Episode 6

2134 Words
Nang makalabas si Nathan, sa banyo naabutan parin nito si Micah na tulala. "Hey, starting today you live here," ani nito kay Micah, bago ito lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ng binata, dahan-dahan naman tumayo si Micah, at pinulot isa-isa ang kanyang dress at panloob niyang kasuotan. Hindi parin siya makapaniwala sa nangyari, lalo ng maabutan siya ni Titus at ng ina nitong hubo't hubad, pakiramdam niya napakasama niyang babae. Pumasok siya sa banyo at inilock iyun, tiningnan niya ang kanyang buong katawan sa salamin na lumuluha. At nagtataka kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ni Nathan, dahil wala naman siyang kakaibang naramdaman sa katawan. Marahan niyang pinahid ang mga luha at isa-isang sinuot ang kanyang mga kasuotan. Nang makapagbihis na siya dahan-dahan na siyang lumabas sa kuwarto ni Nathan, at bumaba ng hagdan. Tanaw niya si Nathan, sa isang malaking lamesa kasama ang ama nito at ang tita Olga ng binata na nag-aalmusal. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya ng makita ang mga ito. Hiya, takot, at kinabahan siya sa mangyayari, na iisiping titira siya sa bahay kasama ng mga ito, kung saan pinagbintangan ang nanay niyang pumatay, ni hindi nga niya naisip na makakatuntong pa siya ulit sa mansyon na ito. Tiningnan lang siya ng mga ito pero hindi naman siya pinansin, kaya dumiretso na lamang siya sa pintuan para lumabas. Aalis na sana siya ng marinig pa niya ang boses ni Nathan. "Hey! Where are you going? Are you blind? Nakita mo naman kami, hindi ba? Hindi ka ba marunong magpaalam?" tanung nito na nakapamulsang nakasandal sa pintuan. "Baka nakalimutan mong asawa na kita, asawa muna ako, kaya sa susunod magpaalam ka muna bago ka umalis," anas nito sa kanya. "Uuwi lang ako para kumuha ng mga gamit ko." "Diba dito lang din sila nakatira sa village? Tanung nito ng marahan namang tinanguan ni Micah. "Naldo, samahan mo siya sa dating amo niya, kukunin niya ang mga gamit niya doon, isang oras lang kayo doon ha, bumalik kayo agad," utos nito sa driver. "Ah, wait Naldo, maglakad lang kayo. Malapit lang naman," tugon niya sa Driver ng makitang sumakay ito ng sasakyan, para ipagmaneho sana ang dalaga. Kaya bumaba na lamang ito para samahan si Micah. Tiningnan ni Micah si Nathan, pa iling-iling itong pumasok sa loob ng bahay. "Tara na Ma'am, isang oras lang ang binigay sa'tin ni Sir Nathan, kailangan agad nating bumalik," saad ng driver ng makitang tulala pa siyang nakatingin sa pintuan ng malaking mansyon nila Nathan. Kaya marahan siyang tumango kay Naldo at naglakad narin palabas ng gate. Naisip niya, na tama na tumira siya sa mansyon ni Nathan, para alamin kung sino talaga ang pumatay sa ina ng binata, at mapatunayan niya dito na walang kasalanan ang kanyang nanay, na kahit kailan ay hindi nito kayang pumatay ng tao. Baka sakaling sa pagtira niya sa mansyon ng binata ay malaman niya ang katotohanan sa pagkamatay ng ina nito. Malapit na sila sa bahay ni Titus, Pansin niya ang matandang si Naldo na panay tingin nito sa orasan, na halatang takot malate sa oras na sinabi ni Nathan. Hindi siya makapaniwala na sobrang laki ng ipinagbago ni Nathan. Kahit siya ay nakaramdam rin ng takot na isiping araw-araw na niyang makakasama ang binata. Siguro kung sa tamang pagkakataon lang sana, ay masaya sana siyang isipin na kasama niya araw-araw si Nathan, pero hindi eh. Magiging kasama niya ito araw-araw para pahirapan siya, at ipamukha sa kanya na anak siya ng taong pumatay sa ina nito. Nasa harapan na sila ng bahay ni Titus, kaya tiningnan niya ang matandang nakasunod sa kanya. "Manong, dito niyo na lang ako hintayin." "O sige ma'am, pero bilisan niyo lang po ang kilos niyo ma'am ha! Baka magalit kasi si Senyorito Nathan, pag matagalan tayo," tugon nito sa kanya kaya marahan niya itong tinanguan. Pumasok siya sa gate na agad naman siyang sinalubong at hinila ni Ate Merced, ang braso niya. "Mikay, anong nangyari? Bakit umuwi si Senyorito Titus, na nagwawala at galit na galit, na parang halos lahat ng gamit dito, gustong basagin. Mabuti na lamang at naawat ito ng kanyang ina." nag aalalang wika ni Ate Merced. Kaya di na niya napigilan ang pagtulo ulit ng mga luha niya. "Hindi ko alam Ate merced, nagising na lamang ako na walang saplot na kahit ano, at katabi si Nathan," lumuluha niyang sagot dito kaya niyakap siya ng mahigpit ni Merced. "Tahan na, tahan na Mikay, sana pala kagabi, hindi kita tinuruan na magsuot ng maganda, hindi ka sana maging instant asawa. Sino bang Nathan, yang sinasabi mo? Ito ba yung Nathan, na kini-kuwento mo sa akin na kababata mo?" tanung ni Ate merced na tango lang ang naging tugon ng dalaga. "Anong plano mo ngayon Mikay?" "Nandito ako para magpaalam ng maayos kila Tita Edzlyn at Titus, at sa inyo ni Manang Elsa, gusto ni Nathan na doon na ako tumira sa mansyon nila." "Ano?! Pumayag ka naman ba Mikay? Paano kung saktan ka nila doon o alilain, dahil sa pinatay ng nanay__" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Merced ng magsalita ulit si Micah. "Ate merced, alam ko po iyun, na gusto lang akong pahirapan ni Nathan, para ipaghiganti ang mommy niya. Pero buo na rin ang desisyon ko, pumapayag ako sa gusto niyang tumira ako doon sa mansyon niya. Baka pag nandoon ako malaman ko ang totong pumatay sa ina niya at malinis ko ang pangalan ng nanay ko," mahabang paliwanag niya kay merced na hindi parin maipinta ang mukha nito. Dahil alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya. "Sige na Ate Merced, magliligpit muna ako ng gamit ko para dalhin," paalam niya at tinapik muna ang balikat ni Merced bago pumasok sa kuwarto niya. Pagpasok niya sa kuwarto niya, napabugtong hinga muna siya ng malalim, at nalulungkot siyang isipin na lilisanin na niya ang kuwarto na sampung taon na niyang ginagamit. Ang kuwartong saksi sa pag iyak niya, lungkot at saya. At ang mga alala nila ni Ate merced at Titus, ang tawanan at kulitan nila sa isa't isa. Hindi na naman niya napigilan ang pagtulo ng luha niya, habang sinisimulan na niyang iligpit ang mga gamit niya. Binilisan niya rin ang kilos niya ng maalala ang sinabi ni Nathan. Nang matapos niyang iligpit ang mga mahahalagang gamit niya, ay pumunta muna siya sa kuwarto ng tita Edzlyn niya. Kumatok siya at rinig naman niya ang sigaw ng ginang. "Come in!" ani nito kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, kita niyang nakatingin na sa kanya ang ginang na nakaupo sa sofa. "Mikay, maupo ka dito sa tabi ko," yaya nito sa kanya na tinanguan niya na lang. Lumapit siya dito na nakayuko at naupo sa tabi ng ginang. Agad namang hinawakan ng ginang ang kamay niya kaya maluha-luha niya itong tiningnan. "Sinabi sa akin ni Titus, na si Nathan ay kababata mo at anak ng sinasabing pinatay ng iyung nanay. Tama ba?" tanung nito na tango lang ang naging tugon niya. "Ano plano mo Mikay? Kung ano ang plano mo, gagawin ko ang lahat para tulungan ka." "Tita, gusto ni Nathan, na tumira ako doon sa mansyon nila. Pumayag na ako Tita, dahil baka sa pagtira ko doon. Malaman ko kung sino talaga ang pumatay sa ina ni Nathan." "Pero, What if they hurt you Mikay?" "Wag kayong mag alala sakin tita, iingatan ko na lang ang sarili ko doon." "Fine, If that's your decision. But if you need a help Im just here, I'm ready to help you anytime iha," ani ng ginang at mahigpit siyang niyakap. "Thank you Tita, napaka- suwerte ko dahil nakilala ko kayo, napakabuti niyo po sa akin." "It's okay iha, itinuring na kitang tunay kong anak, kaya nag aalala ako ngayon sa nangyayari sayo." "Naiintindihan ko po kayo tita, kaya maraming salamat po," tugon niya na ngumiti at tinanguan naman ng ginang at may iniabot itong sobre sa kanya. "Pera iyan Mikay, baka kailanganin mo yan," saad ng ginang sa kanya. "Pero Tita, hindi niyo___" "Mikay, tanggapin mo yan!" putol nito sa sinasabi niya. "Alam kong napakabuti mo iha, kaya tanggapin mo ang perang yan at itago mo, baka sakaling kailanganin mo yan, nailigpit muna ba ang mga gamit mo?" tanung ng ginang na tango lang ang naging tugon niya. Nahihiya man siyang tanggapin ang pera, pero tama din naman ang ginang na baka kailanganin niya ang pera. Sabay silang tumayo at lumabas narin sa kuwarto ng ginang, hinila niya ang maleta niya pababa ng hagdan, pero dumating si Titus, na halatang lasing ito at kinuha ang maleta niya. "You can not leave here!" sigaw nito at mabilis na inakyat ang kanyang maleta. "Titus! Son, let her go! Give it back to her luggage! Nakapag desisyon na si Mikay, hayaan muna siya!" sigaw ng ginang kay Titus. "No, Mikay, please! Isipin mong mabuti, sasaktan ka lang ng lalaking yun, dahil pinatay ng nanay mo ang nanay niya. Umaasa ka parin ba na totohanin niya ang pangako niya sayo nung mga bata pa kayo, Com'on wake up!" sigaw ni Titus, kaya nagsimula ulit lumabo ang kanyang mga mata dahil sa namumuong luha, na masagana namang umagos sa mukha niya. "Alam ko yun Titus, pero kasal na kami. Pumayag na ako sa gusto ni Nathan, na doon tumira sa kanila, dahil may plano ako. Gusto kong alamin ang katotohanan, kung sino talaga ang pumatay sa ina ni Nathan, kaya sige na Titus, ibalik muna sakin ang maleta at hayaan muna ako." "Kung yan ang gusto mo Micah, na alamin ang totoo sa pagkamatay ng ina niya, I'll help you, hindi mo kailangan, tumira sa isang bahay kasama ang lalaking yun Mikay, trust me tutulungan kita," sabi ni Titus at mahigpit parin hinawakan ang kanyang maleta. Marahan na lamang siyang tumango dito, para tumigil na si Titus. Patutulugin niya na lang muna ito bago umalis, dahil halata sa mga mata nito na inaantok na at mukhang naparami din ang nainom nito. Ngumiti namang bumaba ng hagdan si Titus at mahigpit siyang niyakap. "Trust me Mikay, trust me. I help you," bulong nito sa tainga niya habang niyakap siya nito ng mahigpit. "Yes, Im always trust you Titus," mahinang boses na tugon niya sa binata, bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa kanya na ngumiti. Pero inis itong lumingon ng may narinig na nagsalita sa tapat ng pintuan. "Ma'am, halika na po, lumagpas na tayo sa isang oras na sinabi ni Sir Nathan, baka magalit po iyun," ani ni Mang Naldo na mabilis naman binasag ni Titus sa harap nito ang pinulot na Vase. Napapiyok naman ang matanda sa gulat. "Get out! Hindi aalis si Micah, bumalik ka sa amo mo," sigaw ni Titus, habang papalapit kay Naldo. Mabilis naman umatras si Naldo at tumakbong papalabas ng gate. "Son, calm down! Go to sleep first," ani ng ginang at hinila ang braso ni Titus para sana umakyat sa kuwarto nito, pero mabilis naman ito iwinaksi ni Titus. "Mom, I don't want to sleep. Because I know, when I slept, Micah is leaving," sabi nito at naupo sa harap ng pintuan. Tinabihan naman ito ni Micah, at hinahaplos ang likod ni Titus. "Micah, promise me! Na, hindi ka aalis dito." "Oo, hindi ako aalis dito," tugon niya at niyakap si Titus. Naabutan naman ni Nathan ang ganong eksena kaya napakuyom siya ng kamaong pumasok sa gate nila Titus. "Micah, are you enjoy hugging that guy?" bungad na tanung ni Nathan at masamang nakatitig sa kanilang dalawa ni Titus. Mabilis naman tumayo si Titus at agad nilapitan si Nathan. "Ikaw, You should not returned here in Philippines. Masaya na si Micah na kasama kami eh, nasira ng dumating ka, get out! Get out here!" sigaw ni Titus at itinulak si Nathan. "Im leaving here, If my wife is come with me," walang emosyon na sabi nito kay Titus na ikinangiti naman nito ng pagak. "What wife? Who is your wife? Are you day dreaming, you have no wife here, leave!" tulak ulit ni Titus, pero gumanti si Nathan at malakas din siya nitong itinulak. Dahilan kaya napabagsak ng upo si Titus. "Nathan!" sigaw ni Micah, at mabilis na inalalayan tumayo si Titus. Lumapit din ang ina ni Titus, at hinawakan ito. "Let's leave here, o tatawag ako ng pulis para ipadampot ang lasing na yan, at kakasuhan kong kidnaper ng asawa ko?" anas nito sa kanya. "Tita, kayo na po ang bahala kay Titus, Titus, aalis na ko," paalam ni Micah at mabilis na hinila ni Nathan, palabas sa gate nila Titus. "No! Micah, wag kang sumama sa kanya!" rinig pa niyang sigaw ni Titus. Pero hindi na niya ito nilingon, dahil mahigpit ang pagkakawak ni Nathan sa braso niya. "Nathan, bitawan mo ko nasasaktan ako," mahinang boses na sabi niya pero tila walang narinig ang binata, mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD