Chapter 5-Nakakainis

433 Words
Busy kami dito sa paaralan dahil may gaganaping program at may mga darating na bisita na magbigay donation para sa programang tulong para sa ikakaunlad ng paaralang pampubliko.At may mayamang tao na tumulong para sa pagpalaki ng library at nagbigay pa ng maraming libro.Dito din ako nag elementary  sa loob ng siyam na taon ng nawala ako dito ay marami na ding nagbago hanggang nag apply ako dito para maging guro.. Maglilimang taon na akong nagtatrabaho sa paaralan na ito pero ngayon palang may gumastos ng gano'ng halaga.Sino kaya ang taong nagdonate ng ganito kalaking halaga para pagastusan ang malaking library at books na mula first year high school hanggang 4th year? "Ahem...mukhang malalim nag iniisip mo ah?..."Ikaw pala Audreyssa..napaisip lang ako sa gaganaping program mamaya.."Ah,iyong pasasalamat program para sa mga nagdonate dito sa school?"Oo,ang yaman naman n'ya.."Alam mo Krisha,barya lang sa kanila yang tunutulong nila...Saka balita ko galing s'ya dito,dito nag aaral noong elementary daw yata.."Ah kaya siguro nagbigay dahil dito s'ya nagsimula..."Parang ganun na nga..."Audreyssa,nakita mo ba si Carlo?.."Bakit mo naman hinahanap ang taong iyon?..."Hindi ko lang napansin mula kanina.."Ayun oh,siya kasi ang kinuhang mc mamaya kaya busy s'ya..Ikaw kasi magbibigay din ng speech kaya siya nalang ang mc bilang participation n'ya.."Ikaw ano ang participation mo?..."Kakain lang ako Krisha,ano aangal ka? "Hindi ha,saka kahit ubusin mo pa food mamaya hanggang tumaba ka ng tumaba katawan mo naman iyan. "Ay nakakaluka,bestfriend ba talaga kita Krisha ha.. "Takaw mo kasi Audreyssa..Kaya ka lumubo e.Maawa ka nga sa katawan mo~ "Oo ikaw na sexy, at pwede ba huwag na huwag mo ulit akong tawagin ng totoo kung pangalan,cute na ang Audrey e."Oh s'ya Audrey na kung Audrey.Maiwan na kita at may gagawin pa ako. "Bye Krisha,see you later and goodluck sa speech ng pasasalamat mamaya. Dinilatan ko nalang ng mata ang bestfriend ko at tuloy-tuloy na sa room kung saan iyon ang huli kong lecture dahil maghahanda na ang lahat sa programa mamaya.Nang makita ko ang isang magarang kotse papasok sa gate ng paaralan.Hindi ako nagkamali iyon yong kotse na ginawa kong salamin ang bintana.Bisita din sila dito?Its means na nagdonate din sila?Nagmamadali akong pumasok sa 3rd year star section para maumpisahan na ang klase ko ng maabutan kong sampung  estudyante lang ang nandito sa room na ito.Masyado namang excited sa program mamaya ang mga bata.At kahit sampu lang sila ay inumpisahan ko ng mag lecture ng may tumingin sa bintana habang nagkaklase ako.Hindi ako nagkamali kilala ko s'ya ang lalaking alalay na bisita ni daddy.Ngumiti ito na parang may kahulugan at inirapan ko naman ito.At mas lalong lumawak ang ngiti nito sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD