Episode 7

2204 Words
Micah POV, Mahigpit ang pagkaka-hawak sakin ni Nathan, hanggang sa makarating kami sa mansion nila. At agad akong itinulak papasok sa gate ng mansion. Masama akong tiningnan nito at umalis sa harapan ko, pumasok ito sa loob ng mansion na marahan ko namang sinundan na nakayuko. "Manang Gina, pakihatid ang babaeng yan sa isang bakanteng room katabi ng maid's room," tugon ni Nathan na ikinahinto ko sa paglalakad dahil sa narinig ko. Naalala ko noon ang bakanteng room na sinasabi ni Nathan ay ang driver's room, na matagal ng hindi ginagamit dahil hindi na kumukuha noon si Ma'am Anna, na stay in driver nila, dahil lagi daw may ginagawang milagro ang stay in driver nila at ang kasambahay. Kaya ginagawa na nila itong tambakan ng mga gamit. Alila nga lang ang turing sakin ni Nathan at hindi asawa. "It's ok Mikay, it's okay, isipin mo na lang para ito sa Nanay mo," bulong ko sa aking sarili, para kumalma ang sakit na naramdaman ko, ayoko ng umiyak. Iginiya ako ng matanda papunta sa bakanteng room na sinasabi ni Nathan. Nasa likod ito ng bahay na kaharap ng hardin at katabi sa isang maid's room na kuwarto ng ibang kasambahay nila. Binuksan ng matanda ang kuwarto, nakita kong maalikabok ito masyado, dahil sa tagal ng hindi ginagamit. Marami itong mga sapot ng gagamba at mga ipis, dahil maraming mga gamit na nakatambak. "Iha, tutulungan ka na lang namin muna maglinis sa kuwarto mo," saad ng matanda na tango lang ang naging tugon ko. Nagsimula na kaming maglinis, tinanggal namin ang mga nakatambak na gulong at ibang gamit sa sasakyan, mayroon din mga nakatambak na mga naglalakihang mga karton. Pinunasan naming mabuti ang bawat sulok ng bintana, at nilagyan ng kurtinang kulay lavender. May sariling banyo na ito at maliit na kama, na nilagyan ng cover na may pintang bulaklak ng lavender at ang kulay nito. Walang aircon kaya nilagyan nila ito ng electricfan. May mga drawer at kabinet kaya inilagay ko na rin ang mga gamit ko. Hapon na kami natapos sa paglilinis, masasabi kong mas maayos at mas malaki ang kuwarto ko sa bahay nila Titus. Naupo muna ako sa labas ng room ko na kaharap ng hardin para magpahangin. Nagsimulang magbalik ang alala ko noong bata pa ako, ang tawanan namin ni Nanay habang naglalaba. Ang habulan namin ni Nathan paikot sa mansyon nila. Namalayan ko na lang na umagos na pala ulit ang mga luha ko. Sabi ko hindi na ko iiyak, pero hindi ko pala kayang pigilan ang pag patak ng mga luha ko. Napahinto ako sa pag iisip at agad pinahid ang mga luha ko sa mukha. Nakita kong lumabas si Nathan at agad sumakay ng kanyang sasakyan. Napaka- guwapo niya sa suot niyang Toxedo na light blue. Tumingin muna ito banda kung saan ang kuwarto ko, bago ito sumakay ng sasakyan at umalis. Nang makaalis ang sasakyan ni Nathan, tumayo narin ako para puntahan sila manang para matulungan ko sa mga gawain. Naabutan ko ang mga ito na busy sa paghahanda ng hapunan. "Manang Gina, tutulungan ko na po kayo," ani ko at lumapit sa matanda. "Wag na iha, magpahinga ka na lang alam kong napagod ka sa paglilinis ng kuwarto mo," saad nito na ikinataas naman ng kilay ng isang kasambahay nila Nathan na sa tingin ko ay di nalalayo sa edad ko. "Hello manang! sanay yan sa gawain nuh, anak kaya yan siya sa labandera dito dati na pumatay kay Ma'am anna," natatawang sabi nito na ikinayuko ko na lamang. "Ano ka bang babae ka, tumahimik ka nga diyan!" singhal sa kanya ni Manang Gina kaya umalis ito sa harapan namin. "Wag mong intindihin si Ailyn, ganyan talaga yan chismosa, palibhasa gustong gusto ni Ma'am Olga. "Sige na, magpahinga ka muna sa room mo, tawagin na lang kita pag maghapunan na tayo, hindi naman kakain sila boss dito dahil may party na pupuntahan," tugon sakin ng matanda na tinanguan ko. "Sige po manang, sa kuwarto na lang po muna ako," paalam ko at naglakad pabalik sa room ko. May pinuntahan pa lang party si Nathan kaya ganun ang ayos. Pumasok ako sa kuwarto ko at nahiga sa kama. Dahil sa pagod at puyat ay nakatulog naman agad ako. Nagising na lamang ako na may kumatok kaya agad akong bumangon at pinagbuksan iyon. "Iha, kain na tayo," yaya sakin ni Manang Gina, kaya tumango ako dito at sumunod sa kanya naglakad. Magkatabi kami ni Manang naupo sa isang lamesa na may nakahandamg pagkain. "Sige na iha, kumain na tayo, yung si Ailyn nauna na ayaw niya tayong kasabay sa pagkain," saad ni Manang Gina at nilagyan ako ng pagkain sa plato ko. "Diba asawa kana ni Sir Nathan, pero bakit sa maid's room ka niya pinapatulog diba dapat sa kuwarto niya?" tanung ng isa pang kasama naming kumain na ikinayuko ko lamang. Dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. "Hay naku Lenlen! kumain kana diyan at wag kanang magtanong kung ano-ano," sabat ni Manang Gina para tumahimik si Lenlen, na sa tingin ko ay mas matanda lang sa akin ng tatlong taon. "Ate Lenlen, ilang taon kana pala?" tanung ko para ibahin ang usapan namin. "Ah twenty five naku, ikaw bata ka pa nuh?" sabat naman nito. "Oo, twenty pa lang ako, twenty five kana pala akala ko twenty three ka pa lang." "Ay! Bolera, bakit hindi ba halata kahit stress ako sa asawa ko," natatawang tanong nito. Hanggang sa tumagal na ang aming kuwentuhan sa harap ng hapagkainan. Na ikuwento ni Ate lenlen sa amin na may asawa na siya at isang anak sa firstlove niya. "Ikaw Mikay, may firstlove kana ba?" tanong nito sa akin na ikinangiti ko naman. "Oy! Ngumiti siya, sino firstlove mo at ilang taon ka nagka firstlove?" natatawang tanong ulit ni Ate lenlen. "Ah- Eh, noong ten ako may firstlove na ako," nahihiya kong saad dito na ikinatili naman ni Ate lenlen. "Sino yan? Huhulaan ko, si Sir Nathan ba yan?" tanong ulit ni Ate lenlen na marahan kong tinanguan na nagpatili na naman ulit sa kanila. "Firstlove muna pala si Sir Nathan noong ten ka, ngayon asawa muna siya. Hanggang ngayon ba siya parin ang firstlove mo?" tanong ulit nito. Natahimik muna ako saglit sa tanong ni Ate lenlen, at marahan ko namang tinanguan. Nang biglang may narinig kaming umubo sa likuran namin, kaya sabay-sabay kaming tumayo. Marahan akong lumingon, nakita kong nakatitig sa akin si Nathan na ikinayuko ko ulit. Hindi ko kayang makipag titigan kay Nathan, pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. "Manang pakidalhan ako ng tubig sa kuwarto ko," tugon nito at agad na umalis sa harapan namin at umakyat. Habang ako ay nanatili parin nakayuko, parang ayaw kumilos ng katawan ko. Lalo ng maisip ko na narinig ni Nathan ang usapan namin kanina. "Ang guwapo ni Senyorito Nathan sa suot niyang Toxedo, ang lakas ng appeal parang yung mga artistang napapanood ko sa korean o turkish," tili ni Ate lenlen. Inihanda narin ni Manang Gina ang tubig na iaakyat sa taas, isang maliit na petcher ito na babasagin at isang baso na nakalagay sa isang tray. "Manang, ako na lang po ang magdadala ng tubig ni Nathan," saad ko. Tumango naman si Manang Gina at ibinigay sa akin ang hawak niyang tray. Umakyat ako patungo sa kuwarto ni Nathan. Kumatok muna ako na agad naman nito binuksan. Bigla pa kong natulala ng makita si Nathan na nakahubad na ang pang itaas na damit nito. Pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko at sunod-sunod na napalunok ng mapatitig ako sa dibdib nito at ang nagpuputukang mga muscle nito. Tumingin din ito sa akin na mukhang nagulat din ng makitang ako ang nagdala ng tubig. "Na- na- Nathan tubig mo," nauutal kong saad na mabilis niya naman kinuha sa akin at walang sabi-sabi ay sinirado agad ang pinto. Napabugtong hinga agad ako, pagkatapos isarado ni Nathan ang kuwarto niya at bumaba narin. Pagbaba ko nagpaalam na rin ako kay Manang, na dumiretso na ako sa kuwarto ko. "Okay Micah, Goodnyt," saad ni Manang na nginitian ko lang sila ni Ate lenlen. Pumasok ako sa kuwarto ko, pagkatapos kong makapaglinis ng katawan ay nahiga na ako sa kama. At hindi mawala wala sa isip ko ang mga titig sa akin ni Nathan. Alam kong hindi tama ang naramdaman ko, hindi ko dapat mahalin si Nathan kahit na sabihin na asawa ko na siya. Dahil sa pinaparamdam nito sa akin at pakikitungo, alam kong wala itong naramdaman sa akin. Ginawa lang ako nitong asawa dahil gusto lang nito maghiganti sa Nanay ko. Pero sa tuwing nakikita ko si Nathan, may kaibuturan sa puso ko na masaya ako, kahit makita ko lang siya saglit. Nakatulog ako na ang laman ng isip ko ay si Nathan. Maaga naman ako gumising dahil may pasok pa ako sa eskuwelahan. Six thirty pa nang pumunta ako sa kusina para mag almusal. Naabutan ko ulit si Manang Gina. "Oh iha, may pasok ka pala ngayon!" "Opo manang kaya mag aalmusal na po ako ng maaga." "Oh sige maupo ka, may naluto na kong toccino at kanin diyan, kung hindi ka naman kumakain ng kaning sa umaga, may tinapay at iba't ibang palaman tayo, kung ano ang gusto mo," saad nito sa akin. Kumain na ako ng kunting kanin at nagtimpla na lang ako ng coffee na may creamer. Pagkatapos kung mag almusal ay hinihintay ko sanang bumaba si Nathan para magpaalam, kaso mag alas siyete na ng umaga hindi parin ito lumabas ng kuwarto, baka malate na ko pag hihintayin ko pa siya. Kaya nagpaalam na lang ako kay Manang Gina na siya na ang magsabi kay Nathan, kung nasaan ako. Nasa gate na ako ng school, nang dumating naman ang sasakyan nila Titus. "Mikay!" sigaw agad ni Titus nang makalabas ito ng sasakyan at nakangiting naglakad papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I miss you Mikay, mabuti pumayag ang asawa mong hilaw na pumasok ka parin sa school," mahinang saad nito at bumitaw na rin sa pagkakayakap. "Ang totoo hindi ako nakapag paalam kay Nathan na papasok ako ngayon__" "I have something for you Mikay, niluto ito ni Manang Elsa, dalhan daw kita ng snack," putol ni Titus sasabihin ko. Halatang ayaw niyang marinig ang pangalan ni Nathan. Kaya nginitian ko na lamang ito. Kukunin ko na sana ang baonan, pero bigla itong ipinasok ni Titus sa bag niya ulit. "Bakit? Akala ko ba para sa akin yan," taas kilay kong tanong dito pero nginitian lang ako ni Titus. "Ako na ang magdadala sa baonan natin. For surely we will be snack later," nakangiting saad nito at hinila kamay ko para pumasok na kami sa gate. Isang taon na lang ay matatapos na kami ng kolehiyo ni Titus. Siguradong matutuwa si Nanay pag nalaman niyang tapos na ko, pero hindi ko lang alam kung matutuwa siya pag malaman niyang may asawa na ako. At si Nathan iyun. Pagkatapos ng ilang subject namin, hinintay nga ako ni Titus para sabay kami mag snack. Binuksan ko ang baonan na binigay niya. Laman nito ay Carrot cake na gawa ni Manang Elsa. "Wow, namiss ko tong carrot cake ni Manang Elsa," nakangiti kong saad kay Titus na ikinatuwa naman niya. "Just tell me when you want to eat it again. I will say to manang Elsa, para gawan ka ulit," tugon ni Titus na tinanguan ko naman. Pagkatapos naming mag meryenda bumalik na rin kami sa next subject namin. Sa canteen na rin ako kumain ng lunch, dahil nahihiya akong umuwi sa mansyon nila Nathan para kumain, sumabay naman sakin si Titus kumain ng lunch sa canteen. Hanggang matapos ang buong maghapon ko eskuwelahan kasama ko lagi si Titus. "Mikay, let's us sit down here, at sabay na natin pag aralan ang homework natin bukas," yaya sakin ni Titus sa isang bakanteng upuan sa bermuda grass ng eskuwelahan. Tumango ako at naupo sa tabi niya, habang inaaral namin ang homework namin, ay nakaramdam na ko ng antok, hindi kasi ako masyado nakatulog kagabi dahil namamahay pa siguro ako. Maya-maya ay naisipan ko na lang ipatong ang ulo ko sa balikat ni Titus at ipinikit ang mga mata. Nagising naman ako ng marinig ko ang boses ni Nathan, agad naman nanlaki mata ko ng pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. "Let's go home," walang emosyong sabi ni Nathan at agad hinila ang kaliwang kamay ko. Napahinto naman ako ng hilahin din ni Titus ang isang kanang kamay ko. "Can you take care of Mikay! Do not make her tire and hurt," tugon ni Titus na ikinatingin ni Nathan sa kanya. "None of your business, just stay away from my wife," singhal ni Nathan kay Titus, kaya marahan namang binitawan ni Titus ang pagkakahawak sa akin. Hinila ako ni Nathan palabas ng eskuwelahan at agad pinagbuksan ng sasakyan. "I just want to remind you, that you are already a married woman. Don't tell me, you're like your mother there is a innocent face but has a bad habit." "N-nathan wag mong isali sa usapan ang Nanay ko, at wala kaming ginagawang masama ni Titus, kapatid ang turing ko kay Titus," naluluhang kong paliwanag kay Nathan. Pero hindi na ako nilingon nito at pinaharurot na ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD