Chapter-4 Kabaliwan

903 Words
Pinapasok ko sa loob si Krisha,napakaganda nito sa kahit simpleng dress lang.Bumati s'ya kay ate ng maligayang kaarawan at sabay abot ng regalo nito at nagmano sa mga magulang ko.Nagsign naman ng approved si Grace at nginitian ko lang. "Naku naman Krisha nag abala ka pa nito. "Naku si ate tanggapin mo na dahil taon-taon ka ng bibigyan ni Krisha ng birthday gift ngayong alam na niya ang address mo. "Ikaw talaga Carlo,sige na Krisha kumain kana. "Salamat ho,pasinsya na may tinapos pa sa school kaya late ng nakapunta. "Naku iha,kahit gabi ka pa nakapunta atupagin ka parin namin.Mabuti at nakita ka na namin sa personal,napakaganda mong babae.Lagi kang bukambibig ng Carlo namin. "Naku si Mama binubuko ako. "Iha,talaga bang magbestfriend lang kayo nitong anak ko? "Ma,anong tanong nanaman iyan? "Oho,magbestfriend lang po kami. "Ay ganun ba,akala ko pinupormahan ka ng anak ko.Pinapaasawa ko na kasi dahil mag trenta na this year wala paring girlfriend. "Oo nga po,kahit ako pinipilit ko s'ya.Sabi naman n'ya may nagustuhan na s'ya kaso nahihiya daw s'yang aminin ang piling niya sa babae.Hayaan nyo po,tutulungan ko ang kaibigan kong ito para makapagsabi sa mahal niyang babae. "Naku Krisha,torpe talaga 'yan si kuya kaya hindi pa nagkakagirlfriend eversince.Nagmana nga yata d'yan si Gavin,25 na wala pang pinapakilala sa aming babae. "Aba Grace,dinadamay mo pa si Gavin baka nga mamaya ang daming chicks nun,hindi lang niya sinasabi dahil masekreto. "Tama na 'yan nakakahiya kay Krisha. "Ok lang po,sanay na din ako kay Carlo. "Pero alam mo iha,boto ako sa'yo para sa Carlo namin. "Ay si Papa,siningit pa talaga 'yan.. Tumawa nalang ako sa ama ni Carlo.Pareho lang din naman kami NBSB din naman ako.Dahil wala pa sa isip ko ang maboyfriend na sabi nga ng bessy kong si Audrey ay sakit lang sa ulo.At takot din sa commitment.Minsan inaasar ko si Carlo at Audrey dahil para itong aso't pusa sa school pagnagkasama.Lagi din akong nagpapagitna pag nagbibiruan na ang dalawa dahil sa huli ay nag-aaway.Adviser din ng senior high si Audrey sa section 2 at section 3 naman si Carlo.Nagpaalam na akong umuwi,dahil ayaw ni dad na gagabihin ako parang teenager parin na bawal maabutan ng curfew Mababait ang pamilya ni Carlo at nakasundo ko silang lahat. "Thank you mr.Untalasco,makakaasa kang maging maayos ang pag invest mo sa aming negosyo. "Salamat din Gavin sa pag welcome sa akin.Hindi ako nagkamali na sa negosyo nyo ako nag invest.Mauuna na ako at may meeting pa ako sa client ko. "Sige mr.Untalasco.Ingat.. "Ang galing mo talaga Gavin lagi mong napa oo agad ang magbabalak pa lang.Mabibilib nanaman si tito sayo nito. "Alam mo Kyle hindi lang naman iyan sa salita dapat iparamdam mo na mahalaga sila at willing ka to help them na magsasucces sila at ramdam nila na sincere ka.Hindi yong dinadaan mo pa sa mabulaklak na salita.Dapar direct to the point ka. "Opo boss,tatandaan ko iyan. "Mauna na ako Kyle babalik ako kila mommy,malapit lang naman dito ang bahay niya  "Sama ako,gusto ko din makita si tita. "Bahala ka.Huwag kang magulo doon ha,Nandoon pa naman si tita  Grace. "Sus,ano naman? "Ayaw sayo iyon dahil sa sobrang kulit mo,baka nakalimutan mo noong bata tayo hinampas ka lang naman ng  walis tambo sa ulo. "Mabait naman na s'ya ngayon diba? "Oo,pero hindi ko masabi dahil mainit dugo saiyo nun.Lalo na't pamangkin ka ni daddy sa pinsan. "Ok lang basta sasama ako.Tita na din itawag ko sa kanya kasi tita mo s'ya. Nakarating kami sa bahay nila mommy at nakita ko pa ang bisita ni Tito Carlo,hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito.Parang kilala ko na s'ya dati pa,hindi ko lang maalala.Nakakabighani naman ang mga ngiti nito, the way she act and talk. "Gavin kanina pa ako nagsasalita dito,sino ba iyang tinititigan mo? "Wow!chicababe? "Manahimik ka d'yan Kyle,bisita ni tito 'yan co-teacher niya. "Teka,parang nakita ko na s'ya.Tama!siya yong anak ni mr.Manuel Bernardo hindi ba? "Oo,iyong tinanungan mo.Teka,Bernardo?Iyon naalala ko na may kaklase ako dating na Bernardo ang apilyedo.Hoy,Kyle nagsasalita pa ako! Ang loko iniwan ako nakita lang ang bisita ni tito.Bernardo lang ang naalala ko pero ang pangalan ay hindi pa.Hindi kaya siya yong batang iyon?Ang batang valedictorian namin noong elementary?At naging pangalawa lang ako kahit anong aral ang ginawa ko? "Hi,ms.Bernardo! "Oy,hello! "Magkakilala kayo? "Ahm..last week kasi naging bisita s'ya ni dad kasama ang alalay n'ya. "Alalay? "Oo diba may alalay ka,iniwan mo sa kotse? "Ah,e....oo nga pala.Sorry nawala sa isip ko.Ano kasi... "Ano kasi nakakahiya na sasama pa ako sa boss ko.Meeting n'ya kasi iyon kaya labas na ako sa anumang meeting na pinupuntahan n'ya. "Hindi nga naman maganda na makisali.By the way mauuna na ako.Late na din kasi,Carlo? "Ihahatid na kita Krish para hindi kana magcommute. "Salamat,Ah... "Kyle po maam at your service and this is Gavin my alalay. Nakipag kamay ako si Krisha sa amin.Sarap batukan nitong Kyle na ito.Napagkamalan pa akong alaylay ni Krisha.Talaga naman oh...Tinitingnan ko nalang s'ya palabas at kung may anong damdamin ang mayroon sa aking puso. "Hahaha,Gavin Alalay.. "Manahimik ka Kyle! "Pikon ka na niyan?Bakit kasi hindi mo sinabi ang totoo?Pwede ka naman mag against para alam niya na ikaw ang boss at hindi alalay. "Talagang hindi lang s'ya marunong tumingin ng gwapo at class. "Aba'y Gavin ha,namemersonal kana. "Hindi ah,nagsasabi lang ako ng totoo.. Hindi ko rin naintindihan ang sarili ko kung anong kabaliwan ang pumasok sa isip ko.Magpapanggap akong alalay at panindigan ko na.Sa mata ni miss Bernardo ay alalay ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD