong lalaki Ang nagiisa kong anak Don Lavorn " Nanlalaki ang matang napatingin siya sa kanyang ama at Kay Khanate na ngayon ay parang may ngiti na sa labi "Kong ang anak ko lang ay gusto niya rin Paano ang sayo balita ko ay may nobyo siyang manggagamot ?" Tanong ng don sa ama "Wala akong tiwala sa isang manggagamot gusto ko ng lalaking proprotekta sa anak ko sa kapahamakan at ang ginawa ng anak mong pagligtas sa akin sa nangyaring barilan sa kabilang bayan ay siyang patunay at tinanong ko rin naman ang iyong anak sa nais niyang kabayaran at iyon ay Ang maikasal ang anak ko saknya " sambit nito Halos matulos sa kinauupuan si Rex ng marinig Ang ama Kaya pala gustong gusto nito si Khanate at natutuwa siya roon Kaya naman upang Itago ang kanyang ngiti ay tumayo siya sa hapagkainan malakas na inilabas ang isang buntong hininga "Pasensya na " sambit niya at muling naupo at nagpatuloy sa pagkain Wala na siya sa sarili niya napakalakas ng t***k ng puso Niya at gusto nalang niyang umalis sa lugar na iyon at hindi na babalik Kaya naman ng hawakan niya Ang kubyertos ay nanginginig ang kamay niya minsan niya pang ipinikit ang mata upang kumalma ngunit ayaw talaga ng kanyang sestema Ng maramdaman niya ang paghawak ng kong sino at inalalayan siya sa wastong pag hawak sa kubyertos ng lingunin niya ay si Esperanza iyon kaya naman kumalma ang kanyang sestema Gustong gusto niyang mag pasalamat sa ama dahil sa ginawa nito ay Hindi siya mahihirapang kunin si Khanate sa mga babae na gustong makuha ito "Ayos lang ba sa iyo iyon Forexein ?" Nilingon niya Ang kanyang ama at tipid na ngumiti Ayaw niyang ipakita sa lahat na sobrang excited siyang malaman na ikakasal siya Kay Khanate kaya naman tumayo na siya sa hapagkainan at tumingin sa ama niya at tipid na ngumiti "A-ayos lang hoh Ahm....magpapahinga napo ako napagod Po kasi Ako kanina lalo nat nasiraan kami ng kalesa " tumango lang Ang ama niya at wala siyang lingong likod na umalis sa hapagkainan habang naka alalay saknya si Esperanza At ng nasa bulwagan na sila ay Hindi niya mapigilang Hindi bumagsak sa sahig na nagising sanhi ng ingay Dahil sa panginginig ng tuhod ay Hindi siya nakatayo at kahit tulungan pa siya ni Esperanza rinig na rinig narin niya Ang mga yabag ng paa na papalapit sakanya "Forexein !!" Mabilis siyang dinaluhan ng Ina at inalalayan kasama nito si Esperanza pero dahil walang lakas ay Hindi siya nakatayo Hindi siya nag almusal kaninang umaga sa isiping baka maaga lang sa silid aklatan ang lalaki at hindi rin siya nagtanghalian sa isiping baka darating rin at umabot ang hapon na wala siyang kain at nasiraan pa ng kalesa ay ngayon naman ay nalaman niyang ikakasal siya rito "Could you allow me to carry her ?" Lahat ay nabaling ang tingin Kay Khanate ng magsalita siya ng ibang lengwahe Tumikhim ang ama nito at nagpaliwanag "Pasensya na , nagaaral palang siya ng lengwahe rito Hindi pa siya sanay lalo nat sa ibang lugar siya lumaki ..Ang ibig niyang Sabihin ay kong papayagan mo ba siyang buhatin ang anak mo upang makapag pahinga na ito " Tumango lang Ang ama niya at lumapit na si Khanate saknya .....na naging dahilan ng lalong pag nginig ng boung katawan niya Lalo na ng buhatin siya nito at dalhin sa silid niya tahimik lang itong inihiga siya at kinumutan Tinignan siya saglit nito at walang sabi sabing inihalik nito Ang labi sa labi niya Saglit lang iyon ngunit ang halik na yun Ang siyang dahilan ng pagkawala niya sa sarili at hindi pagtulog sa gabing iyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD