Episode 5

2045 Words
Iginiya sila Titus at Micah, paupo sa sofa kung saan nakaupo si Nathan. Nag-alinlangan pang umupo si Micah, dahil kaharap niya si Nathan sa upuan. Sumulyap lang ito saglit sa kanila, pero agad din nito ibinaling ang tingin sa mga katabing babae. "Titus, kumuha na lang kayo ng Food o Drinks, wag kayong mahiya," ani ni Harris at iniwan na sila dahil pumunta na ito sa mga nagsasayawan. "Ano gusto mong inumin? Ikukuha kita ng drinks," wika ni Titus habang nakahawak sa tuhod ni Micah. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Nathan. "Kahit ano," mahinang tugon niya kay Titus, na agad naman tumayo para kumuha ng drinks. Napasulyap si Micah, kay Nathan. Napakunot noo siya na halos maghalikan na sa harapan niya si Nathan at ang babae nitong katabi na si Monica. Ininom ni Nathan, ang alak sa harapan niya at tumingin kay Micah, na nakatingin sa kanya. Agad naman yumuko si Micah, nang makita siya ni Nathan, na nakatingin siya dito. "Let's dance," yaya ni Nathan sa mga kababaehan katabi niya. Nagsi-tayuan naman agad ang mga ito at pumunta sa mga nagsasayawan. Naiiwan si Micah, na natulala at laman ng isip niya si Nathan, dahil hindi siya makapaniwala na ibang-ibang Nathan, na talaga ang kababata niya noon. Naputol ang kanyang pag-iisip ng dumating si Titus, at inilapag sa harapan niya ang kanyang drinks at naupo sa tabi niya. "Ano iniisip mo huh?" "Wala, ba't ang tagal mo bumalik nauuhaw na ako?" tugon niya at ininom agad ang drinks na kinuha ni Titus, sa kanya. Napaubo pa siya ng malasahan niya ang drinks. "Mikay, ok ka lang ba? Di mo ba gusto ang drinks? Wala kasing softdrinks, kaya yan na lang kinuha ko, wag kang mag alala kunti lang ang alcohol ng wine na yan," paliwanag ni Titus. "Oo, okay lang ako," tugon niya at tumingin sa mga nag sasayawan. Tanaw niya kung paano sumayaw si Nathan, na halos nakayakap na ito sa mga babae. Kaya napa sunod-sunod na lang ang nainom niyang drinks. "Titus, Micah, let's dance, wag lang kayong maupo diyan, maboboring talaga kayo," sigaw ni Harris sa kanila. "Titus, sige na mag enjoy ka muna doon, Okay lang ako." "Hindi okay lang, ayokong iwan ka dito," ani ni Titus, at uminom na lang ng alak. Maya-maya ay bumalik sa pagkaka upo sila Nathan at Monica, kasama si Harris, na naupo narin kasama sila. "Titus, tol! Ang boring niyo naman kasama di kayo nag enjoy sa dance floor," wika ni Harris na nagpa iling-iling sa kanyang ulo. "Sorry tol, bawi na lang ako nextime, ayoko kasing iwan si Micah, dito mag isa," tugon ni Titus. "Anong nextime, walang nextime.. Kaya ito uminom kayo," ani ni Harris at inabot sa kanila ang dalawang nasa can na alak. "Ako lang tol, ang iinom. Hindi umiinom si Micah, nang ganito katapang eh." "Waahh..." Isang can lang naman yan Titus, hindi naman agad yan malalasing si Micah, sa isang can." "Inumin muna girl, isang can lang naman yan," sigaw ni Monica, kaya napasulyap sa kanya si Micah, tanaw ni Micah, ang mga kamay nito na naka-akbay kay Nathan, ang kaliwang kamay habang ang kanang kamay naman ay nakahawak sa dibdib ni Nathan. Ininom na lang iyun ni Micah, habang nakatingin ang kanyang mga mata kay Nathan, na nag eenjoy sa mga babaeng katabi. "Micah, dahan-dahan lang. Baka malasing ka agad niyan," pigil ni Titus sa kanya ng makitang di na kinuha ni Micah, ang isang can na alak sa bibig nito. Ininom na rin ni Titus, ang sa kanya. Maya-maya ay nakaramdam sila ng pagkahilo, pati Titus ay napakunot noo ng biglang sumakit ang kanyang ulo. "Titus, pumunta muna ako ng banyo," paalam ni Micah, at tumayo. Pakiramdam niya ay matutumba siya. Tumayo si Titus, para samahan si Micah, pero pinigilan ito ni Micah. "Okay lang Titus, ako na lang," ani niya at hinawakan ang balikat ni Titus, para maupo ulit. Umiikot ang paningin ni Micah, habang naglalakad sa banyo, pumasok siya agad dito at naghilamos. Nang makalabas na siya ay bigla siyang natumba na sinalo naman agad ni Nathan. "Nathan, sigurado ka bang hindi tayo mapapahamak dito, baka kasuhan tayo ng pamilya ni Titus," nag aalalang wika ni Harris. "Don't be afraid okay, Im attorney, so I know what I'm doing, ikaw na bahala sa lalaking yun," turo ni Nathan kay Titus na nawalan narin ng malay. Tumango naman agad sa kanya si Harris. Binuhat niya si Micah, papunta sa naka park na sasakyan niya. Habang buhat niya ito ay napatitig siya sa maamong mukha nito. "Sayang ka, dahil naging anak ka ng isang kriminal," bulong niya. Nang makarating na sila ng sasakyan niya, marahan niyang pinaupo sa frontseat si Micah, at sumakay narin sa driverseat. Kinabitan niya muna ito ng seatbelt, bago pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis ng bar. Dinala niya ito mansyon nila, pagkababa niya, binuhat niya agad si Micah, paakyat sa room niya. Wala ng katao-tao sa mansyon nila dahil tulog na ang mga ito. Marahan niyang pinahiga si Micah, sa kama niya. "Titus, Titus, bakit ang init," mahinang sabi ni Micah. Binuhat siya ni Nathan at pinainom ng tubig. Nang maidilat niya ang kanyang mga mata, agad itong lumuha. "Nathan? Ikaw ba yan?" umiiyak niyang sabi at niyakap ng mahigpit si Nathan, napako sa kinauupuan si Nathan, nang yakapin siya ni Micah. Maya-maya ay itinulak ni Nathan si Micah, at tumayo. May kinuha itong papel sa drawer at ballpen. "Sign this paper," ani ni Nathan at ibinigay kay Micah, na pinirmahan naman agad ni Micah, na di na niya binasa at nahiga na ng tuluyan sa kama ni Nathan. Ngumiti naman ng pagak si Nathan, nang makitang pinirmahan agad ito ni Micah, inayos niya ang pagkakahiga niya kay Micah, nagulat naman siya ng bigla siya nitong yakapin kaya napadikit ang katawan niya dito. "I miss you Natnat," bulong ni Micah, sa tainga niya na nagpatulala sa kanya at napakuyom siya ng kamao niya. Nang maramdaman niyang lumuwag na ang pagkakahawak ni Micah, sa kanya. Marahan siyang tumayo, at tinitigan muna si Micah, dahan-dahan niyang hinubad ang dress ni Micah, at napalunok siya ng tumambad sa harapan niya ang malulusog na bundok nito, tinanggal niya rin ang huling saplot ni Micah, napalunok siya at nag init ang buo niyang katawan ng makita kung gaano kaganda at kakinis ang katawan ni Micah, kinumutan niya ito agad at nagmamadaling pumasok sa banyo. Inilabas niya ang init ng katawan niya, nang maging okay na siya ay lumabas narin siya ng banyo na towel lang ang nakatakip sa katawan niya at tumabi ng higa kay Micah. Bawat dampi ng katawan nila na parehong walang saplot ay kakaibang init ang naramdaman ni Nathan, lalo na ng yakapin siya ni Micah, gusto na ng katawan niya galawin si Micah, pero pinigilan niya ito dahil wala ito sa plano niya, kaya ang init ng katawan niya ay napapalitan ng antok, hanggang sa nakatulog narin siya. Nang magising sa umaga si Micah, ay kakaibang sakit ng ulo ang naramdaman niya, tumagilid siya, nanlaki naman ang mata niya ng makita si Nathan, kaya agad siyang bumangon. Kinabahan naman siya ng makitang wala siyang suot na kahit ano, at nakita niya na lamang na nakakalat na ang damit niya sa sahig. Kahit nahihiya siyang gisingin si Nathan, na mahimbing na natutulog at hawakan ang katawan nitong hubad ay niyogyog niya ito. "Nathan, Nathan, anong nangyari?" tanung niya at kinuha ang kumot para itakip sa katawan niyang hubad. Bumangon naman si Nathan, at tumingin sa kanya. Nagulat naman sila ng biglang may bumukas sa pinto nila. "Hey, sino ka para mang istorbo sa pamamahay ko puwede kitang kasu...." naputol ang sinasabi nang Tita Olga ni Nathan ng pigilan nito si Titus at ang Mommy Edzlyn nito na pumasok sa room ni Nathan. Napatulala at napako naman ang tingin ni Micah kay Titus at Tita Edzlyn niya na halatang nagulat sa nakita ng mga ito. "Ha**p kang g*go ka! Plinano mo ang lahat ng ito!" sigaw ni Titus at nilapitan si Nathan at malakas na sinuntok. Agad naman ito pinigilan ng Mommy Edzlyn niya, tumawa lang ng pagak si Nathan, at pinahid ang labi na pumutok dahil sa pagkaka-suntok ni Titus sa kanya. "Halika na Micah," ani ni Titus, at pinulot isa-isa ang damit ni Micah, at hinila ang braso ni Micah. Tumayo si Nathan, na naka boxer lang ito at kinuha ang papel na kagabi lang pinirmahan ni Micah. "Bitawan mo ang asawa ko at umalis ka dito!" sigaw ni Nathan, na ikinagulat naman ng lahat lalong-lalo na si Micah. "Sira ulo ka, sinong asawa mo?! Sigaw ni Titus at lalapitan sana ulit si Nathan, pero agad binato ni Nathan sa mukha ni Titus, ang isang kapirasong papel. "Isang suntok mo pa sa mukha ko kakasuhan na kita, ng tresspassing! Basahin mo yang papel at umalis ka dito, bago pa kita kasuhan." Mabilis naman kinuha iyun ng Mommy Edzlyn ni Titus, at tiningnan. "Marriage Contract?! takang tanung ng ginang at tiningnan si Micah, na nagulat din sa narinig. Mabilis din ito kinuha ni Titus, at tiningnan ito. Napayukom siya ng kamao, pero mabilis parin niyang hinila si Micah, para umalis. "Halika na Micah, plano lang lahat ito ng lalaking yan, umuwi muna tayo saka natin isipin ang divorce niyo," hila ni Titus, sa kanya pero mabilis niya din tiningnan ang papel, napakunot noo siyang makitang pinirmahan niya nga ito. "Titus, Tita Edzlyn, umuwi muna kayo. Kakausapin ko lang si Nathan," nakayuko niyang sabi dito na tinanguan naman ng Ginang. "Hindi Micah, sasama ka samin ni Mom, uuwi! Kakasohan natin ang man**k na attorney na yan," sabi ni Titus na namumula na ang mukha sa galit. "Sige na Titus, iwan niyo muna ako dito, kailangan ko muna siyang makausap!" singhal niya kay Titus, na nagpa inis lalo kay Titus, at napakamot sa ulo nito. "Bahala ka!" sigaw ni Titus at agad lumabas ng kuwarto ni Nathan. "Tita, Im sorry! Kailangan ko muna siyang kausapin," umiiyak niyang sabi kay Tita Edzlyn niya. "Ok, sige Mikay, maiwan muna kita dito pero umuwi ka mamaya, kailangan natin mag usap, wag kang mag-alala kay Titus, kakausapin ko na lang," tugon ng ginang at lumabas narin ng kuwarto. Naiwan naman ang Tita Olga, ni Nathan na nakatingin sa kanila pareho. "Nathan, ano ba tong pinasok mo, paano mo naging asawa ang babae yan, sa dinami-dami ng mga babae mo, bakit yan pa ang inasawa mo na anak ng babaeng pumatay sa___" "Stop, Tita Olga!" putol ni Nathan sa sasabihin ng tita niya. "Can you leave my room first, dahil kailangan pa namin mag-usap!" singhal niya dito. Inis namang lumabas si Olga, sa room ni Nathan. "Nathan, anong ibig sabihin niyan, paano tayo naging kasal, paano ako napunta dito sa kuwarto mo?! sigaw niyang tanung ng makaalis na si Olga. "Wag ka ngang mag, ma-angan, siyempre sumama ka sakin at pinirmahan mo yan, hindi kita pinilit kusa mo yang pinirmahan." "Dahil wala ako sa katinuan, hindi ko alam kung bakit ako nalasing kagabi, Nathan, puwede naman i-annuled diba, wala pa naman yang bisa." "Nope, may bisa na yan dahil niregister ko na yan sa munisipyo, at hindi agad na aanulled ang marriage contract na kaka register lamang, maghintay ka ng isang taon bago mo ianulled yan, pero sa ngayon, you're my wife and I'm your husband, pagsisilbihan mo ko bilang asawa mo, dahil kung hindi kakasuhan ko si Titus, at ang mom niya ng tresspassing sa pamamahay namin." "Nathan, puwede naman kitang pagsilbihan kung yan ang gusto mo, pero hindi sa ganitong paraan." "Pero ito ang gusto ko, ang pagsilbihan mo ko, ang hawakan ka sa leeg at ang pahirapan ka, para mahirapan at masaktan din ang nanay mo!" singhal ni Nathan, sa kanya na nagpatulala kay Micah. Ibig sabihin kaya ginagawa ito ni Nathan, para makaganti sa nanay niya. Hindi na napigilan ni Micah, ang pagtulo ng mga luha niya. "Bakit ka umiiyak? Diba dapat masaya ka, tinupad ko ang pangako ko sayo na maging asawa kita, so enjoy being my wife," ani ni Nathan at iniwan na siya pumasok ito sa banyo. Naiwan siyang humagolgol ng iyak, at nahihiya na siyang magpakita pang muli kay Titus at sa Tita Edzlyn niya, na nagpa-aral sa kanya at kumupkop sa kanya ng ilang taon, dahil nasaktan niya ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD