Maaga pa lang ay nasa school na ako.Kumakalam ang sikmura ko dahil hindi din ako kumain kagabi.Kinaugalian ko ng mag almusal bago umalis ng bahay.Nagulat ako ng nasa harapan ko si Carlo.
"Ang aga mo naman po maam Krisha,nauna pa kayo sa mga Estudyante mo
"May gagawin lang ako sir,kaya maaga akong pumasok.
"Himala ha,dati inuuwe mo trabaho mo ah.Krish,tuminginnka nga sa akin,may problema ka ba?
"Naku,w--wala ako may problema?
Si Carlo Solidad ay co-teacher ko.Sabay kaming nagtrabaho sa school na ito at matanda ito sa akin ng limang taon.Siya ang pinakaclose ko sa lahat na guro dito.Minsan tinutukso kami ng mga estudyante ko at mga co-teachers dahil sa closeness namin.
"I have a cup of coffee here,sayo nalang at ensaymada.
"Naku,huwag na pagkain mo 'yan.
"Krish,sa aga mong ito alam kong hindi ka pa kumakain.Saka kilala na kita noh,ganito nalang hati tayonsa coffe at ensaymada.Hindi ko kasi alam na maaga ka kaya para sa akin lang binili ko.
"Makulit ka talaga,sige na nga.Salamat..
Kumain na nga kami at naikwento ko sa kanya ang nalaman ko kagabi.Nalungkot naman ito para sa akin.Si Carlo lang ang nand'yan palagi para sa akin.
"Gavin may meeting ka mamaya ha with mr.Untalasco.
"Ikaw nalang umattend Kyle,may pupuntahan ako.
"At saan?Patay ka nanaman kay tito nito paghindi ka pupunta.
"Kyle may aayusin lang ako.Birthday ni mom ngayon at pupunta ako sa bahay n'ya.
"Alam ba ni chairman?
"Ikaw na bahala kay daddy total close naman kayo.
"Hindi mo ba alam Gav na ako lagi ang nasasabon?
"Magpasabon ka lang ng magpasabon kay daddy,ako magbabanlaw sa'yo..
Wala nanaman nagawa ang pinsan ko kundi ang sundin ako,parang magkapatid na kami ni Kyle mula noong highschool ay magkaklase na kami hanggang nagcollege dahil pareho ang degree namin.Nakatapos akong summa c*m laude at sya naman ay cumlaudee lahat yata ng kalokohan ay nakuha ko sa pinsan kong ito.Kung gaano ako katahimik noong elementary kabaliktaran naman noong highschool.Natutu na din akong mambully gaya ng ginawa sa akin ng mga kaklase ko noong elementarya ako at isang batang babae lamang ang hindi gumagawa sa akin noon.Bumalik nanaman sa alaala ko ang pangyayari noon.
Flashbacks....
"Wala s'yang mommy,kabit ang kasama ng daddy niya ngayon,kabit ang kasama ng...
"Tama na,wala na ba kayong ibang nakikita kundi s'ya?Mag-aral nga kayo final exam natin ngayon!Magtatapos na tayo sa elementarya si Gavin parin ang nakikita ninyo!
"Oy nagagalit na si maam Sungit na bata mag-aral na tayo...
"Ok ka lang Gav?
"O...ok lang ako salamat.
End of Flash backs....
Hindi ko talaga maalala kung sino ang kaklase ko na iyon,dahil ba wala akong iniintindi noon kundi ituon sa pag-aaral ang isip ko at walang ibang iniintindi kundi ang pambubully ng mga kaklse ko?
"Gavin kailangan natin mag-usap!
"Dad may pupuntahan ako ngayon,kailangan ko mabisita si mommy.
"Unahin mo muna ang business meeting with mr.Untalasco,baka si Kyle nanaman ang papuntahin mo!
"Dad,its my mom birthday.Hindi ka ba pupunta?
"Para ano?maalala ko lang na iniwan niya tayo noon at mas inuuna niya ang gusto niyang magtravel around the world.
"Dad,alam ko naman na kasalanan mo kung bakit mas pinili ni mom naiwan ka at nagtrabaho nalang bilang stewardes para mapalayo sa'yo.Ikaw ba naman mag-uwi ng babae dito sa bahay?
"Gavin baka nakalimutan mo na ang tita Jelyn mo na ang nag alaga sa'yo mula ng iniwan ka ng mommy mo dito sa mansyon!Laking hirap ng tita mo para mapalaki ka dahil sakitin kang baby,at limang buwan ka lang ng iniwan ka ng mommy mo sa akin.
"Dad,hindi umalis ang mommy at nagtrabaho para iwan ako.Umalis s'ya dahil sayo.
Isang malakas na suntok na naman ang tumama sa akin dahil sa pagsagot sagot ko sa ama ko.
"Wala kang respito!hindi kita pinalaki para sumagot sagot sa akin!Pinaaral kita,binigyan ng magandang buhay at binigyan ng mag- alaga na mahalin ka higit pa sa mommy mo!Namatay si Jelyn dahil sa kagagawan mo!
"Yan na nga ba hinihintay ko na masabi mo dad,ako nga talaga ang sinisisi mo sa pagakamatay ng kabit mo?Dad,hindi ko na kasalanan yong pagpunta niya sa camping ko noong high school.Diba inutusan mo s'ya na dalawin ako sa camping site at kasalanan ko ba na naaksidente s'ya?Hindi ba dapat ikaw ang sisihin dad?
"Wala kang modo,Gavin!Wala kang utang na loob!
Hindi na ako sumagot pa,tumalikod nalang si dad at sumakay na sa sasakyan n'ya.Ganito kami palagi sa bahay.Kapag nagkikita kami para kaming pusa't aso.Si tita Jelyn ang kinalakihan kong ina at totoo na kabit s'ya ni dad.Pero hindi totoo ang pangbubully sa akin noon ng mga kaklase ko na anak ako ng kabit.Anak ako ni mommy na tunay na asawa ng daddy.Iniwan ako dahil hindi na makatiis sa ugali ng ama ko.May hinanakit din ako sa ina ko dahil nagpakilala lang ito noong first year high school lang ako.Hindi ako makapaniwala at doon nag umpisa ang pagiging suwail ko sa ama ko.At naging pasaway sa school.Pero hindi ko naman pinabayaan ang pag aaral ko dahil gusto ko ipakita sa ama ko na magaling ako.
"Gavin anak,bakit nandito ka wala ka bang pasok sa opisina?
"Mom alam mo naman pagbirthday mo diba lagi akong nandito?Happy birthday mom!
"Thank you anak,pasok ka at makakain.Nag abala ka pa magdala nitong regalo.Ikaw lang anak sapat na.
"Si mommy talaga,..Hi lolo at lola.
"Apo naku,ang laki laki mo na.14 ka lang ng huli kang dinala ng mommy mo sa Batangas.
"Oo iho at noong baby ka siguro mga 3 months ka palang noon.Ang cute mong baby.
"Pati rin naman ngayon lolo ah.
"Tama na iyan at kakain na tayo.Inday pakitawag sila kuya Carlo at Ate Grace.
"Opo ate..
------
"Oy,nandito pala ang pamangkin kong pogi na mana sa akin.
"Tito Carlo talaga..Wala ka bang klase ngayon tito,Diba teacher ka?
"Halfday lang ako kasi birthday ni ate.At dinala kona din itong faborite niyang ensaymada.
"Oy,favorite ko din 'yan,bigyan mo ako..
"Hay naku nagmana talaga da akin itong baby ko.
"Mom naman 25 years old na ako baby parin?
"Oo naman,you're always my baby.
"Haist,talaga naman ohh...
"May Girlfriend kana ba Gavin?
"Bakit mo naman iyan natanong tita Grace?
"Wala,may ipakilala kasi ako sa'yo.
"Wag na tita,wala pa sa isip ko relationship.Baka mapatay lang ako ni dad.
"what?ano ka babae?para pigilang magkaboyfriend?Tell this to kuya Gabriel na lalaki ka ha at dapat mag girlfriend na mag girlfriend.Siya nga kahit may asawa na e..
"Grace 'yang bunganga mo!
"Sorry Inay,nadulas lang po.
"Kain na po tayo,nagugutom na ako.
Iyon nalang ang naisip ko para matigil na ang kakadaldal ng tita Grace ko.Madaldal kasi ito,dalawang taon lang ang age gap namin,bunso kasi siya nila mommy at si tito Carlo ay apat na taon ang age gap namin.Si mommy ang panganay sa kanilang tatlong magkapatid.Nakilala ito ni dad sa eroplano kung saan si mom ang stewardes at dad naman ay pasahero.Niligawan daw ni dad si mom at hindi nagtagal ay naging sila at pinakasalan.Bilib din ako sa love story nila na nauwe lang din sa hiwalayan.Masayang kasama ang pamilya ni mommy,kaya mas gusto ko dito kesa mansyon.Nag iisang anak lang si dad at maaga namatay ang lolo at lola ko sa side ng daddy.Kaya siguro laging seryoso ang dad pagdating sa trabaho.
"Hay sarap kumain.Mom thank you sa masarap mong handa.
"Si lola ang naghanda ng lahat ng iyan.
"Naku lola,kaya siguro may forever kayo ni lolo dahil sa sarap mong magluto.
"Bolero din itong apo ko,mana ka sa lolo mo.
"Sa akin talaga nagmana iyan pati ang kagwapuhan.
"Ayan ka nanaman Simon,s'ya umakyat kayo doon sa viranda doon na kayo mag-usap para makapagligpit na kami.
"Sige na nga po,si lola talaga.
"Tito kumusta sa school?
"Ayon,busy na kasi magtatapos nanaman ang klase.At hindi parin ako makaporma sa babaeng matagal ko ng gusto.
"Wala ka pala e,Gusto mo tulungan kita?
"Huwag na,kaya ko na ito.Nahihiya lang kasi ako sa kanya,parang bestfriend lang kasi ang turing sa akin.Lalo na ngayon,may problema ito dahil nalaman niyang hindi niya tunay na magulang ang nag aalaga sa kanya mula noong bata.Mga tito at tita n'ya lang.
"How sad,ngayon n'ya lang nalaman?
"Oo kung saang 24 years old na s'ya.
"Ano ang naging reaksyon daw n'ya?
"Wala,nag thank you lang sa tito n'ya.Mabait na babae si Krisha kaya hinahangaan ko s'ya ng sobra.
"Krisha?
"Krisha ang pangalan ng co-teacher ko at naging bff ko mula ng magtrabaho ako sa school na iyon.Bakit?
"Wala parang may naalala lang ako sa pangalang Krisha.Ah tito,mauna na pala ako may meeting pala ako mamayang 3 oclock.
"Aalis kana agad?
"Opo mom,babalik nalang ako dito.May meeting ako mamayang 3.
"Mag-ingat ka iho.
"Salamat lola at lolo.Babye po.
Nandito na ako sa lugar na sinabi ni Carlo sa akin,nagdoorbell ako at may nakita akong lalaki na pasakay na sana ng kotse.At s'ya na nagbukas ng gate..
"Good afternoon po,ito ho ba ang bahay ni Carlo Solidad?
"Oho,nasa taas s'ya pa___pasok ka.Pero teka miss ikaw y...yong babae na nagsalamin sa kotse ko nokng isang linggo tama ba ako?
"Ikaw?ikaw yong alalay na bisita ng daddy ko ah..
"Excuse me,oh Gavin akala ko ba nakaalis kana?Magkakilala kayo?
"Carlo hi,siya ang nagbukas sa akin ng gate.Kaano ano mo sya?
"Pamangkin ko,siya si Gavin.Gavin si Krisha bestfriend ko.
"Ah...hi maam Krisha.Mauna na ako at may meeting pa ako.
"Ingat pamangkin..
Pamangkin ni Carlo ang alalay ng bisita ni dad,what ah small world".Ang taong hindi nagpatulog sa akin ng dalawang gabi.Nagsalamin lang naman ako at nag me makeface sa kotse ng boss niya.Kaya hiyang hiya ako kahit hindi ko s'ya kilala.